Original date:January 30,2014
Wedding Booth
"Bili na ! Bili na ! Habang mainit pa! " sigaw ng isa
" Samin kayo bumili ! Mas masarap pa diyan oh ! " singit ng isa
" Free hugs po from our gwapong rep. Bili lang kayo dito! " sigaw ng isa
Yan maririnig ng lahat kapag may foundation week.May magbebenta na estudyante at outsider.Makikita mo yung mga paninda nila mapa pagkain,accessories,at syempre di mawawala ang mga booths.Sino ba namang hindi magugustuhan ang mga booths? Jail booth,Wedding booth,Madam Auring booth,basta madami pa yan.Kahit nakakaboring sakin,masaya pa rin kasi kahit papaano,may thrill ang week ko.
Pagkapasok ko ng room,umupo na agad ako sa upuan ko at umubob muna.Naalala ko kasi na independence day na pala.Napansin ko lang nung nakita ko yung mga nagbebenta ng bulaklak,tsokolate,teddy bear etc.Hays,naalala ko tuloy si Enrico na crush na crush ko.Erase,mahal ko na pala,pero mahal niya lang ako bilang.. kaibigan.Sakit ma friendzoned mga people.Habang ako'y umubob,naramdaman kong may tumapik sa aking ulo.
Dahan dahan kong inangat ang maganda kong mukha at nasalubong ang..
" Potakte naman Enrico,ilayo mo sakin yan! " sigaw ko at agad naman ako napatayo at lumayo sa upuan ko.Paano ba naman pagkaangat na pagkaangat ng mukha ko,nasalubong ko yung plastic na ipis.Takot po ako sa kanila,kahit plastic lang yan,ipis parin yan.
At mokong tawa lang ng tawa.
" Hahahaha ayos Glenzel ! 2 secs lang ! A new record " sabi ni Enrico,hawak parin ang tiyan niya sa sobrang tawa
Sinuntok suntok ko yung balikat niya,hindi yung masakit ah! Matapos tumawa,nilapag ni Enrico yung bag niya sa upuan niya na katabi ko lang.Yup,katabi ko siya! Kaya lagi kaming nagchichismisan.Umupo na siya at naglabas ng cellphone at mukhang magpapatugtog.Nilabas niya rin ang notebook niya at sinimulang magsagot ng assignment.Hinayaan ko na at napayuko nalang ako sa kinauupuan ko,habang patagong tinitigan si Enrico.
Inaalala ko kung bakit mahal ko ang mokong na ito.Si Enrico,sa matagal kong pagiging kaibigan niyan,mabait siya,makulit,matalino,funny,pogi,at hanep sa paglaro ng volleyball,kaya nga kasama siya sa varsity ng volleyball boys sa school namin (HINDI SIYA GAY).Hays,siya na talaga,kaya marami akong kakompetensya sa kanya eh.Pero hindi rin naman siguro akong mamahalin niyan.Kung oo man,bilang kaibigan lang.Tapos hindi rin naman ako bagay sa kanya eh,sikat na sikat siya sa school,hamak lang akong estudyante na pursigido sa pag aaral.Naging close lang kami dahil sa lagi kami pinagsasama sa groupings at sa pagiging madaldal ko.Hayyy Enrico,pangarap na lang ba kita?
" Di ba tinuro sayo ng mama mo na bawal titigan ang ibang tao ? " sabi ni Enrico at tumingin sakin.Shacks,nahuli niya ako.Napansin niya pala.
" Ang feeler mo naman,tinititigan ko yung nasa pinto. " palusot ko.
" Weee palusot ka pa eh. " sabi niya nalang at tumawang saglit.
*KRING*
" Time na ! " sabi ko.
Saved by the bell.Muntik na ako mahuli.Inerase ko nalang sa isipan ko yun at umayos ng upo nang pumasok na si maam.
" Good morning class.Maupo na kayo at may special announcement ako sainyo." Sinunod na namin si ma'am at umupo.Himala nga na ang tahimik ng buong klase.
" Since start na ng foundation week,buong week rin tayong walang classes ! " -Ma'am
\(0o0)/ YEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEYYYYYYYYY
Ganito kaming lahat nang sabihin ni ma'am yun.Ang saya syempre,maeenjoy namin ang buong week ng walang stress hahaha.
" Instead of classes,itutuloy ang intrams this week.So kailangan nating manalo! " sabi nanaman ni maam