10th

47 5 0
                                    

Morie's POV

Saturday

"Waaah! Ayaw ko Scott! >3<" sabi ko habang nakahiga sa kama ko. Nakatayo naman si Scott sa may pinto. Pano sya nakapasok? Hiniram nya yung spare key ng kwarto ko kay Ate Sha.

"Samahan mo na kasi ako! Bibili lang naman tayo ng damit para sa welcome party ni Mommy bukas! Isama mo yung pusa mo kung gusto mo!" Sabi nya

"Aish, oo na nga! Sige na. Shuupii! Maliligo na ako!" Lumabas na sya sa kwarto ko. Ako naman, naligo na.

Tapos ay pinatuyo ko ang buhok ko at pumunta sa walk-in closet para pumili ng damit. Oo, may walk-in closet tong kwartong to.

Kinuha ko yung maong shorts ko at color pink na polo shirt na sleeveless. Sinuot ko rin ang doll shoes ko na color white at sling bag na white. Nakalugay ang buhok ko na may ribbon na color pink. And I'm done ^_^

Kinuha ko si Shan sa higaan nya. Di ko na sya isasama. Baka sumakit ang kamay ko kakabuhat sakanya.

Binigay ko sya kay Ate Sha. Wala namang problema sakanya eh. Minsan nga, sya pa ang nagvovolunteer na mag-alaga eh.

Nakita ko si Scott na pababa na ng hagdan kaya nilapitan ko sya.

"Hah! Pinag-hintay mo pa talaga ak-- Aray, sandali lang!" Di ko natuloy ang sasabihin ko kasi hinila na nya ako papunta sa Lamborghini nya. Pinasakay nya ako sa passenger's seat. Sumakay narin sya at nagdrive.

Habang nasa sasakyan, di ko maiwasang mpatingin kay Scott. Nkakainis. Kung di lang sya malandi? Siguro nainlove na ako sakanya. Hmp.

"Gwapo ba?"

=_= Shet lang. Nahuli nya kong nakatingin saknya! Well, who cares.

"Hinde." diretsong sabi ko.

Dahil nga nabobored ako, nilabas ko nalang ang phone ko at nagtwitter. May free wifi kaya yung phone ko noh ^___^

Anong kayang twitter account ni Scott?

"Scott, may twitter ka?" tanong ko habang nakatingin parin sa screen ng phone ko.

"Wala. Pangbakla yun"

O_o

"Pangbakla? Eh ang daming hollywood actors and actresses ang ,may twitter account! Tch, baka ikaw yung bakla.." sabi ko.

"Sinong bakla?" sabi nya tsaka tinigil ang sasakyan. Ano ba! Nagcacause sya ng traffic dito, Promise!

"Walang bakla! Ikaw namn, paandarin mo nayan bilis!" utos ko. Napairap naman sya. Hihihi. How cute!

DUG DUG DUG

Wait, anong sabi ko? Cute? The hell! HAHAHAHA! Tsaka, relax ka lang Heart!

Nakakainis kase, lagi nalang nag'DUG DUG DUG' si Heart eh. =3=

"We're here."

Napatingin ako sakanya at tumango. Lumabas na kami ng sasakyan at pumasok na sa loob ng mall.

"Scott, pano ba yang welcome party na yan? Saan gaganapin?" tanong ko

"Sa private resort namin" sagot nya. Nag'Okay' nalang ako.

Dumiretso kami sa isang malaking boutique na puro dresses, polo shirts.. ganun ganun. Basta lahat ng damit na pangcasual.

"Mamili ka na ng sayo. Mamimili narin ako ng sakin."

Namili lang ako don. Ano bayan, gusto ko nang bilhin lahat kase, lahat magaganda.

Nakakita ako ng white lace dress. Maganda sya and simple lang. Yun nalang kaya? Teka, tanungin ko si Scott.

She's With The Casanova -- SLOW UDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon