Monday
Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom namin ng biglang may bumunggo sakin.
Shet lang.. bulag ba yun?
Isinawalang bahala ko nalang yun at patuloy na naglakad.... pero bago pa ako makahakbang, may nagsalita sa likod ko.
"Miss, nahulog mo yata toh." sabay abot sakin ng isang I.d kunot noo ko itong tinignan.. Hindi sakin toh. I.d lace palang eh, iba na.
Ibinalik ko yung tingin ko sa lalaking nagbigay nun sakin kanina...
"Hindi sakin toh...----" pero wala na.
"Asan na yun?" tanong ko sa sarili ng makitang wala namang tao dito sa corridor. Weird.
Tinignan ko yung I.d, at laking gulat ko nang makita dun ang mukha ko.
Teka... paanong.. Nagka-I.d ako ng ganito? Tinignan ko yung nakalagay SA i.D na nagsasabing:
CUPID INC.
NAME: AMBER LEIGH SAAVEDRA
GENDER: FEMALE
POSITION:FRESHMAN CUPID
CODE: 1218800900
THIS CERTIFIES THAT AMBER LEIGH SAAVEDRA IS A LEGAL EMPLOYEE OF CUPID INC.
What the heck?! Anong kalokohan toh?! I never signed up on any cupid company-- whatsoever!
This is crazy! At paano nila nakuha yung pic ko?! Prank ba toh?!
'You are now a Member of Cupid Inc. Congratulations! You may Start on Monday at 8:00 pm. Don't be late. You will be informed on what to do when you come, see you at the Bus station!'
and realization hits me! Hindi naman siguro yung crazy ad n yun ang may kinalaman dito diba? But what a coincidence... but.. no... tama! Cupid Inc. din nakalagay sa i.d at sa letsugas na ad na yun! Ano bang ibig sabihin nito?! Aaaaaaaarrrrrrggggggggggghhhhhh!!
Ibinato ko yung I.d sa kung saan dahil sa inis. Letseng prank yan!
Naglakad ulit ako papuntang classroom.... Habang naglalakad ako,
"Aray!" sabi ko dun sa bumunggo sakin. Ano ba naman tong araw na toh?! Bakit palagi nalang akong binubunggo?!
"Sorry.. ms." sabi nung bumangga sakin at tinulungan akong makatayo. Pinagpagan ko yung skirt ko at hinarap siya.
"Sa susunod, tumingin ka naman sa dinadaanan mo." sabi ko sabay lakad. Pero bago ako makaalis, nakita ko yung simple nyang pag ngiti. May kakaiba sa ngiti nya eh... creepy.!
'Tignan mo din backpak mo huh?"
Di ko naintindihan yung sinabi nya.. O kung ako man yung sinasabihan nya.. Pero ako lang naman yung tao dito ah? Yung narinig ko lang.. Yung salitang 'backpack'
Di ko nalang pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Pagdating ko naman sa room, saktong wala pa yung teacher namin kaya nagbasa lang muna ako.
'8:00 pm. On the bus station. Take it... Or ignore it.. Either way, things will definitely change.'
May kakaiba akong naramdaman nung mabasa ko yung mga katagang iyun.
Bakit pakiramdam ko... Para sakin talaga yun? Bakit pakiramdam ko... Ako talaga yung pinapatamaan.. Eh kasi naman.. Para namang imposible magkaroon ng ganito sa isang science na libro.
8 pm? Bus station? Seriously? Bakit magkakaroon ng ganito sa science book.' You may Start on Monday at 8:00 pm. Don't be late. You will be informed on what to do when you come, see you at the Bus station!'
Nagplay nanaman yun sa utak ko. Coincidence is really making fun of me today. Ibang klaseng coincidence naang nagyayari sa akin. Things are really getting creepier.
Napabuntong hininga nalang ako at isinara yung aklat. Kailangan ko sigurong iwasang mapadaan ngayon sa isang bus station na 8 pm. Baka mabaliw ako pagnagkataon.
Dumating na yung teacher namin. Buong lesson, lutang yung utak. Di ko alam... Pero feeling ko, may manyayari sakin. Di lang ako sigurado kung maganda ba o hindi. Haaaaayyy....
"Ms. Saavedra!" napabalikwas ako ng tayo ng marinig ko yung sigaw ng teacher namin.
"What's wrong Ms. Saavedra? Are you alright? This is the first time that you're not paying attention to our discussion." sabi niya ng nakataas ang kilay.
"I'm sorry ma'am." sabi ko nalang at umupo.
Nagpatuloy lang naman sya sa pag didiscuss.
Bigla namang may kumalabit sakin.
"Bugz okay kalang?" tanobg sakin ni Ali.
"Oo naman. Bakit ba?" tanong ko.
"Eh kasi. Di ka nakikinig kay ma'am. Pansin ko ding lutang ka. At higit sa lahat! Pinansin mo ko!" sabi niya habang pumapalakpak. Inirapan ko nalang at ifinocus ang sarili sa pakikinig.
6:00 pm na ako nakauwi dahil ang daming tinapos sa school. Ewan ko ba at biglang naging busy ang mga tao.
Naglalakad na ako pauwi ng bahay ng biglang may tumawag sakin.
"Hello?" sagot ko.
"Babyyy... Kamusta ka? Okay lang ba school moo??" tanong sakin ng mokong kong kapatid.
"Anong kailangan mo?" bored kong sabi.
"Grabe ka naman! Porket tumawag lang eh! May kailang agad?"
"Then bye." sabi ko
"Teka!!! Oo na.. Pahingi sana ng favoooorrr.. Plssss???"
"Ano namang favor?" bored na sagot ko
"Pwede kabang dumaan sa mall? Paki bili naman ako ng ingredients.. Pleaaaaassseee... Andito kasi ate Charmaine mo.. Nangungulit magbake eh.. Please?" napairap nalang ako.
Tssss.. Andun na naman yung plastic na yun. Kakainis!!Binabaan ko sya ng tawag at walang ibang nagawa kundi pumunta sa mall.
Nakakainis na talaga yung haliparot na yun! Alam kong sinadya nyang ako yung bumili para makapagsolo sila ni kuya! Haaaayysstt! At ang malandi ko namang kuya.. Dinadala pa talaga sa bahay namin yung panget na yun!!!! Aaarrgghh!!
Pagkatapos kong bumili ng mga ingredients para sa cookies ng malandi kong kuya, dumiretso na ako sa bus station.. No choice.. Alang naman maglakad lang ako eh ang dami ng pinamili ko. May libro kasi akong nakita dun.. Kaya bumili ako.
7:30 na.. Haaaayyssss... Gabi na pala.. Ano bayan.. Papagalitan na ako ng asungot na yun!
Pagkatapos ng ilang minuto...
biglang may nag announce na nakapagpalaki ng mata ko.
'time check: 8:00 pm.. As promised.
Time check is brought to you by, cupid inc. Thanks for coming."Tinignan ko yung relo ko. 8:00 pm na nga! At nasa bus station ako. Anong ibig sabihin nito?
YOU ARE READING
Call Me Cupid
FantasyBakit nga ba naiinlove ang tao? Marahil iba't-iba ang sagot ng tao dyan. Pero maniniwala ka bang, kaya naiinlove ang mga tao, dahil sa gawa ng isang CUPID? Na ang pagiging KUPIDO daw, ay isang trabaho? Na ang mga cupids daw ay may misyon na pagtag...