Chapter 4

43 5 5
                                    

-Vessa-

"Huy Lily, tingnan mo si Vessa. Muntanga." Dinig kong bulong ni Ree kay Lily.

Omg. Hindi nangyari yun...

Hindi...

"Oo nga, nababaliw na naman ata. Di parin nagbabago. Sabog parin araw araw." Natatawang sabi ni Lily. Nagtawanan naman silang tatlo, kasama si JM.

Shit. 

"Tingnan mo, nagsasalita mag isa ang bruha." Biglang singit ni JM.

"Tingnan mo pa ang itsura, mukhang nakadroga ang mata." 

Hindi niya ginawa yun diba?

Hindi niya ako hinalikan diba?

"Tulog pa ata ang bruha. Tulala pa eh. Hahaha." 

Wala na...

Wala na ang first kiss ko.

"HOY!"

"AY FIRST KISS!" Nasampal ko pareho ang mukha ng dalawang babaitang bumulaga at sumigaw sa harapan ko. Mabuti at hindi ko naabot si JM.

"Ouch ha!" Sabi ni Lily habang hinahaplos yung kanang pisngi niya.

"Ano bang iniisip mong babae ka?" Sabi ni Ree. Napatingin naman ako sa kanila. Bat sila naka swim suit? Well, except kay JM.

"Sorry." Sabi ko sabay ngiti. Huhuhu. Ang first kiss ko. ANG FIRST KISS KO WALA NA! T^T

Bakit niya ginawa yon? Alam niya bang ibibigay ko ang first kiss ko sa first boyfriend ko, kahit gusto ko pa siya? Huhuhu. Naman eh!

WALA NA! NAKUHA NIYA NA! Putspa naman. 

OO! Makalipas ang ilang taon, 27 na ko't lahat lahat, wala parin akong first kiss! Oo na! Kawawa na! WAKOPAKE! >////<

"Hoy Vessa Alonzo, bangag ka pa ba? Baka gusto mong umakyat sa kwarto at magpalit?" Sabi ni Lily habang nakataas ang kilay.

"Ayoko nga."

"Magbibihis ka o huhubaran ka namin dito?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nilang dalawa kaya dali dali akong tumakbo paakyat ng kwarto. Narinig ko lang silang tatlo na tumawa. Mga buang talaga. +____+

Pag akyat ko ulit sa hagdan, saktong nakita ko sa daan si Errol. Halatang kakagising niya lang.

"Shit." Bulong ko sa sarili ko. Putspa. Tuwing nakikita ko siya hindi ko makalimutan yung, yung.....Urgh!

Basta! Tuloy lang sa paglalakad Vessa! Remember, act like nothing happened. Yes. You can do this.

Konti nalang....

Makakarating din ako sa kwarto ko...

"Good morning!" Dinig kong bati niya habang nakangiti. Good mood, eh?

"Uhhh, morning?" Patanong na sabi ko. Shiz, here you go again Vessa. Nawawala ka na naman sa wisyo kapag kaharap mo siya.

Nginitian niya lang ako bilang sagot bago bumaba sa sala.

Tumakbo na agad ako papasok sa kwarto at nagpalit na ng swim suit. Well, hindi talaga swim suit kasi yung pantaas lang naman ang pinalitan ko. Nakashort parin ako pero nakabra lang. Pinatungan ko yun ng see through na damit. Hindi kasi talaga ako bulgar na babae. Sabi ko nga, hindi ako nagbago. Ako paring yung Vessa na Maria Clara ng section namin at conservative na tao.

Perfect TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon