ⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ 1

19 1 0
                                    

" Xyriel nandito na ang order mo"

Napabangon ako sa kamay ng makarinig ako ng malakas na katok mula sa labas ng pintoan.

Iisang tao lang naman ang may lakas ng loob istorbohin ako.

Nakabusangot na lumabas ako sa kwarto dahil sa ingay ng kumakatok. Kakainis talaga ang babaeng ito alam naman niya na ganitong oras ang tulog ko.

" Xyriel special deliver ito" sigaw ng nasa labas

Inis na binuksan ko ang pintoan at tinitigan siya ng masama.

Isang dalagita ang nabungaran ko, maliit ang muka, medyo malaki ang mata at paheartship ang nguso. Nasa 5'1 ang height ng babaeng ito.

" Ano ba naman Diding!! Alam mo ganitong oras ang tulog ko" inis na sabi ko at kinuha ang sinasabi niyang order ko.

Wala ako order sa bruhang ito pero kinuha ko parin dahil sanay na ako lagi siya nagdadala ng food dito.

Karenderya kase ang negosyo nila ng nanay niya At sakanila din ako kumakain tuwing uwian o bago ako pumasok.

" ikaw naman para—" may sinasabi pa si Diding ngunit hindi ko na siya pinansi .

Malakas na sinara ko ang pintoan. Hindi ko na pinatapos sasabihin niya dahil hahaba na naman ang panggugulo niya sakin.

Kumuha ako ng mangkok at plato para isalin ang ulam na dala ni Diding. Tuwing kataposan ako nagbabayad kay Diding ng utang ko para isahan ang labas ng pera.

Kahit ganyan ang trato ko kay Diding mahal na mahal ako ng babae yon at ganun din ako sakanya. Ang mag ina nalang kase ang pamilya ko ngayon. Mabait ang nanay ni Diding sakin kaya mabait din ako sakanila. Isang single mom ang nanay ni Diding at mag isa nya tinataguyod ang buhay nilang.

Ako pala si Angela Xyriel Aroz in short Xy. Tatlong taon na ako nakatira dito at limang taon na din ako nagtatago sa pamilya ko.

Yes may pamilya ako, buhay pa ang mga magulang ko kaso iniwan ko sila.

Alam ko sa sarili ko hindi na ako babalik sa pamilya ko. Tama na iniwan ko sila para kalimotan nila may Angela Xyriel silang pinanganak.

Okey na ako sa buhay ko ngayon. Isang cashier sa convenience store at laging night shift ang pasok.

Ito na ang buhay na pinili ko at sana wag na nila ako gulohin.















" Hi Xy" bati sakin ng kapalitan ko sa trabaho.

Kakapasok ko lang sa locker room namin para magpalit ng damit. Ako na kase ang nakashift ngayong gabi.

" maraming tao Lyn?" Tanung ko

Inaayos ko ang uniform ko at tinali ang buhok.

" medyo lang." Saad nito habang nag aayos ng bag.

Tumango ako at lumabas na sa locker namin.

Tatlong taon na ako sa trabahong dito kaya sanay na ako sa kalakaran. Sanay na din ako sa maiinitin na ulo ng customer at sa maarteng customer. Kilala na din ako ng loyal naming customer kaya hindi na sila mahirap pakisamahan.

Noong unang pasok ko dito sa trabaho  sobra akong nahirapan lalo na sa senior na mareklamo, hanggang sa tumagal na ako nasasanay na katawan ko sa ganitong gawain.

" Xy wag ka masyado magpakapagod lalo na minsan mahina ang katawan mo" paalala sakin ng kasama naming assistant manager.

" Yes mam" magalang na sabi ko

My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon