Destiny

13 0 0
                                    

Isang araw may kasiyahan sa lugar niyo, eh ako naman bago pa ako dito sa lugar niyo, nakikitira lang ako sa ate ko kasi pina lipat muna ako dahil sa sobrang bad boy ko marami na akong naka-away sa lugar namin. So ito na inimbita ako ng anak ng landlord ng ate ko para mamasyal siya si Lor, pumayag na din ako babae kasi nag imbita sakin eh may pagka play boy din naman ako sumama nako. Ito na nga foam party pala yun, ang wild ng mga tao tapos bigla kitang nabangga, ikaw pa yung nag sorry eh kasalanan ko naman, natigilan ako dahil ang ganda ng mga ngiti mo, at tinitigan kita ng matagal ng biglang may sumulpot na lalaki sa likod mo at tinanong kung okay ka lang sabi mo "Oo okay lang ako" at umalis na kayo sa huling pagkakataon lumingon ka at nginitian mo ako. Tiningnan kita hanggang sa nawala ka sa paningin ko, tinawag na ako ng kasama ko kasi daw kakain muna kami, di ka mawala sa isip ko ng mga oras na iyon, kumakain na kami ng bigla kitang nakita sa isang food stall tinanong ko si Lor kung kilala ka ba niya sabi niya "Oo kasama natin sila di mo lang siguro nakita kanina" "Ah okay " sagot ko "Ba't mo naman natanong?" "Wala lang" tinitigan kitang muli at bigla kang napatingin sa direksyon namin bigla akong umiwas ng tingin kasi medjo nailang ako. So ayon nga lumapit kayo sa amin at nag usap kayo ni Lor "Kanina ko pa kayo hinahanap saan ba kayo nag susuot" tanong mo kay Lor "Umalis muna kami don sa foam party nagutom kasi ako" sagot naman ni Lor, ayun pinakilala ka sakin ni Lor, Mae pala name mo maganda parang ikaw. Natapos yung party at umuwi na tayo tinanong ko si Lor kung sino yung lalaking kanina pa nakabuntot sayo sabi niya manliligaw mo raw kaya ayun parang nawala yung interest ko sa iyo ng panahong yun ang sweet niyo pa ng manliligaw mo, kaya sa iba ko nalang binaling yung atensyon ko balak pa naman sana kitang lokohin noon, kaya lang may manliligaw ka na pala. Si Lor yung niligawan ko sinagot naman agad ako at naging kami na nga pero pinaglalaruan ko lang si Lor. Hanggang isang araw nag babantay ako ng pamangkin ko eh hindi naman talaga ako marunong mag bantay ng bata ayun nag patulong ako kay Lor eh pati ba naman si Lor hindi din marunong, eh saktong napadaan ka at tinanong mo kung anong problema sabi ko naman "Hindi ako marunong mag bantay ng bata lalo na si Lor ikaw ba marunong kang mag bantay?" Medjo masungit pa ako sayo noon    eh ikaw naman sa sobrang bait mo nginitian mo lang ako at sinagot mo na "Medjo marunong naman akong mag bantay    akin na yung bata basta tulungan mo akong mag bantay" inirapan pa kita noon na parang naiirita sa presensya mo ikaw panay ngiti ka lang, iniwan ko kayo ng pamangkin ko kasi may date ako sa babaeng na meet ko doon sa foam party, hanggang sa gumabi na medjo late akong umuwi pinagalitan pa ako ng ate ko kasi iniwan kitang nag alaga sa pamangkin ko hindi ba daw ako nahihiya sayo, siya nalang humingi ng sorry para sayo pero ikaw okay lang sayo yung ginawa ko, ambait mo sa sobrang bait mo ay tinutolongan mo akong mag bantay ng pamangkin ko araw2x. Pero masungit parin ako sayo nambabae parin at hiwalay na kami ni Lor. Marami na akong kaaway dito sa lugar niyo eh di ko naman alam may gusto pala sayo yung mga kumag nayon, nagalit siguro kasi palaging nasa akin yung atensyon mo hanggang sa nabalitaan kong binusted mo yung manliligaw mo. Pero wala parin akong paki alam sayo hanggang sa lumabas ako nag lakad2x lang at hinarang ako ng mga naka away ko "Hoy James layuan mo nga si Mae" "Bakit? Sino ka ba? Boyfriend ka ba niya?" sakto napadaan ka pina alis mo sila at pina uwi, tinanong mo ako kung okay lang ba ako hindi kita sinagot at iniwan lang kita doon. Hindi ko alam na nasaktan ka pala sa sinabi ko    pasensya kana. At yun lumipas ang ilang buwan nagka mabutihan tayo, hanggang sa umamin akong gusto na kita niligawan kita tinuring kitang prinsesa ko at sa wakas dumating yung araw na naging tayo na sa sobrang saya ko binuhat kita at nag pa ikot2x natatawa ka sa gingagawa kaya inutosan mo akong ibaba kita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Too LateWhere stories live. Discover now