Dapat Pala: 1

109 8 2
                                    

"Mali naman yan eh!" Sigaw ni Jonas sakin. Ako naman lagi yung mali eh.

"Edi pasensya" Inirapan ko na lang sya. Bwiset. Ang aga aga tapos ginugulo ako.

Lintek kasi tong english na toh. Ang hirap hirap. Hindi keri ng ilong ko. Maya-maya, biglang tumabi sakin si Rico. Si Rico, tumabi sakin. Waah. Lalo lang akong nabwiset. Dapat pala hindi na lang ako dito umupo. Sya lang naman kasi ang napakasugid kong manliligaw kaso hindi ko sya gusto. Hindi ko sya type. Naiinis talaga ako kasi ayaw ako nitong tigilan.

"Gusto mo tulungan kita?" Nakangiti saking sinabi ni Rico. OhMyGod, nakakatakot. Isa syang nerd. Nakasalamin. Ang pangit ng hairstyle. Ang sikip sikip ng uniform. Medyo maputi. Matangkad. At ang pinakaayaw ko sa kanya, ay ang napakakapal nyang kilay.

"Ha? Hindi na.. kaya ko naman" Natatakot kong sinabi.

Sino ba namang hindi matatakot sa kanya. Bigla bigla na lang kasi yang lalapit tapos ngingiti sakin. Kinkilabutan ako.

"Hoy Nerd! Yung gamit mo nakakalat!" Sigaw ng oh-so-taray naming kaklase na si Sydney. Gah hindi bagay sa kanya name nya.

Nakita ko yung mga gamit ni Rico na nakakalat sa sahig. Alam ko namang sila Sydney may pakana nito eh. Mga demonyita.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Rico. Awtsuu.. Naka-sad face sya. Promise, mas lalo akong kinilabutan. Urgh.. Nahahawa ata ako sa pagkademonyita nina Sydney eh.

Pinulot agad ni Rico ang mga gamit nya at nilagay sa bag nya. Nakikita ko namang tumatawa sina Sydney kasama ang oh-so-assuming nyang mga katropa. Akala mo ang gaganda.

"Dapat kasi matuto kang lumaban sa kanila. Kalalaki mong tao hinahayaan mong kawawain ka ng mga babae" Sabi ko kay Rico. Naaawa kasi ako sa kanya. Tapos nawala yung sad-face nya, ngumiti na naman sya.

O____O

"Ang sweet" Pangaasar nina Sydney sabay tawa. Napairap na lang ako. Ang iimmature. 

"Salamat" Nakangiting sinabi sakin ni Rico at binigyan ko na lang sya ng alanganin kong ngiti. Bakit ba kasi sa dami ng pwedeng manligaw sakin, ito pa? Arrghh.

At salamat dumating na ang tamad naming teacher na walang ginawa kundi pareportin kami habang sya nagkakape. Nakakaaano lang.

Sya si Sir. Lazirno. Bagay yung apelyedo nya sa kanya. Umupo sya sa teacher's table at bigla na lang nagsalita kahit na maiingay pa ang klase. Ano ba yan, kahit pagsaway lang tinatamad pa.

"Class. Gaya ng sabi ko, ngayon ang umpisa ng praktis ng JS nyo. Kaya kayo, mag-umpisa na kayong maghanap ng partner nyo" Paliwanag ni Sir. Oo nga pala.

OhMyGod. Nakikita kong papalapit sakin si Rico. No no no. Dapat may magyaya na sakin bago pa sya ang magyaya. Hindi ko alam kung tatayo ba ako o ano. Kailangan may magyaya sakin. Hanggang sa lahat na sila may partner at kami na lang ni Rico wala. Ano ba yan. Kung minamalas ka nga naman oh. Napaface-palm na lang ako.

Dapat pala.. [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon