Chapter 1:
"Hindi ko hinangad na umabot tayo sa ganitong sitwasyon" Sabi ng lalaki na may halong pagka-dismaya sa kanyang boses.
"BAKIT KASALANAN KO BA KAYA TAYO UMABOT SA GANITONG SITWASYON HA?!" Sabi ng kaharap niyang babae. At galit ito habang tinitignan ng masama sa lalaki.
"Im sorry, Nami."
"Ayokong marinig yang sorry mo, Niel"
"But please makinig ka muna" Pag-hinto ni niel "I'm sorry Nami pero, mas Mahal ko na..."
"Mas Mahal mo sino ha?!"
Pero nanatili lang na nakayuko si Niel at nahihiyang makita ni Nami ang kanyang mukha.
"UULITIN KO! SINO-"
"MAHAL KO KUYA MO!" Biglang napahinto si Nami sa biglang sinabi ni niel.
.
.
.
.
.
.
.
"..............."
.
.
.
.
*croo* *croo*
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"CUT! CUT! CUUUUT!"
"Ano ba Nami! Pang-ilan na natin to eh!" Pikon na sabi ni Niel.
"Naku direk! Sorry po talaga!"
"Ano bang problema ha Nami? Pagkatapos niyang sabihin yung linya niya, Sasampalin mo na siya then yung line mo na! Ano bang problema dun? haaaa!" Sigaw ng direktor sa kanya. "Ahhhhh!" Binato ng direktor ang kanyang hawak na scipt habang kinakamot ang ulo, Sinyales na naiinis ito.
"Sorry direk Pwede po bang makahingi ng isa pang chance?".
"Hindi na! Tama na! Tsaka na! Bukas na!" At nag walkout na yung direktor. Sumond naman sa kanya yung mga assistant niya.
"Ahhhh! Wag niyo nga akong sundan!" Sigaw ng direktor sa mga taong naka-sunod sa kanya.
"Tsk! Take 79 na natin! isang sampal lang- Ahhh forget it!" Sabay alis din ni niel
*Nami's p.o.v
Hala ano ba yan! Napagalitan nanaman ako ni direk. Ewan ko rin kung bakit hindi ko talaga masampal yang niel na yan eh, Masungit, Daig pa babae sa kaartehan. Minsan nga iniisip ko na siguro bakla 'yang si Niel eh, Kabwisit!.
At sino ba kasi nagsabi na isali ako sa letchugas na play na 'to? Ako ba?. Kung 'di lang talaga dahil sa mga kaklase ko na napagkaisahan ako. Makikita rin nila araw nila. Wala pa 'kong tatlong linggo dito pero hindi ko alam kung bakit ako nalang lagi trip nila. Kakatransfer ko lang kasi dito, Alam ko namang late na ko dahil third quarter na. Pero dahil sa mahal ako ng paaralang 'to dahil sa *ahem* 'talino' ko daw, Kaya 'eto ako ngayon!.
Hindi ko namalayan na ako nalang pala yung tao dito sa loob. Hindi ko parin malaman-laman kung bakit hindi ko magawa ung pag-sampal. Dahil siguro natatakot ako na masampal ang face ni niel na sobrang cute, Na taliwas pala sa ugali niya!
BINABASA MO ANG
The Raffle
Teen FictionWin a raffle of love || ongoing || Cover created by: @-lucie