Pure fiction:)
Touche...
---
Katatapos lang ng shift ko bilang isang food service crew sa isang fast food chain. Marami na naman kasing kailangang bayaran na requirements kaya naisipan kong mag-part time muna dahil gusto ko rin namang makatulong sa mga magulang ko. Hindi naman kami mayaman, pero hindi rin naman kami mahirap. Nasa average naman ang pamumuhay namin, sapat na makakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Kaya ko namang pagsabayin ang pagpa-part time at pag-aaral kaya naman keribels lang.
Nasa staff room ako ngayon at inaayos na rin 'yung mga gamit ko. Siguradong bubungangaan na naman ako ni mama nito. Pasado alas diyes na kasi at wala pa rin ako sa bahay. Kahit na second year na ako sa college, may curfew pa rin ako. Napaka-old school talaga nina mama at papa. Wala naman ng Martial Law at bakit pa sila nagpapatupad ng curfew ek-ek na 'yan. Alam ko naman na worried lang sila sa akin at hindi talaga maiaalis 'yun sa kanila since ako 'yung kaisa-isang babae na anak nila. Overprotective sila masyado, na dumarating sa point na nasasakal na ako. Sina kuya kasi, nagtatrabaho na at may kani-kanya na ring pamilya.
"Shai, uwi ka na?" tanong ni Gella, isa sa mga kasamahan ko. Inilagay ko lang 'yung blouse na uniform ko sa bag ko. Nagpalit na rin ako ng t-shirt at saka nag-ponytail na rin. Maulan-ulan na pero parang ang init pa rin.
"Oo eh. Baka pagalitan na naman ako ni mama kapag alas dose na ako nakauwi," sabi ko naman. May plano kasi silang mag-bar at niyayaya nila ako. Pero as always, hindi ako pumayag. Parati naman eh. Pagod na rin kasi ako at kailangan ko pang pumasok nang maaga bukas para ipasa 'yung iba ko pang requirements. Sumimangot lang siya at saka inayos na rin 'yung mga gamit niya.
"Ang KJ mo talaga kahit kailan, Shai. Sumama ka na kasi, libre naman namin eh," dagdag na pang-eengganyo ni Jalaine. Kahit na libre pa 'yan, hindi pa rin ako sasama. Sa aming lima, ako yata 'yung pinaka-kill joy. At sa tuwing pinag-uusapan nila 'yung mga night-outs at shopping nila, nakatunganga lang ako sa tabi. Eh sa hindi ako maka-relate eh.
"Oo nga. Don't worry, kami na ang bahala sa mga magulang mong over protective. Di nga Shai. Baka naman pati pagbo-boyfriend, hindi ka pa nila payagan?" singit naman ni Pamela. Yumuko ako at inihanda na 'yung back pack ko. Tama naman sila eh. OA na sa pagiging protective sina mama at papa. Hindi na nga nila ako pinapayagang sumama sa mga kaibigan ko, hindi pa nila nitatanggap 'yung mga nanliligaw sa akin. Kahit papaano naman, may ibubuga ako pagdating sa looks. Maputi ako at makinis. Medyo chingky ang mata at may maliit na dimple sa right cheek ko. Maganda rin naman ako kahit papaano, kaya may mga mangilan-ngilan ring nanliligaw sa akin.
"Hoy Shai, wag mong sabihing NBSB ka pa rin?" sumbat ni Violette. Namula ako sa sinabi niya. Ano bang problema kung NBSB ako? Argh! Kumukulo ang dugo ko nang wala sa oras. Tumawa sila at saka muli akong sinermonan. Siguro, mga alas-dose na ako makakauwi nito.
"Ano bang mali kung NBSB ako?!" tumaas ang boses ko nang sinabi ko 'yun. Naiinis ako sa kanila sa pagbi-bring up ng topic na 'yan. Porke ba nakailang boy friends na sila, kailangan na nilang ipangalandakan? What the hell! I would rather die NBSB kung magloloko lang rin naman ako. Palibhasa kasi puro flings ang inaatupag.
"Whoa, Shai bebe. Chill lang, okay? What we're saying is, kailangan mo rin namang mag-cross sa limitations mo. Try new acquaintances," sabi ni Violette. Siya kasi 'yung mahilig sa night-outs and clubbings. Siya rin ata 'yung pinakamaraming flings. Mayaman naman kasi siya at hanggang ngayon, hindi ko pa rin malaman ang dahilan kung bakit 'to nagpa-part time. Hindi na ako magugulat kung one day malaman kong buntis na siya. Huminga ako nang malalim at kinuha na rin 'yung back pack ko. Kailangan ko ng umuwi at kumukulo ang dugo ko sa mga babaeng 'to ngayon. Magkakaroon ata ako ngayon ah.
BINABASA MO ANG
Blame It On The Rain... (One-Shot)
Teen Fiction❝ It rained. I slipped. And I fell hard. ❞