Colornote (First Shot)

388 13 5
                                    

Karen Kaye's POV

"Ang aga aga, nakakakita ako ng panget" Pagpaparinig ng Girlfriend ng ex ko ng magkasakubong kami. Binangga ko nga.

"Ano ba?! Panget na nga, bulag pa!"Hindi naman ako panget pero hindi rin ako maganda. Sobrang ganda ko lang talaga.

"Ay sorry! Akala ko poste wala kasing shape e, Palaka pala. Sige froglet, wait for your ugly frog prince there, babush!"Nagflip hair ako at nagmagandang exit.

Naglakad na ako papuntang classroom at ang unang bumungad sa akin ay ang pangit na mukha ni Kevin.

"KARAYE! Peram phone." Oo, Karaye tawag sakin ng walangyang Kevin. Pinagsama ang Karen at Kaye. -___-

At oo, lagi nyang hinihiram phone ko.

"Phone nanaman? May cellphone ka ah! Tabi ka nga dyan" Naggive naman sya ng space para makapasok ako ng room. Nilagay ko ang bag ko sa upuan ko at umupo na rin ako.

"Walang Laro Cellphone ko. Wala pa akong memory card. Puro Music Videos nakasave sa phone ko kaya yung phone storage ay full na" Umupo sya sa tabi ko.

"MVs? Anong drama mo?" Binigay ko sa kanya yung phone ko.

"Mga sayaw na pinag-aaralan slash pag-aaralan ko" Dancer kasi yan. Pero ewan ko rin dyan kasi puro Kpop dances yung pinagaaralan nya. Nakakatuwa rin kasi kpopper ako.

Habang nilalaro nya ang cellphone ko ay binabasa ko naman tong 'Para sa Broken hearted'

"Para sa broken hearted? Anong drama mo?" Ginaya nya pa yung tono ng pananalita ko kanina. Binatukan ko nga. Pagbatok ko sa kanya syempre medyo napayuko sya kaya nakita ko kung ano ang ginagawa nya sa phone ko. Nang makita kong nasa Colornote sya ay agad kong hinablot ang phone ko.

"Sabi mo maglalaro ka! Bat nasa colornote ka?" Shet. May mga stories ako dito na ano... na tungkol sa.... basta! Tsaka may mga private notes ako dito!

"Napadaan lang!" hinablot nya pabalik sa kanya cp ko.

"May secrets ako dyan! Akin na yan! Privacy invader!"

"Tanga! Di ko nga mabasa kasi may password! Triny ko nga ilagay pangalan ko kaso di tama e." Binatukan ko ulit sya.

"Bakit ko naman gagawing password pangalan mo?"

"Baka kasi may gusto ka sakin?" Tumingin sya sa akin sabay kindat. Hinampas ko sya ng librong hawak ko. Hindi naman sya ganun kasakit.

"MANDIRI KA NGA KESAN!" Kesan. Kevin Sanchez. Pinaghalo ko lang. Wala kasing second name e. (Opo. Kapatid nya po si Kenneth Sanchez ng The Players' Game at opo plinaplug ko po yon. Hahaha)

"Sus ayaw pa aminin."

"Manahimik ka dyan. Akin na phone ko."

"Wala naman akong mababasang notes e! Nakalock kaya! Yung tungkol sa kpop lang ang walang lock." Hindi ko na sya pinansin kasi nga wala naman syang mababasa don. Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko ng libro.

Maya maya lang ay may sumigaw na andyan na si Ma'am kaya binalik na sakin ni Kesan ang phone ko at pumunta na sya sa proper seat nya.

Naglecture lang ang prof namin kahit walang nakikinig sa kanya. Eto ngang katabi ko tulog na e.

Pagtapos maglecture ni prof ay umalis na sya. Eto namang si Kesan lumapit sakin at nanghiram ng phone. Binigay ko naman sa kanya.

"Bibigay mo sakin ng nakalock e di ko naman alam password" Naaasar nyang sabi habang binibigay sakin ang phone ko. Kinuha ko naman to at binuksan.

Colornote (Two Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon