Learning

10.7K 135 28
                                    

Noong medyo baguhan pako sa wattpad, Hindi ko alam ang Vote, Fan, Comment. Lahat yan ini-skip ko. Noon nga nababadtrip pako kasi ang haba ng authors note, bago paman mag simula ang story.

Wala akong kaalam alam sa wattpad noon. parang si Reina, masyadong baguhan.

May mga nababasa nakong Libro namagaganda. And believe me. Wala akong pakialam sa sino ba ang sumulat no'n. importante saakin ay ang magbasa lang at makapag palipas ng oras. dahil wala akong ginagawa sa buhay.

Una ko pang nabasa at tumatak sa utak ko na mga libro ay ang Fate of love. Living the same roof 1&2, Ahh yung iba talaga diko na maalala.

Untill napadpad ako sa mga category ng non-teen fiction. 'di ko nga alam kung anong meroon don. pero syempre Nakalagay Non-teen fiction, Curiosidad agad ang bumalot. haha!

May Na Fan ako na author noon. Magaling sya at isa sa sikat. sa story nya talaga ako unang na humaling.

Nag comment ako noon sa isa sa mga story niya. At dahil kaka upload niya lang at nabasa ko agad, ay nakapag reply siya sa comment ko.

Epilogue na no'n. Pakiramdam koy bitin ako sa ending. medyo wala kasing justice. hindi naman hard ang comment ko. pero na asar at nawalan talaga ako sakaniya ng gana, dahil sa hindi friendly-tone na comment niya.

walang mali sa comment ko I know. Pero talagang nakakainis at mukang mayabang na sya. palibasa ay marami na syang readers.

Simula noon ay tinamad nadin akong magbasa ng stories niya.

See? what a simple comment can affect to your readers?

saan ko nakilala si ate j? - Syempre sa isang author na sikat din. she keeps on having comments sa Baka sakali na book.

na intriga ako kasi sa tulad niyang sikat ay nag cocomment parin sya sa kay ate jonaxx. halos pinupuno niya ang newsfeed ko.

kaya one time, nung lumabas yung cover nung book dahil sa comment at kaka vote niya. Ni click ko yon, nakaka intriga din ang cover dahil sa Parang babae namay kahalikang babae din. Its Rossie.

Nagsimula akong basahin yon, At na antig ako sa pag tatagalog ng author. she seldom use english sa mga characters niya. simple ang lahat ng characters, yung makatotohanan.

although talagang pang matured siya Magugustuhan mo yung bawat update.

napansin ko din na hindi siya mahilig sa Authors note. just a warning for the language and erotic scene.

Araw araw syang nag u-update. nakakatuwa. iniisip ko pa na wala ba syang work? ilang taon nakaya itong si ate j? pero hindi ko pa sya kilala non.

nang mabasa ko yung Baka sakali ni ate j. Para niya akong tinataniman ng bomba sa puso ko, sa bawat update niya. nakaka mangha. dahil hindi ko iyon nararamdaman sa ibang libro na binasa ko na. Palagi akong na eexcite. palaging nag aabang.

akala noon ay si Ate Avon Bernabe ang Author noon, dahil may collection sya ng libro ni ate j, at mahilig at always present sya sa bawat upload.

nakakatawa kasi sya pa yung una kong na follow kesa kay ate J. hindi ko kasi alam noon na pwede palang ma view ang acct. ng author. hahaha!

When i learned na meron pala syang account. I follow her agad.

As I say wala talaga akong hilig mag vote comment at fan noon.

pero sa istorya ng kay ate jonaxx, lahat may comment ako. lahat may like. one time nag chat ako sakaniya, sabi ko Hi ate! kelan mo po balak mag update? hehe. at nag reply agad sya. Im Glad. napansin niya ako.

"Ngayon na po. :)" aniya. at agad agad din ay nakapag update na sya. doon ko sya lalo nagustuhan. napansin ko ang kaniyang pagiging Generous sa pag u-update. walang restrict restrict at follow moko bago mabasa to. she's really a generous woman. at down to earth, yung marunong makihalubilo at hindi mayabang kahit pa ngayon ay saksakan na ng dami ng kaniyang followers.

iniisip konga. "Mapapansin kaya ako?" haha.

Lahat ng story niya ay Binasa ko. at halos lahat lalaki lang na character ang naaalala ko ng buo pati ang apilido. pero ang girls diko maalala minsan kahit name. haha! thats the effect of ate j's boys.

Sumali nadin ako sa Jonaxxstories lovers group sa fb, at nag fan sa page niya. pati ang pag add sa fb ni ate j, maging ang araw araw na attendance sa group na iyon at ang araw araw na pag like sa kaniyang fb acct.

Talented talaga si ate j. at isa sa pinaka gusto ko sakaniya ay ang pagiging humble inspite of being talented author and now with a million readers, she's still capable of having quality time at pag abot sa mga readers niya.

Lahat ng update niya ay quality din. talagang magaling.

wala nakong pinalampas pagdating sakaniya, siguro ay ang meet ups lang. dahil hindi kaya ng oras, pero nag iinit na ang pwet ko para makapag pa sign ng book at picture sakaniya. sana isang araw magawa ko iyon. hehe. kahit man lang bigay niya na saakin si wade rivas okaya ay si ellijah. okaya si jacob. o si jayden. haha baliw na nga ako.

Naging Idealistic din ako dahil sa characters ng mga story ni ate j. ah kailangan ganito, dapat ganito, dapat ano sya. hehe. at parang naging standard ko na yung mga boys niya, pati pag uugali dapat possesive din, yung territorial pero loyal, yung parang nakakasakal pero sweet. Believe me ang laki ng epekto sakin.

Sa lahat ng story niya lahat unique lahat mag bibigay ng value at realization, yung hindi lang basta makapag update at makagawa ng story yung talagang ginagamitan ng utak. at ngayon pinaka maganda sa story kahit hindi pa tapos ay ang Untill he was gone and untill he returned. Pinaka unique at contoversial story sya, talks about Incest. For me ito ang pinaka maganda, lahat naman maganda but because of the way it is written, the way how characters evolve, the way they act, the details, the Incest. malamang at sa malamang ang dami nanamang na adik sa storya. Im looking forward for this to be published. bibili ulit ako! haha.

kaya kayo try nyo syang kilalanin, try to read the books, masaya, nakakakaba, nakakahumaling at nakaka green! haha

Next is My Review about the book. Mapapansin kaya.

Mapapansin kaya by jonaxx Book ReviewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon