Kaliwang Binti(One Shot)

260 1 1
                                    

Badtrip.Lintik na kaliwang binti 'to. Mabigat,nangingimay at masakit.Hindi ko tuloy maihakbang ng maayos ang paa ko kaya't kailangan ko pang gumamit ng tungkod upang makahakbang.Napasama kasi ang bagsak ko nang nakaraang linggo.

Naglalakad ako ngayon papuntang drugstore upang bumili ng gamot ng makasalubong ako ng matandang babae.Nakaitim ito.Masama ang tingin nito sa aking binti.Matapos non ay galit n'ya akong tinignan.

"Anong ginawa mo sa kanya?"Galit na galit na sabi nito.

Sa takot ko dito ay agad akong umiwas.Hindi ko na inintindi ang tanong nito.Mabilis kong inihakbang ang mga paa kahit nanunuot na ang sakit.Nang feeling ko ay malayo na ako dito ay lumingon ako.Nandoon pa din ito.Nakatingin sa akin.Parang isinusumpa ako sa paraan ng pagtingin nito.Umiwas na lang ako ng tingin at mukhang wala naman ito sa tamang pag-iisip.

Dumaan pa ang ilang araw at lalong sumasakit ang binti ko.Namimilipit na ako sa sakit.Peste.Okay naman daw ang result ng examination.Baka gamot lang daw ang kailangan.Ininom ko naman ang mga bwisit na gamot na iyon.Wala naman nangyayari.

Dingdong!Dingdong!

Sino naman kaya 'to?Ika-ikang tinungo ko ang pinto at binuksan.Nangilabot ako ng makita ko ang aking panauhin.Ang matandang babae.Isasara ko na sana ang pinto ngunit tinulak ako nito.Napasandal ako sa pader at bahagya itong pumasok sa loob ng bahay.

"Anong ginawa mo sa kanya?!"Galit na sigaw nito.

"Ano bang pinagsasabi n'yo?"Galit na sabi ko dito.

"Bakit s'ya pa,napakabata n'ya pa!" Umiiyak na na sabi nito.

"Umalis ka na nga—"

"Wag po.Parang awa mo na." Nahihirapang sabi ng pamilyar na boses.Humihikbi.

Natahimik ako.Nanlamig at nangilabot.Unti-unti kong binaba ang tingin ko.Nanigas at hindi ako makahinga ng makita ang batang babae na nakakapit sa kaliwang binti ko.Maputi na ang balat nito,maputik at basang basa.Nakasilip ang mga mata sa pagitan ng buhok na nakatabing sa mukha nito.Nanlalaki ang matang nakatitig sa akin.Ang batang babae na tinapon ko sa ilog.Ang batang babaeng huling biktima ko.Imposible. Hindi 'to totoo.

"Wag po.Parang awa mo na." Humihikbi sabi nito.Lalong humigpit ang kapit nito sa aking binti.

"Aaahhh!!!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaliwang Binti(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon