"Teka sandali! Sigurado ka bang dyan nga iyong party? Bakit mukhang abandonadong bahay?" pigil ko sa pinsan kong si Bea habang papasok na siya sa bakuran ng napaka creepy na bahay.
"At saan mo naman ineexpect mag holloween party, Mikmik? Sa hotel o sa club?! Ako ka ba! Perfect na nga itong lugar eh!" hila niya ulit pero hindi talaga ako sumunod. Iba talaga ang pakiramdam ko sa lugar na ito, kinikilabutan ako.
"Ano ba?! Ang arte naman eh! Akala ko ba nagkaintindihan na tayo?... Ipapaalala ko lang huh? Natalo ka sa pustahan." sabi niya habang nakahalukipkip akong tinititigan.
Oo. Natalo ako sa pustahan. Sa hindi ko malamang kadayaang naganap, ang pinsan kong hindi man lang nag-aaral ng mga lessons namin sa school, nataasan pa ako sa finals ng Chemistry. Hindi lang iyon basta basta exams, finals iyon at Chemistry ang subject.
At dahil natalo ako, magsisilbi akong PA/alalay/alipin/muchacha niya sa loob ng tatlong araw, at ito na ang pangalawa.
"Oo na, sabi ko nga natalo ako kaya wala akong karapatang kumontra sa 'Master' ko." pagpapatianod ko na lang. Wala rin naman kasi akong magagawa, hindi ako maaaring umuwi mag isa nang hindi siya kasama; nakikitira lang kasi ako sa kanila habang nag-aaral ako rito sa lugar nila, nasa ibang bansa na ang pamilya ko at susunod ako pagka graduate.
"Uy! Dumating na si Bea, guys! At may kasama pang --- ahm, Babae?" salubong sa amin ng isang payat na lalaking naka braces.
"Grabe ka naman, Ian! Babae yan. Guys, pinsan ko nga pala si Mirkha." natatawang hinampas ni Bea sa braso ang lalaking tinawag niyang Ian bago ako ipakilala sa mga kaibigan nila na karamihan ay mga lalaki. 4 lang kaming babae rito ngayon sa bilang ko.
Lahat sila tahimik akong tiningnan at nagpalipat lipat sila nang tingin mula kay Bea papunta sa akin tapos pabalik ulit kay Bea. Ok, gets ko namang kahit na wala kaming pustahan, mukha talaga akong katulong niya in real life.
Fashionista at It Girl si Beatrice samantalang jologs na maitim naman ako. Mahilig ako sa boyfriend's pant, loose T-shirt at Keds.
"Hi Mirkha, kain na muna kayo. Andito sa gilid ang foods, huwag kayong mahihiya ha?" bati ng nag-iisang naglakas ng loob na kausapin ako; hindi lang iyon, inakay pa niya ako papunta sa lamesa habang si Bea naman ay tinanggap na agad ang inuming binibigay sa kanya.
"Salamat." Sabi ko at tiningnan lang ang mga pagkain. Mukhang masarap lahat.
"Kung nahihirapan kang pumili, pwede namang ako na ang maglagay para sa iyo, basta lang kakainin mo ha? Hahaha!" friendly niyang pag-aasikaso sa akin.
Noong hindi ako sumagot, hinila niya ako paupo sa pinakamalapit na sofa na medyo may kalayuan sa grupo nila at siya na nga ang kumuha ng pagkain ko. Kinuhanan din niya si Bea.
"Amer! Ano pang ginagawa mo dyan? Dito ka na bilis! Tumatakas ka lang sa shot mo eh!" sigaw noong lalaking mukhang pinaka leader ng grupo nila sa lalaking nag-aasikaso sa akin.
"Andyan na, Mark." sagot ni Amer, "May sasabihin ako sa iyo, ubusin mo nang mabilis ang pagkain mo tapos umakyat ka na sa itaas at magtago kang mabuti. Maglalaro tayo ng hide and seek kapag naubos na ang iniinom namin." sabi niya bago ako iniwan.
Kung game naman pala iyon, bakit kailagan pa niyang ibulong?
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at kinain ko na lang ang pagkaing kinuha niya...
BINABASA MO ANG
Pikit Mirkha
Short StoryA Bloody One Shot. Isang Halloween Party na nauwi sa Bloody Murder Horror Story... Isang Barkada na may Isang Sikreto, ano ba ang itinatago nila? Ano ba ang kwentong makikita ni Mirkha? ©️ Jheyar038 [soon to be compiled with my other One Shots]