PROLOGUE
--
Nixon Kofi Miller.
Sikat, gwapo, sporty, mayaman, suplado at higit sa lahat matalino. Almost 90% ng girls sa campus namin ay may gusto sa kanya. Perfect na sana eh, kaso pumalpak naman sa ugali! Kung ako tatanungin nyo. Isa lang namang syang masungit, salbahe at masamang tao! Yes, masama! Sa pagkakaalam ko, siya ang leader ng isa sa pinakasikat na gang sa school namin. Gangsters sila na malakas ang kapit sa eskwelahan kaya hindi napapatalsik. Psh!
At samantalang ako naman si..
Sophia Isabelle Strafford.
Isang nobody, lampa, scholar at higit sa lahat, hindi mayaman. Oo hindi kami mahirap pero hindi rin kami kasing yaman nung antipatikong Kape na yun. Namumuhay ako ng tahimik sa loob ng campus nang biglang isang araw ay nalaman kong may boyfriend na pala ako! Oo, nalaman! Jusko. Kahit kailan ay hindi kami nagkasundo non tapos malalaman ko nalang boyfriend ko na sya? Jusme. Ano na lang magiging future namin nitong mapait at basagulerong Kape na 'to?
Never pumasok sa isip ko.
A gangster boyfriend? End of the world na ba?
--
My Gangster Boyfriend.Written by Andreia Cuaton
All rights reserved.
2017©
YOU ARE READING
My Gangster Boyfriend [ON-GOING]
Teen FictionMeet Sophia and Nixon. Ang dalawang TOTAL OPPOSITES at hindi mapagkasundong nilalang sa buong campus ng Heaven University ngunit ano na lamang kaya ang mangyayari kung ang isang NOBODY ay biglaang magkakaroon ng isang sikat na gangster boyfriend. ...