Chapter 2 : Faith Christian Academy

54 4 0
                                    

Alwin's POV

First day of school ko sa 2nd year. Siyempre bago lahat. Bagong section. Bagong classmates. Bagong uniforms. Bagong notebooks. Bagong pencil. Bagong ballpens. Bagong pants. Bagong shoes. Bagong haircut. Bagong socks. Bagong crush. Bagong bag. Bagong bullies. Bagong kaaway.

Bagong bago lahat ng nasa school namin. Pero pagmasdan mong mabuti ang pangalan ng school namin. Napaka religious noh? Pero mga ugali ng nandito, hindi nakakatuwa. Sobrang nakakainis. Akalain mo, papasok pa lang ako ng gate.

Ako agad unang napansin ng mga bullies dun. Bwisit na bwisit talaga ako lalo na nung nakita ko yung bwisit na Simon na yun. Nakakahmmmpp talaga! Kung marunong lang ako makipag ayaw, ginawa ko na siguro yun. Kahit na ma guidance ako. Pero joke lang yun. Diba nga, di ako mahilig makipag away. Hindi dahil duwag ako ay aasar asarin na nila kong baklang baboy kundi dahil may pinag aralan kaya ako.

"Lumilindol naku!"

Nung narinig ko yun. Putcha! Nananahimik ako eh. Dinalian ko nalang paglalakad ko para pumunta sa covered court para hanapin kung ano yung section ko. Dali dali ako sa paghahanap. Natawa ko kasi nasakop ko na yung isang bulletin board.

Nung nakita ko yung section ko *tugudugsh*

"Section three!" classmate ko pa yung crush ko. Si Ynna my loves.

Tiningnan ko pa kung sino pa ang mga classmate ko na classmate ko pa rin hanggang ngayon. Nakita ko yung pangalan ng best friend ko.

"Uy! si Red pala classmate ko pa rin."

Papaalis na sana ako sa pwesto ko ng may bumato sa akin ng bato. At yun ay ang walang kakupad kupad na si Simon.

"Aray, ang sakit nun ah!"

"Ayan, ayaw mo kasing tumabi dyang baboy ka. Ikaw tuloy ang natamaan ko imbis na yung nasa likod mo."

Hindi ko nalang pinansin. Pero totoo medyo masakit yun ah. Agad akong pumunta sa section ko."Ugh! Bakit pa kasi Third floor pa eh. Ang hirap hirap umakyat eh. Sana naman magdagdag sila ng bagong building.

Para ilagay sa 2nd floor yung section namin. 30 Sections lahat tapos 2 lang yung building na para sa 2nd year and 1st year? Geh 5 sections sa 1st floor tapos 4 sections sa 2nd and 3rd floor.

Pero ok na din ito. Pangbawas din ito sa weight eh. Punong puno ako ng pawis sa mukha.

"Putcha! Tubig! , tubig! , tubig!"

Halos mamatay na ko sa uhaw. Buti nalang nakita ko si Red na padating.

"Red! May tubig ka?"

"O, Alwin ikaw pala yan.Tung unu! bat tumaba ka pa ng lalo? Atsaka bakit wala kang tubig na dala? First day na first day of school wala kang tubig? Ha! Itong baboy na ito. Ang tamad."

"Pahinge na lang ng tubig!!!! Huwag ka ng magtanong please? Mamatay na ko."

"Oh eto na. Gagsti ka kasi. Next time, magdala ka din ng tubig ah?!"

Hoooo sa wakas at nakainom na rin ako. Gusto ko na pumasok.

"Tara na, sabay na tayo"

Pagpasok namin, bilang palang sa daliri ng kamay at paa ang naroroon. Atsaka wala pa dun yung Crush ko. Nakita ko yung upuan na may pangalan ko.

"Ibig sabihin akin yun?"

"Oo!" Sabi nung classmate kong isa.

Oo nga, ang galing. Nag iimprove na itong school na ito ah. Bago na yung mga upuan. Ngayon ko lang napansin bagong pintura pala yung mga buildings dito. Pati yung loob ng room ang ganda din nung wall. Walang mga vandal. Dati kasi puro vandal yung wall namin dati. Teka! Wow! Sliding window na din dito. Abay ang ganda talaga ng school na ito kahit na maraming bully. Sana lagyan din nila ng aircon dito.

Ang sarap sa pakiramdam kapag bandang bintana ka nakaupo. Ang hangin hangin.

Bawat 2 minuto, 3 tao yung pumapasok. Ang tagal naman ni Ynna, ang crush ko. <3 Pero di niya alam.

Kakain nga muna ko. Nakakagutom kaya kakahintay na magsimula yung klase. Mga pa VIP! Joke.

"Red! Pagkain oh, gusto mo? Makabawi lang naman."

Nasa harapan ko.

"Zzzzzz"

Putcha! Tulog pala.

"Uy, gising! gising! Kumpleto na tayo."

"Ay gagsti. Buti nalang ginising mo ko."

*Pumasok yung  babaeng teacher*

"Ok class, My name is Angel Soriano. I'm your adviser and AP teacher."

Putcha! Sana naman hindi to masungit. Nakakatakot talaga pag AP teacher eh. Last year, grabe kasungit yung AP teacher namin.

"Don't worry class, mabait akong teacher basta kapag lumagpas ng deadline, pwede ka pa magpasa pero may bawas na sa grades yun ah."

Hay buti nalang.

"Ok class, if I call your name, stand up in front and introduce yourself."

"Huh!" Sigaw namin lahat.

Putcha naman na putcha talaga na putcha naman talaga eh noh. Nakakahiya kaya. Pano kung English pa. Hindi ko kaya mag english. *Tinaas ko kamay ko*

"Ma'am Angel, English po ba?"

"Oo."

"Hala Ma'am!"

"Ano yun tabachoy?"

*Nagtawanan yung mga classmates ko*

"Di, wala po yun Ma'am."

Grabe naman itong teacher na ito. Hay naku! Mabait daw? Pero ang ganda ng teacher na to ah.

Pag ako pumayat. Who you kayo lahat sa akin. Pero tanggap ko naman yung pagiging baboy ko eh. "Kunin mo na ang lahat sa akin, wag lang aking pagkain" Bagay yung kanta sa akin noh?

Natapos na lahat magpakikilala. Next teacher naman kami.

Ganon din yung ginawa. Nagpakilala lang kami lahat then alis na. Ganon din sa pangatlo.

*Krrrrrrrrrrrrrrrrrrrngggggg*

Breaktime na wushu. Favorite subject ko sa buong subject.

Pumunta agad ako sa canteen kasama si Red.

"Ano bang masarap dito?"

Nakita ko yung footlong sa bandang gilid.

"Ah ayun nalang"

"Anong ayun?"

"Yung footlong"

Agad akong bumili sa canteen ng footlong tapos umupo.

"Oy Alwin, nga pala hindi mo ba nakita yung elevator dun? Nakita kita. Ikaw lang yung magisa  sa hagdan eh."

"Hala! Weh? Putcha! Kaya pala walang tao dun sa hagdan. Tsaka kaya pala ang tagal ng mga classmates natin eh."

Kinain ko na yung footlong tapos bumalik na kami sa classroom. Dun kami sa elevator dumaan. Astig na talaga itong school na ito. Basta ang galing talaga. Biglang pumasok yung lalaking teacher namin. Pinasulat kami ng paragraph about sa nangyari nung summer kami. Tapos alis na. Yung math teacher naman namin pumasok. Nagpakilala lang. Tapos tapos na. Yung last teacher naman. Medyo madilim na. Pinasulat kami tungkol sa school. Yung difference between last year at ngayon. Tapos tapos na. Uwian na.

"Alwin!" sigaw ni Ynna sa akin.

"Oh, Hi! Bakit pala."

"Wala, Bye!"

"Babye!"

Hay! Nakausap ko na din si Ynna. Nagpaalam na ko sa kanila. Bumili muna ko sa minute burger ng cheese burger at iced choco. Tapos uwi na.

------

Tadaaaaan !!! Hahaha . Gawa gawa lang ang lahat. XD Vote and share nalang :P

Sorry kung medyo pangit story.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHUBBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon