Introduction: "BITCHIN' JAIL"

328 20 3
                                    

INTRODUCTION

THE CROOKED DELINQUENTS

“BITCHIN’ JAIL”

“Hindi ba illegal ‘tong kinukulong kami? Minors pa lang kami,” wala sa sarili kung sabi habang ngumingisi-ngisi pa.

“C’mon, comrade, hayaan mo na lang sila,” sabi naman sa ‘kin ni Daemon. Parehas na naka posas ‘yung kamay naming dalawa. Iisa lang ang gamit na posas kaya naman ‘yung magkabilang kamay namin may matatawag pang ‘freedom’.

Kinulong nila kaming dalawa. Sa totoo lang, madalas na kami dito sa kulungan na ‘to. Ikukulong, makakatakas, wanted, repeat. Gano’n naman talaga lagi e.

“Kung wala kayong maganda magawa, magpakasal na lang kayo kesa puro droga ‘yang inaatupag niyo. Wala ba kayong mga magulang ah?”

“Nice, advice. Kapag inanakan niya ‘ko, papayag ako. Gusto mo?” sabi ko sa kanya sabay abot ng isang pakete. Hinablot niya sa ‘kin ‘yun ng marahas at umalis na. Napa-halakhak na lang ako at lumapit kay Daemon.

“Comrade, pakasal na daw tayo. Tangina no’n.”

“Hmm.” Hinalikan niya ‘ko sa pisngi ko ‘saka ngumisi. Nung umupo ako sa sahig pinatong niya ‘yung ulo niya sa hita ko at pinakit ‘yung mga mata niya. Sinandal ko naman ‘yung ulo ko sa pader at pumikit na rin. Hihintayin na lang namin ang tamang oras para tumakas.

Kelan ko ba nakilala si Daemon? Ah, matagal-tagal na rin. Noong pinalayas ako ng nanay ko at tinakwil. Nag palaboy-laboy na lang ako sa daan hanggang sa  nakilala ko na siya. Mabait siya pero dry makausap. Mahaba ‘yung buhok niya na hanggang batok. Gwapo siya. Katamtaman ang laki ng katawan niya. May piercings siya, maliit na tattoo sa kaliwa ng ilalim ng mata niya  at ang akin naman nasa kana. May jowa siya at napaka ganda niya. Ang pangalan niya ay Aoide.

“Aoide,” biglang tawag niya sa ‘kin.

“Pakyu, too,” bulong ko sa kanya at napangiti na lang habang nakapikit pa rin.

 Tinulungan niya ‘ko. And there, do’n ko nalaman lahat ng mga ginagawa niya kung paano siya nabubuhay. Puro iligal ang mga ginagawa niya, impluwensyahan niya ‘ko kaya lagi kaming bagsak dito. Nakakalabas lang kasi kami lagi dito dahil sa mga diskarte namin. We’re not the most wanted pero hindi kami natatanggal sa wanted list kahit bata pa kami. 17 lang kasi ako, pero siya 19 na. Ako lang ata ang minor pero ewan ko. Wala akong alam.

Lumipas ang alas dose, do’n na kami kumilos. Karamihan  sa mga pulis rumoronda sa buong syudad kaya kakaunti na lang ang natitira dito sa police station, at parang antok na antok pa. Tahimik na kinakalikot ni Daemon ‘yung padlock ng kulungan namin kaya nag hintay na lang ako. May nagkakagulo din sa bawat sulok ng police station kaya hindi kami mapapansin lalo nito. Madaming nag rereklamo at nag sisigawan. May nanakawan, nagahasa, pinatay, pinapa-blotter at kung ano pa.

Nang mabukas na ni Daemon ‘yung padlock. Nakaduko at paupo kaming lumabas, pero bago ‘yun, mabilisan muna naming kinuha sa likod ng bulsa lahat ng mga nag rereklamo sa mga pulis na madaanan namin, ‘yung mga pitaka nila. Tiba-tiba kami nito. Pero syempre hindi naman talaga gano’n kadaling makatakas basta-basta sa kulungan. May nag babantay din sa entrance nito. Kumuha si Daemon ng Piccolong paputok sa bulsa niya at sinindian ito sabay hagis sa labas. Do’n na natuon na ng pansin nung bantay sa entrance at lumabas na para tignan ‘yun. Gano’n din ang nangyari sa mga pulis sa labas pero ‘yung mga pulis na nasa likod pa namin, e, hindi ata narinig ‘yung dahil sa mga sigawan.

Agad na kaming lumabas din ni Daemon diretso sa gilid sa may parking lot ng matiwasay. Hinot-wire ko ‘yung isang police motor do’n atsaka na sumakay sa likod ni Daemon.

“Hoy!” dinig namin ni Daemon sa isa sa mga pulis.

Hindi ko narinig pa ‘yung mga iba pa niyang sinabi kasi binilis na ni Daemon ‘yung pag da-drive sa motor. Pagkatingin ko sa likod madami ng nakasunod na pulis sa ‘min.

“D-mn,” sabi ko habang tumatawa. “Bilisan mo pa dali!”

“Kapit ka sa ‘kin ng mahigpit.” Kita ko ang pag ngisi ni Daemon mula sa gilid ng mukha niya. Kumapit ako sa kanya at mas lalo niya pang binilisan ‘yung pagpapatabok sa motor.

Pero biglang umulan ng malakas. Nakasunod pa rin  sa ‘min ‘yung mga pulis. Hindi ko na din alam kung nasa kami kasi paakyat na ata kami sa isang bundok. Ewan ko. Madulas ‘yung daan. Nahihirapan ng i-control ni Daemon ‘yung motor hanggang sa hindi ko na namalayan tumilapon na pala ako.

Nabangga kami ewan ko kung saan. Nag durugo ‘yung kamay at ulo ko. Masaki tang buong katawan ko. Hindi ko na alam kung nasa’n na ba si Daemon. Nakakakita na rin ako ng mga ilaw ng motor. Alam ko ‘yun ‘yung mga pulis.

“Aoide, tara na. Kaya mo pa ba?” may halong inis at pag alalang pagkakasabi ni Daemon sa ‘kin ‘yun pero nang hihina na ‘ko. Hindi ko kayang makatayo o maimulat ‘man ‘yung mga mata ko. Ako lang ata ang napuruhan. “F-ck! Babalikan kita. Tangina. Mahal kita, tandaan mo ‘yan.” Minulat ko ‘yung mga mata ko at pinanood siyang iwan akong nakahilata at duguan dito habang inaaresto na din ako ulit ng mga pulis.

+

Pagkagising ko, nasa hospital na ‘ko. Ang sakit ng ulo ko. Isang tao ang nakita ko sa room ko. Isang lalaking may katandaan na. Tumingin siya sa ‘kin. ‘Yung mga mata niya nakakatakot. Para bang sa loob nun parang may matang ahas siya.

“Sino ka?” tanong ko.

“Your dad,” sagot naman niya. May tatay ako?

“Anong pangalan ko? Ba’t ako nandito? Anong nangyari sa ‘kin? Ilang taon na ‘ko?” At do’n na ‘ko nag simulang mag breakdown dahil sa mga frustration ko. Pero siya, tinignan niya lang ako ng tahimik.

Hindi ko alam. Ba’t wala akong alam. Isabay mo pa ang sakit ng ulo at katawan ko. Anong nangyari sa ‘kin? Wala akong maalala.

-

10 votes for chapter 1 :) Surreh, f-cked up. Joke. Ganito talaga 'to. Blame and take away the reading and writing slumps.

[♡]: THE CROOKED DELINQUENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon