Palagi nilang sinasabi ang KSP ko daw ibig sabihin "Kulang Sa Pansin"...
Alam kong totoo yun..
Uhaw ako sa pagmamahal palagi ko itong hinahanap-hanap gumagawa ako ng paraan upang ako ay mapansin kahit pagalitan ako ok lang basta pinansin ako...
Ayaw kong kinakaawaan ako, bata pa ako hanap-hanap ko na ito... Yung parang may umiintindi sayo tumatanggap kahit ang daming negative sayo... Yung tipong mamahalin ka kahit gaano ka kasama...
May times na pinapanalangin ko na mamatay nalang ako kahit paanu... Ilang beses ko nang pinag-isipang kitilin ang buhay ko pero hindi ko ginawa... Hindi ko kayang gawin
Sa dami ng luhang iniyak ko..
Sa dami ng ngiting plastik ang ibinigay ko upang itago ang lungkot...
Sa bawat tawa may nagtatagong hagulgul...
Kinaya ko at kakayanin ko...
Hindi dapat ako umiyak..
Dapat akong maging masaya...
Hindi dapat ako humingi...
Dapat akong makuntento...
Dahil sa bawat panahong nagdaraan alam kong kasama ko siya...
Sa bawat paglalakbay ako ay ginagabayan niya ...
Siya ang aking ama na palaging nandyan...
Bawat hiling tinutupad...
Hindi man ngayon...
Pero alam ko mangyayari sa takdang panahon..
Salamat sa buhay na hiram...
Aking ama
Ang Poong Maykapal...