Chapter.o2- Kanino Ba Ako Sasama? Part 1

87 10 3
                                    

Chapter.o2- Kanino Ba Ako Sasama? Part 1

Alam niyo ba yung pakiramdam na kasama mo nga siya iba naman ang nasa isip niya? :’(

Shopping dito shopping doon. Yun lang ang ginawa namin ni Jules sa mall. Sobrang saya nga eh… mmm, well ako lang naman talaga. Kasi kahit alam kong masaya siya, nakikisabay sa tawa at ngiti ko. Di naman ako manhid para hindi yun mapansin.

Ng bandang hapon na ay kumain kami sa Mcdonald. Gutom na kasi siya at gutom na rin ako. Habang kumakain kami ay kwento ako ng kwento para di masyadong silent. Kasi di siya nagsasalita! Napipi na ata tong si Jules.

Pagkatapos naming kumain ay naisipan naming na manood ng sine. At yung pinanood naming ay isang romance.

Sa sobrang tagal ng palabas ay nakatulog na si Jules sa balikat ko. Okay lang kahit medyo mabigat siya at least kasama ko naman siya… keleg lang!

Napatigil ako sa panonood ng biglang magsalita si Jules. Pero sana di na siya nagsalita. Dahil yung sinabi  niya my heart break into pieces and a tears drop on my eye. Not once, not twice, not thrice. Many tears drop on my eye.

Inisandal ko siya sa head rest at kumuha ng papel tapos sinulatan ito.

Umuwi ako, kasi may emergency- Kath

Inilagay ko yung papel sa upuan ko at nilagyan to ng pabigat.

Umalis na ako pero hindi ako sa bahay tumuloy. Kila Kyle ako tumuloy.

Psgkadating ko sa harap ng apartment niya ay kumatok ako ng dalawang beses.

Naghintay ako ng ilang Segundo bago bumukas yung pintuan.

Bumungad sa akin si Kyle na…na…n-na naka t-toples… O ma miya!

Ang hot pala ni Kyle ngayun ko lang napansin. Ghosh! Tapos di b sabi ng tao six packs abs lang ang meron ang tao pero bakit yung kay Kyle eight?

Waaaaaaah! Ang manyak mo Kathlyn! Pinagnanasahan mo ang kaibigan mo!

“Natulala ka diyan?” tanong niya sa akin. Bigla siyang napangisi at bago pa siya magsabi pa ng kung ano ay sinipa ko siya… p-pero nakalimutan ko… nakatwalya lang pala siya… then lumantad ang kanyang tweety bird… may Ghod!

“Waaaaaaah!” sabay kaming napasigaw.

Takep.

Tanggal.

Takep.

Tanggal.

(…A few minutes ago…)

Ang AKWARD pagkatapos nung nangyari kanina. Pareho lang kami nakaupo sa sofa at nakatingin sa kawalan.

Grabeh! Di ko na keribells ang katahimikan! Pero pano ano naman kaya ang sasabihin ko? Haist… bahala na si baklang dinasour aka Barney.

“Kath.” Me.

“Kyle.” Siya.

>///////< sabay pa kaming nagsalita. Taenang to! Namumula ako! Pero why why, de carbao?

“M-mauna ka na.” nakangiting sabi ko.

“P-pasensya na.” hingi nya ng paumanhin.

“D-di mo kasalanan, kasalanan ko yun.”

Sabay kaming napabuntong hininga.

“Kalimutan na lang natin yung nangyari kanina!” taenang yan! Kanina pa kami nagkakasabay?! Ano soulmate ba kami? Gyaaah! Di pede, isa lang ang soulmate ko si Jules!

“Ano palang kailangan mo at pumunta ka rito kahit gabing gabi na? tanong niya sa akin  at tumayo.

“Nagtanong ka pa. Alam mo na naman ang sagot.” Malungkot na sabi ko.

Nalulungkot na naman ako. Kanina lang naiilang ako tapos ngayun malungkot ako. Di ba pwedeng naiilang na lang ako at hindi nalulungkot? Buhay nga naman, buti andito si Kyle.

“Alam mo, di ko alam kung paano ka naging matalino? Nakakapagtaka? Antalino mo sa academics saka sa math pero sa pag-ibig… ang tanga mo. Mas tanga ka pa kesa kay Aldrin.” Ouch lang ah?! Kait hindi pagalit at pasigaw yung pagkasabi niya noon nasaktan ako. Tapos ipinagkumpara pa ako doon kay Aldrin! Sakit sa bangs. Buti wala akong bangs. “…tapos ang manhid mo pa?”

“ha?” nagtatakang tanong ko.

“Wala, sabi ko ang ganda mo sana kaso ang panget mo!” nakangising sabi nito na may pang-aasar.

Langjo tong lalaking to! Sabihan ba naman ako ng panget pero oks lang. pinapangiti naman niya ako.

“Kath may tanong ako.”

“No yun?”

“Kanino ka sasama, sa taong nagpapasakit ng damdamin mo o sa taong nagpapangiti sayo?”

Natahimik ako… di ko alam ang isasagot. Alam ko naman kung sino yung tinutukoy niya di ko alam kung sino yung nagpapasaya na tinutukoy niya. Pero baka siya? Assuming mo Kath!

Assuming ko talaga! Alangan na magkagusto sa akin tong gunggong na to.

Pero di ko alam kung anong isasagot sa tanong niya. Kaya nginitian ko na lang siya. Nakita ko namang napasimangot siya. Alam ko naman na nagagalit siya dahil patuloy ako sa pagiging tanga sa pagibig.

Pero kanino nga ba ako sasama?

---

sorry s amga typo. hope you like it!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ako Na Lang, Pwede?-Short Story (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon