Surf (one shot story)

422 17 25
                                    

Gretel's P.O.V

Ang ganda talaga ng story ni gurl11lover na "Anong oras na?" Hahaha natatawa ako kay Clarence putek hahahahahahhahaha. Habang nagbabasa ako at tumatawa ako dito narinig ko yung sigaw ng mommy ko 

"GRETEELLLLL!" Mommy

"MOMMYYYY BAKIT POOOO?" Sigaw ko 

"BUMABA KA DITOOO!" Mommy 

Kaya naman bumaba na ako ng hagdan ay mali lumabas pala muna ako ng kwarto ko tapos bumaba na ako. Ano kayang kailangan nitong si mommy? 

"Oh mi bakit ka naglalaba? Anong nangyari? Miracle" Ako 

"Luka ka talagang bata ka bumili ka sa tindahan ng surf" Mommy

"Bakit mi anong silbi ng yaya?" Ako

"Wala yung yaya natin nag bakasyon sa probinsya nila 2 buwan siya mawawala kaya ako muna maglalaba" Mommy

"Inis naman mi eh nagbabasa pa ako ng wattpad eh" Ako

"Ikaw talagang bata ka puro ka computer,laptop,tablet tska cellphone hindi ka ba nagsasawa?" Mommy

"Hindi po iba iba namang storya binabasa ko eh" Ako

"Hay ewan ko sayo kumuha ka ng pera dun sa wallet ko at bumili ka sa tindahan ng surf" Mommy

"K" sagot ko 

Wala na akong nagawa at kumuha ako ng pera

"Oy Gretel san ka pupunta?" Mommy

"Sa kwarto" Ako

"May surf ba sa kwarto mo?" Mommy

"Hindi po magpapahid lang ako sunblock lotion" Ako

"Susmiyo ayan lang sa tapat ng bahay natin ang tindahan oh" Mommy

"Mi baka ma sun burn ako" Ako

"Mag payong ka nalang napakadami mong kaartehan" Mommy

"Ok fine" Ako 

Tapos ayun kinuha ko yung payong at pumunta sa tindahan pag dating ko dun bumili na ako

"Surf nga po" Ako

Tapos kumuha yung tindera at may dumating na lalaki

"Surf nga isa" Lalaki 

Tapos nung binigay na nung tindera yung surf kukunin ko sana pero may kamay sa ibabaw ng kamay ko kukunin din yung surf 

"Hoy! Akin to" Ako

Tinignan ko siya ay putek ang gwapo kamuka niya si Drake Palma ng SDP may nilalang pa palang nabubuhay sa mundo na katulad ni Drake. Am I dreaming? Kaya naman kinurot ko yung sarili ko. OMG! Totoo nga ^_^

"Miss matunaw ako" Lalaki

"Ang kapal ng mukha mo ah akin na nga tong surf ko" Ako

"Hindi ko inaangkin" Lalaki

"Eh bakit mo kukunin? Oh baka gusto mo lang hawakan yung kamay ko tsss chansing ka!" Ako

"Grabe ka naman miss ang assuming mo akala ko iba binili mo kaya akala ko akin to" Lalaki 

"Heh! Ewan ko sayo palusot ka lang eh" Ako 

Tapos binayaran ko na yung surf na binili ko at umalis na. Nakakainis kasi eh ang yabang pero infairness gwapo haha na starstruck ako haha ang landi ko na yan na ata napapala ko kakabasa ng wattpad tapos nung hindi pa ako masyadong nakakalayo narinig kong sumigaw siya 

"Ang cute mo miss surf" Lalaki

At dyan nagsimula ang lahat, dyan nagsimula yung pag-asa ko. Pag-asa na muli ko siyang makikita 

halos 1 buwan at 4 na linggo na akong bumibili ng surf sa tindahan. Nagulat nga si mama dahil bigla ko raw nagustuhan bumili ng surf kulang nalang daw araw arawin ko yung pagbili at ngayon sabado nanaman ng umaga eto na yung huli kong bili ng surf dahil sa susunod na linggo uuwi na yung yaya namin. Hindi ko alam pero simula nung sinabi sakin ni Mr. Surf yeah mr surf tawag ko sakanya kasi tinawag niya akong ms surf eh simula nun hindi ko alam pero natuwa ako at nagkaroon ako ng dahilan para mag imagine ng sariling love story ko katulad ng nababasa ko sa wattpad pero ang masaklap nun hanggang imagination nalang talaga at hindi mapupunta sa REALITY at ngayon papunta na ako sa tindahan para bumili ng surf for the last time. Sana this time makita ko na siya ang tanga tanga ko kasi hindi ko man lang natanong pangalan niya o kaya number niya. Pero teka ano naman gagawin ko sa name at number niya? Aishhh ano ba yan kinakausap ko na sarili ko makabili na nga lang. 

"Surf nga po" Ako

"Cge ija wait lang" Tindera 

"Cge po" Ako

Kaya naman umupo muna ako sa may upuan sa gilid. Hay hindi ko na talaga siya makikita siguro kailangan ko na talagang kalimutan ang lahat at i consider yun na isang panaginip lamang. Nagulat naman ako ng may maapakan akong papel. Ano kaya to? Kaya naman dali dali kong binuksan baka importante to nakalagay pa pala sa envelope kaya naman binasa ko wala namang masama dba? yung sa labas nung envelope may nakasulat na "MS. SURF" Ms. Surf? Dba ako yun? May iba pa ba? Hmmmm? Mabasa ng malaman ko kung ako talaga yun.

Dear Ms Surf,

Una sa lahat hindi sa huli sumulat ako dahil may ballpen at papel ako alam mo ba crush kita hindi crush sa eroplano hahhahahhahaha joke lang. Ang corny no? Ang corny ng mga sinasabi ko at ang corny din ng tawag ko sayo MS. SURF hahaha paano naman kasi hindi ko inexpect na bibili ka dun sa tindahan at parehas tayo na surf yung bibilin kaya akala ko akin yun so kukunin ko sana yun nga lang nauna yung kamay mo pero wag ka mag-alala hindi ako nang chansing sayo at alam mo kung saan ako mas natawa yung tumingin ka sakin or should I say tumitig haha at kinurot mo pa talaga sarili mo ah? haha tapos nung umalis kana hindi ko alam peor bigla nalang lumabas sa bibig ko yung ms.surf haha tapos sinigaw ko na ang cute mo kasi ang cute mo talaga ang cute mo mag deny kahit halatang halata na hindi ko alam pero tingin ko na LAFS ako it means Love At First Sight corny man pakinggan pero totoo hmmm sana magkita ulit tayo kasi hindi na ulit kita nakikita eh inaabangan kaya kita kaso wala ka sana mabasa mo tong letter ko at sana pag nagkita ulit tayo malaman ko na yung totoong name mo at makapag getting to know each other tayo =)  -Mr surf 

Hindi ko alam pero kinikilig ako sa letter yung ngiti ko ganito ^____^ alam ko namang akin to eh haha kung dato sinusumpa ko yung gumawa ng surf ngayon hindi na ililibre ko pa yun ng 10 starbucks at 10 box ng JCO Donuts kung gusto niya kahit sa VIKINGS pa eh kasi dahil sa product nila nagkaroon ako ng sarili kong lovestory

"Ija eto na" Tindera 

"Ay sorry po cge po eto bayad" Ako

Pag kakuha ko ng surf nahulog tsk tsk putek tanga tanga ko talaga. Nung kukunin kona may kamay nanaman na pumatong sa kamay ko pagtingin ko

"Hi Ms. Surf" 

*END

Surf (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon