Present

8 2 8
                                    

*Video play*

5....4....3....2....1....0....

"Labing anim na taon. Ganoon katagal ang pagkakaibigan natin. Pero hindi ko alam na sa isang hindi pagkakaintindihan ay nawala na lang iyon ng parang bula.

Naalala ko noon na may nagugustuhan kang lalaki sa school natin. Lagi mo siyang sinusundan kahit saan siya magpunta. Kahit sa pag uwi niya ay sinusundan mo siya. Pasimple mo rin siyang kukuhanan ng litrato at ididikit ito sa diary notebook mo na puro mukha niya ang nakalagay. Dinaig mo na nga ang paparazzi na halos lahat ata nang nangyayari sa buhay niya ay alam mo.

Pag nakikita mo siya na may kasama na iba't ibang babae ay magtatago ka sa loob ng kwarto mo at magmumukmok ka doon. Dadamayan naman kita dahil ayokong nakikitang umiiyak ang bestfriend ko. Lahat ng yun ay alam ko dahil kasa kasama mo ako sa lahat ng kalokohang ginagawa mo. Pati yung na late ka sa klase ni Mrs. Teror kasi hinintay mo pa yung crush mong bumalik sa klase niya. Galit na galit sayo nun si ma'am pero pinagtakpan kita at sinabi kong inutusan kita kuhanan ako ng gamot sa clinic kasi masakit ang ulo ko pero nalaman din niyang nagsisinungaling ako. Kaya ang ending tayong dalawa ang naglinis ng buong court. Nasa backstage ako naglilinis at ikaw naman sa stage nang bigla kang tumili habang tinatawag ang pangalan ko, kinabahan ako noon kasi akala ko nahulog ka sa stage yun pala dumaan yung crush mo.

Isang araw sabi mo mahal mo na siya. Tinanong kita kung sigurado ka ba sa nararamdaman mo at ang sabi mo ay, "Oo bes, sigurado na ako dito. Mahal ko na talaga siya. Tsaka napagdesisyonan ko ng ipakilala ang sarili ko sa kanya. Pero dadahan dahanin ko lang. Magbibigay muna ako ng liham." Hindi kita kinontra sa desisyon mong iyon. Sinuportahan pa nga kita eh. Pero tinanong kita, "Paano kung hindi ka niya sinipot o kaya bigla kaniyng bustedin? Anong gagawin mo?" Ngumiti ka lang nun at sabi mo, "Tiwala lang. Ako pa ba. Tsaka kung babustedin man niya ako edi hindi na ako maghahabol at mag momove on na atleast natuto na rin ako. Diba?" Tuwang tuwa ako sayo kasi napakapositibo mong mag isip. Kaya naging kaibigan kita eh. Nagsimula ka sa pagbibigay ng letters sa locker niya. Tuwang tuwa ka habang nagsusulat ka ng mga liham para sakanya. Pero nasaktan ako para sayo ng makita nating dalawa na tinatapon lang niya na hindi binabasa ang mga binibigay mong mga liham para sa kanya. Nagalit ako dun sa lalaki. Wala siyag kwentang lalaki dahil hindi man lang niya nagawang buksan at basahin kahit manlang basahin niya muna bagi itapon. Iyak ka nang iyak ang sabi mo na wala siyang kwenta. Dinamayan kita na halos buong umaga ay wala kang ginawa kundi umiyak sa walang kwentang lalaking iyon.

Kinabukasan ay hindi ka pumasok dahil sobrang maga ng mata mo kakaiyak. Gusto kong hindi masayang ang effort mo kaya naman gumawa ako ng paraan. Kahit na galit pa din ako doon sa lalaki. Uwian, bago ako umuwi ay nagdikit ako ng sticky note sa locker niya ang sabi ko doon sa sticky note ay "Can you give me a favor? I have something to tell you. This is an important message so please DON'T IGNORE this message. I'm expecting to see you on monday, after class in the music room. Thank you!" Pero paalis na ako nang makarinig ako ng isang malalim na boses sa aking likuran. Dahan dahan ako lumingon at nanlaki ang mata ko nang makita kong yung crush ay mali yung mahal mo pala iyon. Iyong lalaking nagpaiyak sayo ng sobra sobra ay nasa likuran ko na pala. Sa kaba at pagkahiya ay agad akong nagtatakbo palabas ng school.

Monday na at uwian. Hinatak hatak kita papuntang music room. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko siyang nag gigitara. Nakatalikod ito saatin kaya hindi niya tayo napansin. Sabi ko sayo na iiwan na kita. Pababayaan ko muna kayong mag usap.

Kinabukasan ay ang lawak ng ngiti ko papalapit sayo dahil gusto kong malaman ang balita tungkol sa nangyari kagabi. Pero iba ang inaasahan ko. Nagulat ako sa aking nakita. Dahil sa walang uniform ang school na ito ay naka mini skirt ka na konting yuko ay kita na ang underwear mo at crop top na konting taas ng kamay ay kita na ang bra mo. Hindi mo ugaling mag suot ng ganyang damit dahil ang sabi mo mga nagbebenta lang ng katawan ang nagsusuot niyan  pero ang mas ikinagulat ko ay kasama mo ang mga mean girls sa room natin. Ang sabi mo ay hate mo sila dahil sa kaartehan, kalandian at puro paganda lang ang alam nila.

Sumapit ang lunch, hindi parin ako makapaniwala kaya naman ay nilapitan na kita dahil hindi ko alam ang nangyayari. Pero mas lalo akong nagulat nang irapan mo ako at hindi pansinin. Iniwan mo akong parang tanga. Hindi mo ako kinausap ng buong hapon at hindi pinansin. Parang hangin lang ako sayo pag nagsasalubong tayo. Parang wala kang nakikita pag nagtatama ang tingin natin sa isa't isa. Nag sorry ako sayo nun pero ang sagot mo lang ay "K!" Inisip ko buong magdamag, buong gabi na halos hindi na ako makatulog kakaisip kung ano ba ang kasalan na aking ginawa sayo. Umiiyak ako mag isa pero walang best friend akong madamayan. Halos mapabayaan ko na ang pag aaral ko dahil sa lintik na kasalanan na yan. Kaya hindi ko na lang ito masyadong inisip at itinuon na lang ang pansin sa pag aaral ko.

Lumipas ang dalawang taon, wala na akong balita tungkol sayo at wala pa rin akong alam kung bakit galit ka saakin. Hanggang sa makilala ko siya sa simbahan. Tinanong ko siya at nalaman ko na rin ang sanhi nang pag kagalit mo saakin. Nung araw pala na iyon ay hindi maganda ang pag uusap niyo. Nabusted ka pala noon hindi ko man lang nalaman. Kaya ka pala nabusted dahil may iba siya mahal, walang iba kundi ako. Pwede pa naman iyon maayos at hindi aabot sa ganito. Sana sinabi mo saakin. Dahil lang doon sinira mo ang labing anim na taong friendship natin dahil lang sa isang lalaki. Alam mo bang simula nang malam ko iyan gusto kitang sampalin kasi ang tanga mo. Ang tanga tanga mo. Pero gusto kong magpasalamat sayo kasi dahil sayo ay natuto akong sumaya.

Siya ang kasama ko sa panahon na naghihirap ako. Siya ang tumulong na makaahon ako sa buhay. Siya ang nagparamdam ng tunay ng pagmamahal.

Magaling ka talagang pumili bes, dahil nung dati akala ko wala siyang kwenta na wala siyang puso pero meron, meron. At habang tumatagal ay nahuhulog ako sakanya. Hanggang sa magpropose siya saakin kaso hindi ko tinanggap. Hindi naman kasi siya para saakin, para sayo siya bes. Hindi ako ang pumili kundi ikaw.

Salamat bes sa mga ala ala nating dalawa na magkasama. Papalayain ko na siya dahil hindi ko naman siya kayang alagaan. Masyado ng malala ang sakit ko nasa stage 4 na ang cancer ko. Iiwan ko rin naman siya kaya habang maaga pa ay papalayain ko na siya. Sana hindi mo sayangin ang regalong ibinigay ko. Ang regalong iyon ay ang pagkakataon mo na sabihin sakanya ang nararamdam mo sakanya. Sana wag mong sayangin iyon ha! Susuportahan pa rin naman kita kahit wala na ako. Happy birthday bestie! I love you forever and always!"

*Video end*

PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon