The Man In The Elevator

593 28 42
                                    

ACHEL

Nagising ako dahil sa malakas na pagkatok sa pintuan ng aking kwarto.

“Achel! Gising na!” panggigising ni ate sa akin. Ilang beses pa nga siyang kumatok sa pinto kaya napagulong ako at saka nagtakip ng unan sa ulo ko.

Ang ingay!

“Aah!” reklamo ko pa habang minumulat ang mga mata ko. Hindi kasi tinitigilan ni ate ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

Kahit na halos hindi ko pa maimulat ang aking mga mata ay tiningnan ko pa rin ang alarm clock sa gilid ng aking kama. Agad naman akong napasimangot nang makita ko ang oras. 6:30 na pala.

Agad akong napabangon at nagdirediretso na sa banyo. Tiyak na bubulyawan na naman ako ni ate kapag na-late na naman ako. May one and a half hour nalang ako para mag-ayos at para makaabot ako sa first period namin.

This is my every day dilemma. Hirap na hirap akong gumising lagi, siguro ay dahil na rin sa hindi ito ang kinasanayan kong environment.

Mag-aapat na buwan na rin ako dito. Dati kasi ay sa probinsya ako nakatira kasama ang mga magulang ko at ang aking kuya, pero dahil nga sa ako ay magkokolehiyo na ay napadpad ako dito nang biglaan. Kasama ko ang ate ko dito. Nakatira kami sa isang condo unit na binili ni ate kamakailan lamang.

Naisipan ni ate na dito maghanap buhay dahil mas malaki ang kinikita niya dito kesa sa trabaho niya doon sa amin. Dahil sa mas maganda ang mga university dito ay kinuha na rin ako ni ate mula sa amin at pinag-aral ako dito.

Nag-aaral ako ngayon sa isang university na malapit lang sa condo namin. Nabalitaan ko kasi dati noong nasa probinsya pa ako na madalas daw magkatraffic dito at mahirap ang magcommute, kaya nga pinilit ko talaga ang ate ko na ienrol ako sa pinakamalapit na university dito sa condo. Swerte ko nga at walking distance lang ang layo nito.

“Achel,  mag-almusal kana at malelate kana sa school!” Nilingon ko si ate na hinahanda na ngayon ang pagkain sa lamesa. Napabuntong hininga ako at saka napayuko. Tinatamad talaga akong pumasok.

Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta na sa kusina. Ganito ang lagi kong routine, palagi akong late sa klase,  tama nga talaga ang sabi ng mga tao,  kung saan mas malapit kana saka kapa laging nahuhuli.

“Ano ba naman yan Ach, late ka na naman nito!” Sesermonan na naman ako ni ate kaya nga mas tinatamad akong pumasok sa school eh.

“Eh...” Magsasalita pa sana ako kaso pinutol agad ako ni ate.

“Huwag ka nang maingay diyan,  kumain ka nalang at nang makaalis ka na!” Napapout nalang ako sa sinabi ni ate, wala naman akong magagawa eh.

Mayamaya ay umalis na rin ako. Pagkalabas ko sa unit namin ay agad kong hinagilap ang elevator, medyo malaki kasi itong building at umaabot hanggang 15 floors. Nasa ika-10 palapag pa ang unit namin kaya hindi talaga kakayanin ang maghagdan.

Nang marating ko ang labi ng condominium ay agad ko ring tinungo ang entrance. Dahil sa male-late na nga ako ay binilisan ko talaga ang lakad ko.

“Oy guys!” Napatingin kami kay Roulo na nakatayo sa harapan namin. “Bukas na ang fair natin kaya siguraduhin ninyong maaga kayo bukas, before 7 ha. Remember 6:45 ang log in.”

The Man In The Elevator (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon