“Huy.”
“Huy Ace.”
“Ace.”
“Tulog ka ba?”
“Ace”
“John Acerelle Johnston!”
“HOY!”. gulat akong napatingin kay Kuya.
“Bakit ba Michael!”, pag Michael na at hindi na Kuya Mike, totally, galit na ako sa kanya.
“Di mo na ginagalaw ang pagkain mo. Tulala ka na naman”, sabi ni Kuya, habang turo-turo ang pagkain ko gamit ang tinidor niya.
“Gusto mo akin nalang?”, hirit ng Kuya kong matakaw. Nakakainggit nga na kahit kain siya ng kain eh, may abs parin siya. Malamang nagwowork out. Pero, tamad yan. Baka may bulate lang sa tiyan.
“Bhelat”, sabay labas ng dila sa kanya.
“Hay nako anak. Bakit ka ba naman tulala?”, sabi ni Nanay sa akin, ng may pag-alala sa kanyang mga mata.
“Ma, para namang hindi niyo alam.”, sagot ko with sarcasm.
“Ah. Alam ko na. Si Christian.”
Christian. Ano ba. Pag naririnig ko ang tunog ng kanyang pangalan. Tumitigil sa pagikot ang mundo ko. Para bang iniisa isang ipinupukpok ang mga letra ng pangalan niya sa tenga ko para magsink in kung ano ang pangalan ng lalaking mahal na mahal ko. Christian. Oh Christian.
“Bakit? Inaway ka ba nung Bugok na yon? Sabihin mo lang sakin para makatanggap siya ng bugbog”, yan na naman si Kuya. Super protective na naman sa kanyang Princesa.
“Hindi Kuya. Pag binugbog mo yun, ako unang bubugbog sayo!”, sabay taas ng kamao ko.
“Iniisip mo na naman siya noh. Hayan na! Nagdadalaga na ang anak ko!”
“Nay naman eh.”
“Hay nako. Pag yang si Christian na yan eh isang suwail na anak, walang aprroval sa akin yan.”, ika ni Kuya.
“Kuya, hindi naman ako magkakagusto sa sanggano noh.”
“Basta. Bago maging kayo niyan, kailangan eh, kailangan makilala muna namin yan ni Nanay ha.”
“Haha. As if namang mapapansin ako nun. Siyaka, straight yun. Boy na boy. Pano magkakagusto sa akin yun.”
“Eh ginusto mo yan eh! Anung magagawa ko.”, sabay labas dila sa akin.
“Nay, oh! Inaaway na naman ako ni Kuya.”
“Mike. Tigilan mo na yang kapatid mo ha.”, belat Kuya.
“Anak, don’t lose hope. Malay mo, Gay in the Closet pala siya. O kaya, marami namang ibang lalaki dyan. Sabi nga nila, there’s a lot of fish in the pond, but much more on the ocean.”
“Huh? Anong point dun?”
“Masarap ang isda.”
Hahaha. Nanay talaga.
---
“OY JOHN ACERELLE JOHNSTON, READY KA NA! .”, pasigaw na sabi ni Kuya. Nasa garahe na kasi siya, siya ang naghahatid sa akin simula ng nag-leave si Kuya Gardo. Kuya naman eh! Nagbibihis pa ako. Kailangan disente itsura ko sa harap ni Christian!
“OO MICHAEL V!” haha! Yon ang pang-inis ko sa kanya! Dahil sa pangalan niyang Michael Vince Johnston. Ayaw na ayaw niyang tinatawag ko siyang ganun. Minsan ko lang ginagamit, pag good vibes siya. Pag BV kasi yan, napipikon. Di ako kinakausap for weeks. Di ko kaya ng ganun.
![](https://img.wattpad.com/cover/1305356-288-k263242.jpg)
BINABASA MO ANG
Rich, Nerd, GAY! (Tagalog BoyxBoy Story)
RomanceSi Ace ay isang lalaki, este, gay na mayaman, nerd, at matalino. Kumpleto na sa kanya lang lahat, pamilya, kahit na ampon siya, mga kaibigan na rumerespeto sa kanya, pagiging honor student sa kanyang eskwela, mukhang parang anghel na bumama sa lupa...