Julia

46 4 6
                                    

Naaalala ko pa noong unang beses na nakuha mo ang atensyon ko. Naaalala ko pa ang sobra mong kakulitan sa tuwing di mo maintindihan ang lesson ninyo sa Steno. Naaalala ko pa ang pagsadya mo sa room namin dahil iba ang section ko sa'yo. Naalala ko pa yung mga panahon na High School pa lang tayo. Yung mga panahon na alam kong nahuhulog na ako sa'yo.

Yung mga panahong halos walang araw na hindi tayo nagtatagpo. Yung mga araw na para na tayong kambal-tuko. Yung mga oras na sumasabay ka sa amin kumain ng lunch, hanggang sa dumating sa puntong tayo na lang yung magkasabay, kasi naiinis sila sa pagkain mong maingay. Ang alam ko talaga, ayaw ko sa taong kumakain ng maingay. Pero ewan ko ba, pati mga flaws mo, natutunan kong ibigin ng tunay.

Lumipas ang mga taon, nabago ang pagkakataon. Naging busy tayo pareho, pero ang puso ko, hindi pa din nagbabago sa tinitibok nito. Masakit para sa akin na isiping iba na ang laman ng bawat oras mo. Ang isiping hindi na sumasagi sa isip mo ang Julia na nakilala mo. Pero masaya ako. Masaya ako dahil napagmamasdan pa din kita kahit malayo ako sa'yo.

Naalala ko pa ang unang unang pagkakataon na magkaroon ng local concert ang school natin. Fourth year na tayo noon, naaalala ko pa ang napakatamis na ngiti sa mga labi mo. Wala akong ibang magawa kundi ang tumayo sa tabi at manood sa'yo. Damang dama ko ang lakas ng tibok ng puso ko, Pero alam ko naman - Limot mo na ako. 

Ngunit 'wag kang mag-alala, naiintindihan ko. May kanya-kanya tayong kahinaan dito sa mundong ito. Di ako magsasawa, maghihintay ako.

Lumipas ang panahon, di napipigilang humarap sa bawat hamon. Naaalala ko pa, sinundan kita sa University kung saan mo napag-isipan magkolehiyo. Engineering pa nga ang kinuha mong kurso. Pero hindi ko kayang lumapit sa'yo ng masyado. Natatakot akong masira ko ang mga ngiti mo. Mas pinili kong dumistansya, ayos na sa akin ang makita ka kahit sa malayo.

Kinikilala ko din ang mga nagiging kaibigan mo, wala naman sigurong masama, Avid Fan mo kaya ako. Sa musika man o sa akademya, para sa akin, walang tatalo sa'yo. Nakita ko, palaban ka. Hindi ka nagpapatalo. First rejection nga sa Battle of the Bands, pero hindi ka pa din sumuko. Nakita ko ang katatagan mo. Na walang makakapigil sa'yo. 

Rejection sa Battle of the Bands?! Sus! Yung mga sumali? Mga antipatiko. Misjudgment, pinili lang yung mga sikat na grupo. Bandwagons, mga sabay sa uso. Pero ako? Ako pa din ang very proud na tagahanga mo. Pinakita mo sa akin na hindi dapat sumuko,

Kaya ako? ayun. Hinulog sa suggestion box ang mga hinaing ko. Naalala ko pa, di ako natakot na isulat ang pangalan ko.

Dear Event Management,

May napansin lang po ako. Sa susunod sana, 'wag puro bida ang iharap ninyo. Napansin ko kasi, mga sikat lang ang pinili ninyo. Ay aba! matatanda na yan sa eskwelahang ito, baka gusto ninyo silang pa-graduate'in? Naka-ilang ulit na sa kolehiyo oh! Di ninyo ba pansin? Mga ANTIPATIKO?

Bigyan ninyo naman ng pagkakataong sumibol ang mga bago. Ang dami kayang amateur bands na halatang may ibubuga. Di ninyo ba naisip? Tinatapyas ninyo ang confidence nila. Buti na lang, may isang na-reject pero di sumuko, pano pag-graduate ng mga sikat? School natin ang talo.

Kainis naman kasi, ito yung school na takot sa mga tao. Takot sumubok ng bagong banda, bakit? takot kayong mawalan ng pera? Na nanggaling sa matatagal ninyo nang bida?

Sana pakinggan ninyo ang aking hinaing. Sayang kase. Ang daming may angking galing. Bahala kayo, kawalan ninyo yan. Basta ako, concern student lang.

Hindi halatang gumagalang,

Julia.

Lumabas ang tapang ko ng dahil sa'yo. Shempre mananahimik ang school sa suggestion na iyon, Kasi pag naghanap sila ng Julia, ay nako! Lalabas talaga ang baho nila.

Ayun, lumipas ng lumipas ang taon, busy ka pa din sa engineering activities ninyo. Samantalang ako, nangangarap pa din na maalala mo. Kahit maalala mo man lang, labis na ang magiging kasiyahan ko. Yung exhibit ninyo na may quidditch ball? Grabe kaya. Napanganga ako. Ibang iba na, seryoso ka na talaga sa mga akademiko. Naikumpara ko tuloy yung kahinaan mo sa Steno. Natatawa akong balikan, mga alaala ng nakaraan.

Ilang araw ang lumipas, ilang taon ang nagdaan. Naging komportable akong pagmasdan, lahat ng gawa mo, kahit kahibangan. Pero nawala ang mga ngiti ko nang ako'y may nalaman. Sa fifth year mo, nagkaroon ka ng kasintahan. Nalungkot ako, di man lang napagbigyan ~ang panalangin ko na pangalan mo ang laman. Nilamon ang pangarap ko sa ilang taon na nagdaan. Pero ayos lang. Hindi pa din kita iiwan. Nakita ko ang saya ninyong magkasintahan. Isang dalagang kaakit-akit, Jamaica ang ngalan.

Saksi ako sa mga pagkakataong masaya kayong pagmasdan. 'Sana, ako siya.' naibulong ko sa kawalan. Pero alam ko naman, siya ngayon ang iyong kaligayahan. Pinilit ko nang tanggapin, Hindi ka magiging akin. Wala na yung noon, Ang sakit isipin. Ayos lang ako, isang kasinungalingan. Di ko magawa na ika'y kalimutan. Hanggang dito na lang ba? Wala nang patutunguhan? Makakaraos din ako, dapat kong makayanan. Mananatili na lang ako - na iyong avid fan.

Natutunan kong mahalin ang iyong mga napagdesisyunan. Mabait siya, di mapasusubalian. Masarap kasama, masaya maging kaibigan. Kita din sa mga kilos niya ang kanyang katatagan. bagay nga kayo, parehong palaban. Di din maikukubli, labis ninyong katapatan.

Subalit dumating ang araw, luhang nag-uunahan ~ mula sa mga mata mo, aking napagmasdan. Ano bang nangyari? Hindi ko pa alam. bulong ng aking isipan, kailangan kang damayan. Hinayaan muna kita na ilabas ang mga luha. ilang oras din, pero wala akong magawa.Hhinagod ko ang likod mo, para maramdaman mong nandito lang ako, handang makinig sa mga salita mo. Tumingin ka sa akin at binanggit ang aking pangalan. Sa isang banda'y natuwa ako, dahil hanggang ngayon, kilala mo pa pala ako.

Nagulat na lang ako sa mga sanabi mo. "Wala na si Jam, iniwan niya na ako." Napakunot noo ako sa mga narinig ko. Anong nangyari? Bakit ang gulo? "Kinuha siya. Walang paalam." lalo lang nagulo, mga tumatakbo sa isipan ko. "Bala ng baril, kinuha ang mahal ko."

Nanlambot ako, parang nawalan ng buto. Di na din mapigilan, napaluha ako. Ramdam ko ang sakit, ang pagkawala ng kaligayahan mo. lalo pa sa sitwasyon mo, biglaan. nakakabobo. Pero pano kita matutulungan - kung panghihinaan din ako? Kailangan kong maging malakas - para maging sandigan mo.

Balik tayo sa kasalukuyan na ibinalik din ang nakaraan. Ano daw? parang ang hirap maintindihan. Pero ito ako, kasama ang iniibig ko. Ipinagpatuloy ang dati na ding nasimulan. Pangako ko, mahal, hinding hindi kita iiwan. Mga huling sandali ng aking buhay, sa'yo ko ilalaan.


Julia


--

[A/N:] Parang tanga yung spacing T_T puro ako edit huhu. nagloloko ata spacing ni watty pag netbook or desktop ang gamit. </3

Julia - Almost UnrequitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon