Isang taon na kaming magkakilala ni Aja. Nakikita ko lang siya araw-araw sa school. Isa siyang simpleng babae, mabait, hindi masyadong ngumingiti, mahilig kumain ng junk foods at palaging naka dikit sa kanyang best friend na si Carypen.Close sila ng best friend niya, kami? hindi.
Tinitingnan ko lang ang magkakaibigan na ito, habang sila ay nagku-kwentuhan at nagtatawanan naka tingin naman sila sa kanilang mga cellphone. Sa isip ko ito na yata ang bagong trends ng mga kabataan ngayon mas nilalaan nila ang kanilang oras sa pag-scan ng mga larawan at post sa facebook.
So binaling ko nalang ang tingin ko sa ibang bagay, bumalik ako sa mesa at nag simulang mag sulat. May nahulog na papel galing sa aking notebook, na may panda na disenyo, nagtaka ako kung paano ito nakapasok sa notebook ko.
Pagtingin ko sa may pintuan ng classroom may na aninag akong anino na biglang umalis. So ang ginawa ko lumabas ako nang mabilis, baka sakaling maabutan ko pa ang anino. Pero biglang nag ring ang bell ng school at nagsilabasan na ang mga studyante at hindi ko na siya mahagilap.
Bumalik nalang ako sa room para tignan ulit ang papel. May nakalagay na numero 1-9-11-15-10-15-25-3-5, hindi ko maintindihan ang mga numero na nakalagay sa papel kaya ang ginawa ko, tinapon ko nalang ito sa may malapit na basurahan.
At lumabas sa room pagkababa ko sa hagdan nakita ko ulit ang isang anino malapit sa Acacia tree, lalapit na sana ako pero tinawag ako ng kaibigan ko. sabi niya sa akin na may gagawin daw kami bukas tungkol ito sa paparating na foundation day ng aming school. Habang papalayo kami sa Acacia tree, para bang naka tingin parin siya sa akin.
pero di ko nalang pinansin baka guniguni ko lang ang nakita ko, so umiwi nalang ako sa bahay. pagpasok ko bahay may mga tao na naka upo sa sala, hindi ko sila kilala. Ang sabi ni nanay kaibigan ko daw sila kaya pinapasok niya ang mga ito. Lumapit sa akin ang isa sa mga lalaki at binulungan ako.
"Asan ang code?" sabi ko sa kanila, anong code? paglingon ko kay nanay ay nakahandusay na siya sa sahig. Mabubuhay lang ulit ang nanay mo kung mabibigay mo sa amin ang code. bigla silang nawala sa taranta ko tumawag ako ng tulong sa kapitbahay, dinala namin si nanay sa ospital.
Wika ng Doktor na coma daw si nanay at malabo na daw makabalik sa normal si nanay. Habang nasa labas ako ng emergency room naalala ko ang papel na nahulog na nang galing sa aking notebook na may numero. lumabas ako agad at pumunta sa school ng nagmamadali.
Pagkarating ko sa school ay Kina-usap ko agad ang guard na may nakalimutan lang ako sa room. Pinatuloy naman niya ako, para hindi masyadong halata na nagmamadali ako, pa simpling lakad lang ang ginawa ko, pag liko ko sa main building, tumakbo ako ng mabilis at umakyat sa second floor.
Hinanap ko agad ang basurahan na pinagtapunan ko ng papel ngunit wala na itong laman. So ang ginawa ko pumunta ako sa likod ng paaralan sa may tapunan ng basura. Hinukay ko ang mga basura para lang mahanap yung papel. biglang umihip ang malamig ng hangin ay may boses akong akong narinig sa likod "Ito ba yung hinahanap mo?"
YOU ARE READING
1-10-1
FanfictionA story of love and adventure. A journey of love and friendship who take their feelings across the vast universe.