Isang patak ng ulan ang naramdaman ko sa aking pisngi at dumaloy ito patungo sa aking leeg hanggang sa naramdaman ko ang pagbuhos ng ulan sa isang kalye na kinaroroonan ko.Hindi ko mapigilang alalahanin ang mga nangyayari kanina lang.
*flashback*
Nakita ko ang aking ina na umiiyak sa kwarto nila ni ama habang ang aking ama ay nandoon sa tabi ni ina na sinubukang aluin siya habang nangingilid ang mga luha nito sa kanyang mga mata na nagbabadya ng pumatak.
"Napakasama talaga nila Romeo. Kaya nilang pumatay ng mga inosente para makuha lang ang gusto nila. Bakit si kuya pa ang pinatay nila na nakasaksi sa kapahangasan na ginawa nila." Rinig kung sabi ng aking ina.
"Shhh! Mahal, may tamang panahon para makaganti tayo sa kanila. Ipagdasal nalang natin si Paul na sa
Langit siya mapunta at maging masaya ito doon." Sagot naman ng akin ama na alam kong nagpakatatag lang siya na hindi umiiyak sa harapan ni ina para may masasandalan lang ito.
"Natatakot ako mahal, paano kung tayo na ang isusunod niya? Paano kung malaman nilang alam rin natin ang kanilang malaking sekreto? Paano na si Mia mahal? Natatakot ako para sa anak natin." Sabi ni ina na may kasamang hagulhul."Hindi ako makakapayag mahal. Gagawin ko lahat para sa inyong mag-ina ko. Hindi ko kayo ipapahamak." Determinasyon sagot ng aking ama na ramdam na ramdam mo ang determinasyon nito.
Hindi ko na kayang marinig ang kanilang paguusap. Hindi ko na kayang makita ang mga magulang kung umiiyak.
Pero isa lang ang alam ko. Ang mga Montenegro ang tinutukoy nila ni ina ang pumapatay kay uncle Paul. Ang mahigpit na kaaway nila ina sa lahat ng bagay. Hindi ko makapaniwalang namatay na si uncle Paul. Hindi man kami close nun dahil sa pagiging ilag nito sa amin pero kahit papaano ay uncle ko parin yun.
Hindi ko na namalayang nasa labas na pala ako sa bahay at naglalakad sa kung saan habang nasa malalim na pag-iisip. Nakita ko na lamang ang sarili ko na nasa isang madilim na kalye at doon umupo sa isa sa mga upuan dito.
*end of flashback*
Tila hindi pa matanggap ng utak ko na may pumatay kay uncle Paul hanggang sa naramdaman ko nalang ang ginaw ng humangin ng malakas at sumakit na ang ulo ko dulot sa pagpapaulan ng matagal.
Hanggang sa nandilim na ang paningin ko at bumagsak ako.
----
Nagising ako sa sinag ng araw sa bintana. Hindi ko maalala na hinawi ko ang kurtina ko kaya napabangon ako sa higaan ko pero ibang kwarto ang bumungad saakin. Patay! Nasaan ako? Anong nangyari?
Unti unting bumabalik na ang mga alaala ko kung saan nabalitaan kong namatay si uncle Paul hanggang sa nahimatay ako. Nagsimula na akong nagpanic. Kinidnap ba ako? Pero bakit hindi ako tinalian sa kamay at paa? Ang tanga naman nila kung ganun. Anong ginawa nila saakin? Tiningnan ko ang suot ko at nakahinga ako ng maluwag ng ito parin ang sout ko ng biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako.
Holy macaroni. Bumungad saakin si adonis-i mean isang lalaking gwapo na nagdala ng mga platong puno ng pagkain na tumitingin saakin.
"Gising ka na pala." Naramdaman ko ang panginginig ng aking katawan sa kanyang boses. Wala itong emosyon at ang lamig ng boses nito pero ang sarap pakinggan.
Ng hindi ako sumagot ay muli siyang nagsalita.
"By the way, ito na ang pagkain mo sabihin mo lang saakin kung may kailangan ka." Sabi niya na nakapagbalik saakin ng aking isip at nagsimula na akong magpanic uli.
"Sino ka? Bakit ako nandito? Anong kailangan mo saakin? Nasaan ako?!" Sunod sunod kong tanong.
"My name's Frost and we are in cebu." Napahinga ako ng mal- wai-it! CEBU!

BINABASA MO ANG
Loving my enemy (one shot)
RomanceI didn't know what happen but i just woke up one day realizing that i'm falling for a stranger who helped me, And the worst thing is... He's my ENEMY.