ⓒⓗⓐⓟⓣⓔⓡ 2

10 1 0
                                    

" Wowww... Xy ang ganda dito" manghang manghang sabi ni Diding pakapasok namin sa venue na gaganapan ng engagement party. Sa Garden ng mamahaling hotel gaganapin ang party.

" ganyan talaga kapag mayaman. Sosyal" maarteng sabi ni Susan na nakacross arm at nakatingin sa venue kasama namin.

" talaga? So kapag kulang sa waitress kayo ang kinukuha ni Alexa?" masigla at excitement na saad ni Diding


" oo naman. Kaya sanay na kami ni Alexa sa ganitong party." Pagmamalake ni Susan

Lihim ako napangiti. Kahit papano maganda din pala ang ginagawa ng dalawa.

" Susan magsimula na tayo" sabi ni Alexa na kararating lang

Bored na tummgo si Susan saka lumapit dito.

" Wow Xy. Grabe ang astig pala ng raket nila Susan." Sabi ni Diding na bilib na bilib kay Susan.

L

umapit ako sa isa sa mga lamesa at nagsimula na kumilos. Sumunod naman si Diding ngunit nanatili itong mangha na mangha sa nakikita.

" Diding kinuha tayo dito para magtrabaho kaya kumilos ka na. Tignan mo sila busy kakaasikaso" sabi ko

" sorry na. First time ko kase mapunta sa ganito" nakangiting inaayos ni Diding ang lamesa habang pasulyap sulyap sa paligid.

Minsan naiinggit ako kay Diding. Masyado siyang inosente sa ilang bagay at masayahin sa simpleng nakikita. Sana ganyan din ako.

Pinagpatuloy ko ang pag aayos na napatingin ako sa boyfriend ni Alexa. May kausap itong matandang babae. Nakaside view mula sa kinatatayoan ko ang matanda kaya hindi ko makita masyado ang mukha nya.

Pamilyar sakin ang kausap niya kaya napatitig ako sakanila. Hindi ko maalala saan o kelan ko siya nakita. Nagkibit balikat nalang ako ng hindi ko maalala saan ko siya nakita. Baka kahawig lang ng kakilala ko lang.

Kinuha ko ang mga tray na gagamitin at pumunta sa kusina.

Naabotan ko iilang babae na busy kakahiwa ng lulutoin at isang lalake na kasama nila na nakangiting sinalubong ako.

" Xy pagod ka na ba?" Tanung sakin ng katrabaho ng boyfriend ni Alexa. Bago nagsimula ang trabaho namin pinakilala muna kami sa lahat kaya nalaman namin at nila ang pangalan ng bawat isa.

Umiling ako sakanya at pinatong ang mga tray na dala ko.

" hindi sakin sinabi ni Alexa na may kaibigan siyang maganda" saad ni Jack

Sanay na ako sa ganitong uri ng tao. Mayabang at pacute. Pero alam kong mabuting tao naman sya.

" hindi kase kami magkaibigan" sagot ko

Kinuha ko ang towel na pangpunas sa tray.

" tayo pwede ba maging mag.ka.i.bi.gan?"

Malakas na binaba ko ang hawak at masamang tinignan siya.

" sa pagkakaalala ko trabaho pinunta ko dito hindi pakikipag.kaibigan" madiin na sabi ko at linayasan siya. Wala ako pakialam kung maarte o supladita ang tingin nila sakin basta layo layoan nila ako kung kayabangan lang inaasta nila sa harapan ko.

My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon