“Ayoko na!” ,sigaw ko sa sarili ko. “Pagod na pagod na ‘ko. Lagi nalang akong nasasaktan. Lagi na lang ako yung iniiwan. Lagi na lang ako yung sobra-sobra kung magmahal tapos sa huli, ako parin yung mukhang tanga!!! Ayoko naaaa!!!”
Sunod-sunod na patak ng luha ang lumabas sa mga mata ko.
“It’s just not fair.”
Napatingin ako sa baba. Napatingin ako sa mga paa ko na nakatapak sa dulo ng tulay at isang galaw ko na lang ay maaaring matapos na ang buhay ko.
Oo, tama kayo.
I was going to end my life tonight.
My pathetic life.
Ilang minuto na lang, any time now, kaya kong tumalon sa kinalalagyan ko ngayon, bumagsak sa tubig, at tapusin na lahat ng paghihirap ko.
Walang tao.
Tahimik.
Madilim.
Ito na yung tamang panahon para gawin ko ‘to.
Siguro maja-judge nyo ‘ko. Siguro iniisip nyo na siraulo ako. But that’s just because hindi nyo alam ang pinagdaanan ko sa buong talambuhay ko. Pinag-isipan ko ‘to ng mabuti. Matagal akong nagtiis ng tahimik habang yung puso’t kaluluwa ko ang naghihirap at bumubulong ng paulit-ulit ng mga salitang, “Gusto ko nang bumitaw.” Nasa akin na ang lahat ng karapatan para mawala sa mundo.
Pagod na pagod na ako.
Bakit? Bakit ko naisipang …magpakamatay?
Simple lang.
Dahil hindi ko na kayang mabuhay.
Iniwan ako ng mama ko nung limang taong gulang palang ako. Right then, there were only three things that revolved around dad’s life: work, alcohol and slutty middle-aged women. And yes, aaminin ko. Mayaman kami. Nakatira ako sa mansion, kahit kailan hindi ako nagutom, and I had every single thing I needed and wanted. Except for a parent’s love.
Ayos diba? Ang akala naman kasi ng iba, porket marangya ka, wala ka nang problema at lagi ka nang masaya. Well I’m sorry but that’s not how it works. But then I met Andrew.
Nilaan ko nalang sakanya yung focus ko. And I was proud to say that for the first time in forever, naging masaya ako. He gave me the love and attention my dad could never ever give me. He was everything I could hold onto. He was my life saver. His existence saved me. At least that’s what I thought.
But who knew that the person who saved your life could be the reason for you to end it too?
3rd Anniversary na namin nung araw na yun.
Plano ko sanang surpresahin sya. So ito ang ginawa ko:
Pumunta ako sa apartment nya. Nakapasok ako kasi meron akong spare key. Naglagay ako ng 50 balloons na lumulutang na may each na nakadikit na papel sa tali at bawal papel ay may nakasulat na rason kung bakit mahal ko sya. Cheesy, I know. Nag-bake na rin ako ng red velvet cupcakes kasi favorite nya yun. And if that wasn’t enough, sa mga pader ng kwarto nya, naglagay ako ng sandamakmak na pictures namin taken from random days – para sa tuwing pumapasok sya sa room nya, para bang naglalakad sya sa memory lane. Para lagi nya ‘kong maalala.
So then, hinintay ko nalang sya.
I waited and waited and waited.
Tinext ko sya at tinawagan pero naka-off phone nya. Pfft! ,I thought. Sana naman binati nya ako kahit through text lang. Pero naisip ko na baka busy rin sya sa school. Yung problema kasi, magkaiba kami ng university na pinasukan. Patience, grasshopper. So I waited a little more.
BINABASA MO ANG
Tied Together With A Smile
Teen FictionWhen someone makes you smile, they make your life better. They've done the most beautiful way of showing their purpose and intention.