“GOODMORNING SUNSHINE!”
Yan ang palagi kong sinisigaw pagkatapos gumising. Hay! Isa na namang araw na kapupulutan ko ng aral. Isang araw na napakasaya! Punong puno ng ligaya! Tumayo, at paikot ikot na ako na parang si White Queen sa Alice in Wonderland.
“Maligayang araw sayo kama!”,sabay palo ng mahinhin sa kama.
“Good Morning sayo Laptop!”, pagkatapos ay isang lahik sa Laptop ang aking naibigay.
“Magandang araw rin sayo Bulate!”, pababa sa sahig para halikan ngunit-
Bulate? Pano nagkaroon ng bulate dito sa kwarto ko? Bulate? BULATE!
“BULATE! AAAHHH! BULATE!!!!!!”
“HAHAHAHAHAHAHAHHAAHHHAAAHAHAH!”, sabi ng Kuya kong si Mike, na kanina pa pala nasa likod ng pintuan ng kwarto ko, na ngayon ay halos mamamatay na sa kakatawa.
Hayan na naman siya. Ang kuya kong Emo. Malamang dahil sa ginawa niya kanina, alam niyo na ang kanyang ugali. Mayabang, mapanlait, sabihin mo na lahat. Sa kanya lahat ng iyon. Siya na. Dabest siya eh.
“Kuya! Alisin mo yan dito! EWWWWWW!”
“Hahaha! Eto na. Aalisin na.”, wika niya habang inaalis ang bulate sa sahig ng walang kahit anong gloves sa kanyang kamay. “SALUHIN MO!”, sabay tapon sa akin ng bulate.
“AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!”, sigaw ko na mas mataas pa sa sigaw ni Darna. Napatakbo tuloy ako pabalik sa dulo ng kama ko.
“Hahaha! Joke lang! Sayang! Kung nakita mo lang sana yung itsura mo! Nakakatawa! Hahahaha!”, sabi ni Kuya Mike.
“Kuya naman eh. Tinatakot mo na naman ako. Alam mo naman may sakit ako sa puso diba?”, sabi ko ng nakalabas ang ibabang labi ko. (Pout)
“Oo nga naman Kuya. Nako. Inaaway mo na naman tong Kapatid mo ha.”.
Hay. Yan na si Mommy Ester. Papasok na sa kwarto ko at pupuntahan na naman ako tapos susuklayin ang buhok ko ng parang baby.
“Mommy, hindi na ako baby.”
“Ay! Ayan na anak ko! Uma-Aljur Abrenica na!”
“Ma, i’m Gay. Diba sinabi ko na sa inyo ng matagal.”
“Ay! Oo nga pala. O cge, Julia Montes nalang anak, peg mo?”
“Ma, di ako ganong klaseng bakla na nasa kalye at sumisigaw ng ‘Hi! Ako po si Mauricio, Ako po ang Julia Montes ng Caloocan City!’.”, sinabi ko kasabay ng paggewang gewang ng bewang at kumakaway sa iba’t ibang dereksyon.
“Abay dapat lang kung hindi, mabubugbog ka sakin!”, sabat ni Kuya na nakasandal sa pintuan ng aking kwarto.
“Kuya naman eh! Ii! Kuya! Da best ka talaga!”, sabay yakap sa da best kong Kuya.
Kahit ganito ako, na bading, pero hindi naman mukhang bading, ay nirespeto ako ng kuya ko, sa kabila ng kanyang pagiging astig at rak en rol. Kaya, mahal na mahal ko to eh! Da best Kuya ever!
“Okey, 1, 2, 3, Smile!”, sabi ni Nanay, sabat sa moment namin ni Kuya. Yan na naman si Nanay at ang kanyang Digital Camera. Wait. Ngayon ko lang to nakita ha. Bago na naman. Andami ng camera ni Nanay ha!
“Nay, wait lang. Ilan na ba ang camera mo?”, tanong ko ng hindi pinuputol ang yakap sa aking kuya.
“Siguro mga 53 na. Hindi pa kasama ang mga SLR’s ko.”
“Hay nako Nay. Adik ka talaga. Patingin nga!”, habang papalapit sa kama ko kung saan nakaupo si Nanay! “Wow! Kuya at Bunso moment! Facebook na yan!”
BINABASA MO ANG
Rich, Nerd, GAY! (Tagalog BoyxBoy Story)
RomanceSi Ace ay isang lalaki, este, gay na mayaman, nerd, at matalino. Kumpleto na sa kanya lang lahat, pamilya, kahit na ampon siya, mga kaibigan na rumerespeto sa kanya, pagiging honor student sa kanyang eskwela, mukhang parang anghel na bumama sa lupa...