Teach Me How To Love

57 0 0
                                    

              H-E-A-R-T-B-R-E-A-K. Sabi nila masakit, malungkot at nakakabaliw. Stressful daw, iiyak ka panigurado. Mawawalan ka raw ng ganang kumain tapos halos di daw makakatulog. Magkukulong sa kwarto, magpapatugtog ng mga kantang pangsawi at mag-eemo. Mapapabayaan pati studiesMay mga time pa daw na tulala at parang may sariling mundo. Hayy, Ewan! Mga kaibigan ko talaga oh! Makapagkwento, di ko alam kung nananakot ba o kung ano.  Palibhasa mga broken-hearted kase(sa crush). Magbabakasyon na nga lang nagshare pa ng problema. Pati tuloy ako naiistress! Aga kasing pinana ni kupido mga puso e! yan tuloy, ang aga ring nawasak. Huhuhu. How sad :( 

          Buti nalang ako di ko pa yan nararanasan, kung hindi baka isa na ako sa mga pasyente ng mental hospital. Hahaha :D Wala kasing boyfriend kaya wag nang pagtakahan. :)

            Ako si Camille Joy Raquiz, 15 years old, ang that's my Tomboy ng Caloocan City!  ay mali! Ang NBSB pala ng Caloocan :3 Haha. Welcome sa mundo ko. Mundong malayo sa problema ng mga may lovelife, yung tipong kain-tulog lang ang gawain sa buhay, minsan nakikiWIFI sa kapit-bahay o kaya tambay sa tindahan ni Aling Tentay. Daanan lang ng Group Messages ang phone at ok lang kahit laging walang load dahil wala naman katext.In short, BUHAY SINGLE.

            Wala akong problema sa buhay, stable naman kasi jobs nina Momsie & Papsie, yun ang tawag ko sa parents ko. Si Momsie (Catherine Raquiz,45 years old) ay isang elementary teacher at si Papsie (Joseph Raquiz, 47 years old) naman ay isang chef sa barko. Napoprovide naman nila lahat ng pangangailangan naming magkakapatid, plus nagtatrabaho na ang dalawa sa mga nakakatanda kong kapatid so, maluwag kami sa budget. Naibibigay pa nga nila pati mga simpleng luho ko e.Every six months umuuwi si Papsie with two months vacation. Miss ko na nga siya e:( Kakasakay palang niya ulit sa barko. Mga less than a week pa lang at gaya ng lagi niyang bilin sa akin. "Nak, wag munang magboboyfriend ha?" At dahil sa masunurin akong anak, gaya ng mga past batch ng six months na wala sya, hindi pa rin ako magboboyfriend. :) As of now, ito pa lang naman ang greatest heart break para sa akin. Ang lumaking hindi kasama si Papsie. Pero sanayan lang ito! Ginagawa naman nya yon para sa kabutihana namin kaya na-iintindihan ko.

           Bunso ako sa apat na magkakapatid. Kumpleto nga kami sa pamilya e. May girl (ako), boy(kuya Charles Andrei Raquiz ,17 years old, student), bakla(kuya Carl Angelo Raquiz,20 years old, insurance company agent) at tomboy (ate Clarissa Jane Raquiz, 23years old, call center agent). Prinsesa ako ng aking mga mahal na kapatid. Oh diba ang saya?! Kaya di ko kailangan ng boyfriend e! Hahahage :)

          BAKASYON- walang espesyal. Sa bahay lang. selfie dito, selfie doon. Sound trip dito, Sound trip doon. One time nanood ng Movie with friends, specifically Diary ng Panget. #NoErase. Kakilig yun! Dami ko ngang nahampas nun sa sobrang kilig. Ang gwapo kasi ni James Reid & ang pretty ni Nadine Lustre <3 Panoorin nyo, Showing pa. Nag-endorse pa eh! Hahaha :D Lam na! wattpad Fanatic e :) After that inubos ko ang buong bakasyon ko sa utos ni Momsie,Facebook, Twitter, Instagram at iba pa. IAdd or IFollow mo ako pag minsan :D  *mabilis na lumipas ang 2 months, buti naman kainip na yung daily routine e*

           June 1, 2014, Sunday. Night before mag-umpisa ang klase. Bandang 10 pm. Di pa ako inaantok. Ayy, Ewan! Sabik na yata akong pumasok sa school o baka may umiisip sa akin? malay naman natin di ba? baka mayroong may crush sakin. Hahaha :D Ipupush ko to :p Good Night na nga! baka masira ko pa yung promise ko kay Popsie nang di oras. *After some minutes, knock out na ang lola nyo*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Teach Me How To LoveWhere stories live. Discover now