Colornote (Second Shot)

204 10 2
                                    

Kevin's POV

Kanina pa ako gising. Mga 2 na ngayon. Kanina pa may nagtetext sa akin pero hindi ko pinapansin.

Kinuha ko yung scrap book na binigay sakin ni Karaye nung last Birthday ko. Tinignan ko yung mga pictures. Ang saya namin dito. Kung sakali kayang bumalik ako mapapatawad nya pa ako?

Malamang hindi. Iniwanan sya ng kaisa isang taong pinagkakatiwalaan nya. Ano ba yan.

Sa kalagitnaan ng pagtitingin ko may tumawag sa akin.

"Hello?"

[Men, Ano oras flight mo?]

"4am. Bakit, pupunta ka? Wag na. Di kita mamimiss"

[Pakyu men. Sang airport ka?]

"Airport ni Kysler" sabay baba ng phone. Problema nun? Tinuloy ko na lang pagscan ko sa scrapbook namin.

Nung natapos ko ng iscan yung scrapbook na gawa nya may tumulong luha sa mata ko. Agad kong pinunasan yon.

"Parang tanga naman Kevin." sabi ko pa sa sarili ko. Nag-ayos na ako kasi malapit na rin naman kaming umalis ni Daddy.

~~

Nung nasa kotse na kami ni daddy papuntang airport wala akong magawa kaya naisipan kong magsoundtrip na lang. Pangmatanda tugtog sa loob ng sasakyan e. Kainis. Binuksan ko na phone ko at nagulat ako kung bakit Kpop churva ang wallpaper.

Nagkapalit pala kaming phone ni Karaye!

'Kanina ka pa tanong ng tanong ng password. Secret yung password! Lahat naman ng password ko secret e. Maski sa fb nga diba?'

Nung naalala ko yon agad akong pumunta sa colornote. Binuksan ko yung pinaka nakakacurious dun. Puro kasi kpop nakalagay tsaka mga gawa nyang stories.

Buti na lang secret din password nya dito. Binasa ko na mga nakalagay dun.

-Concert ng exo sa june.♥

-Nagkasakit ako. Natutuwa ako kasi inalagaan ako ni Kesan.♥

-Baliw sila Migs.

-Natanggap ako sa photojournalism! Saya lang!!!

-COMEBACK NG SHINEE. OMG.

-Si Kyungsoo at Minah. :( :( :( :(

-Katabi ko si Joshua Gamboa. Gwapo pala. hahahaha. Pero mas gwapo si Kesaaaan.

-Sinapak ni Kesan yung manliligaw ko. Naguidance tuloy sya. Pero shet lang. Kinikilig eke.♥

-Nanuod ako ng basketball practice nila Kesan. Takte. Anong meron sa pawisan nyang buhok at kapag hinahawi nya kinikilig ako? ANG HOT LANG NG KESAN KO. BWAHAHAHA.

-Umiyak ako kanina. Napakita ko nanaman weakness ko kay Kesan. Kaasar.

-Ang tahimik ni Kysler. Kabagot kasama. Hahaha.

-Sarap lang patayin nung mga babaeng umaaligid kay Kesan. -_________-

-Swimming competetion ni Kesan. Nanalo sya. Syempre bilang supportive best friend nayakap ko sya. Shet. Hindi ako nananantsing ah! Pero uhlala ang abs nya. Nadikit sakin. Shet yakapin daw ba kasi ang topless at basang si Kesan? Ayun pati ako basa! Hahaha.

-Sinumpong ako ng allergy ko. Andami ko kasing nakain na chocolates. ayun, SERMON ABOT KO KAY TATAY KESAN. Harthart.

-Nalock kami ni Edrik (manliligaw ko). Masaya sya kasama at mabait. Bigyan ko kaya ng chance?

Colornote (Two Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon