ERIN
"Erin, hinihintay kana ni John bumaba kana!"
"Saglit lang po, bababa nako." dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa living room naabutan ko ang best friend ko na prenteng nakaupo sa sofa namin.
Matagal na akong may pagtingin sa best friend ko ngunit natatakot lang akong umamin. Ayaw ko kasing masira ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa pag-amin ko ng tunay kong nararamdaman para sa kanya.
"Hi, ang aga mong bumisita ah!" sabi ko kay John.
"Hahaha! Alam mo na miss na kasi kita." ang aga-aga pinapakilig ako ng mokong na toh.
"As if naman binobola mo lang ako. Kumain ka na?"
"Hindi pa eh! gutom na nga ako pwedeng makikain?" haha grabe din tong best friend ko as if naman na di pa ko nasasanay.
"Hahaha oo naman! Tara na sa dining."
Pagkatapos naming kumain ay nanood kami ng movie.
"Erin, punta tayo sa park mamaya. May sasabihin ako sayo." ani John na nagpabasag sa katahimikan.
"Ok sige. Magkita nalang tayo dun sa favorite spot natin mga 4pm." sabi ko kay John.
"Ok."
Paglipas ng 3pm naligo na ako. Sinuot ko yung simpleng puting dress na regalo ni ate nung birthday ko. Nagpulbo ako at nag apply ng kunting lipbalm sa lips ko. Nilugay ko rin ang buhok ko.
Paglipas ng ilang minuto pumunta na ako sa park. Nakita ko yung best friend ko ang gwapo niya talaga.
"Ganda natin ah! Anong gusto mo kain muna tayo?" ayan na naman sya.
"Hahaha! Busog pa ko mamaya nalang siguro. Ano ba yung sasabihin mo?" kinakabahan ako, ano kayang sasabihin niya.
"Erin, masayang-masaya ako ngayon at gusto ko ikaw ang unang makaalam." kinakabahan na talaga ako at pinagpapawisan na din ako. Pero di ko yun pinahalata kay John.