The Author's love story

11 0 0
                                    

“Sana dalawa ang puso ko, hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo…”

Naranasan mo na bang mamili sa dalawang pinakamahalagang bahagi ng iyong buhay? Hindi ba’t mahirap? Tulad nitong sitwasyon ko ngayon. Oo isa akong manunulat, sabi nga nila experience is the best teacher daw kaya naman siyempre maganda magsulat kung talagang naranasan mo ang mga nilalaman ng iyong katha. Kaya nga nagkandagulo-gulo ang buhay ko ng dahil sa experience na iyan. Malapit na kasi ang araw ng pasukan noon, siyempre dahil isa nga akong manunulat kinakailangan kong makagawa ng isang istorya at siyempre ano pa ba ang temang makakapagbigay buhay sa mga tulad kong teens eh wala namang iba kundi pag-ibig. Sobrang tanga ko naman kasi kung bakit pinasok ko pa ang sitwasyong iyon. Sa totoo lang hindi pa kasi ako nagkakaboyfriend at ni wala rin akong may napupusuan. Sabi ko para maiba naman ang life ko magta-try ako ng isang gimik na kakaiba. Tapos naalala ko na paano kaya kung maghanap ako ng boyfriend. Take note: “Ako pa mismio ang maghahanap ha!” ang kapal ko talaga ano? Aba, parang pinatotohanan ko na yata na baligtad na ang mundo, siyempre babae ako. Well, hindi naman talaga ganoon ang totoo kong purpose, gusto ko lang naman talaganag magkaroon ng experience na magkaboyfriend para may maisulat akong article. Kitam, ang cheap ko talaga. Pero bahala na basta pagkatapos ng lahat ay hindi na ako uulit pa. Hindi naman totoong boyfriend eh, kunwari lang tapos ‘pag nagkaroon na ako ng ideya kung anong love story ang isusulat ko e di balik na naman sa normal ang buhay ko.

Nabuo na ang aking pasya. Pero ewan ko ba kung may papatol nga sa itsura kong ‘to. Haay naku, mahirap talagang maging writer, oo. Kung hindi lang talaga dahil sa article na ‘to di sana ‘di ko pa naisipan ang kalokohang ‘to. Ah, basta bahala na.

Ganito kasi ang nangyari . Noong gabing maalala ko na maghanap ng boyfriend may dumaang isang falling star kaya nag-wish ako kaagad. Sabi ko kung sino man ang unang lalaking makita kong nakasuot ng t-shirt na kulay blue kinabukasan ay siya na iyon. Tatlo lahat ang wish ko, tungkol lang iyon sa paghahanap ko ng boyfriend. Ang ikalawa sabi ko kinakailangang makita ko siya sa harap mismo ng gate ng school namin at lastly sabi ko sana ay mahulog ang puso niya sa akin. Napaka-weird ko talaga. Wala naman akong magawa kasi heto talaga ang totoong ako. Hahamakin ang lahat para lang makapagsulat.

Kinabukasan siyempre excited na ako, first day kasi ng mission ko eh. Maaga akong nagising, naligo at nagbihis. Tamang-tama naman at free day namin ang ibig sabihin pwedeng hindi kami mag-uniporme. Hindi naman ako mahilig magsuot ng palda, hindi kasi komportable kaya ang ending nakapantalon pa rin ako ng ragged at naka T-shirt. Paborito ko kasi itong isuot at siyempre dala-dala ko pa rin ang bola ng basketball at ang knapsack kong bag. Sino ba naman ang mag-aakalang naghahanap nga ako ngboyfriend e sa itsura ko pa lang parang daig ko pa ang isang tunay na lalaki. Bahala na basta nag-wish na ako kagabi. Nagpaalam na ako at umalis ng bahay.

Pagdating ko sa may gate ay parang ayaw ko pang tumingin kasi parang nakakatakot. Grabe talaga ang aking kaba. At heto pa, alam ba ninyong parang maloka ako at mahilo nang matanaw ko ang dalawang lalaki na parehong naka-suot ng T-shirt na kulay blue at titig na titig sa akin habang pinagtatawanan ako. Gigil na gigil talaga ako, kaya sira ang araw ko at nalimutan ko na tuloy ang tungkol sa wish at plano ko. Wala akong nagawa at dahil sa sobrang inis ko ay sinugod ko ang dalawang lalaki at binato hawak kong bola. Tinamaan silang dalawa sa mukha. Pagkatapos niyon ay dali-dali akong tumakbong papalayo kaya hindi ko na nakita kung ano pa ang nagging ekspresyon ng kanilang mga mukha. Dumiretso ako sa canteen, bigla kasi akong nakaramdam ng gutom. At dinagdagan pa iyon ng mga mokong na bastos kanina. Haaay naku ano ba ‘to ang dami namang tao. Pero wala rin akong nagawa kundi makipagsiksikan sa mga iyon. Nang makarating ako malapit sa may pintuan ay may nakabangga sa akin. Mabuti na lamang at nasalo ako ng lalaking nasa aking likuran kung hindi, malamang napakalaki na ng bukol ko. Kaya lang, laking gulat ko nang sa aking pagharap ay nakita ko na naman ang mukha ng dalawang lalaking kinaiinisan ko. Kaya, agad akong lumayo at pumila upang umorder ng pagkain. Pagdating ko sa cashier ay agad kong kinapa ang aking bulsa upang makapagbayad, pero teka lang mukhang nawawala yata ang wallet ko ah! Naku ano ba namang malas ‘to asan na ba ang wallet ko. Mapapahiya na talaga ako at parang maloloka na nang may mag-abot sa akin ng twenty pesos. Aba! Sila na namang dalawa. Bahala na, kailangan kong tanggapin ang pera naghihintay na kasi ang tindera. Hindi ko na nakuhang magpasalamat, dapat naman talagang gawin nila iyon kasi sinira nila ang araw ko kaya bagay lang na sila ang magbayad sa lahat ng kinain ko ‘no. Ang sarap-sarap ng pagkakasubo ko nang may magsalita mula sa aking likuran. “Ibang klase ka talaga miss, tinulungan ka na nga hindi ka a nagpasalamat tapos, tatalikuran mo lang kami.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Author's love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon