chap. 4 Sol

146 2 1
                                    

aist anu ba tong mga to!

mali-late kami nito sa flag ceremony.

patay kami kay mrs. Babalintanawin

0_____0 aish.......

TING! (bell ringing)

"Let's start the flag ceremony"

hay!buti na lang naka-abot kami kundi patay talaga kami.

"bayang magiliw perlas ng silanganan............."

tapos

"tanging lunsod naming mahal........................"

pasaway din to minsan si AM eh. tumatawa pa. nakikita na nga kami ni mrs. B

tigas ng ulo. nahahawa na ata kay George. afm...

ako po pala si Sol Gellou Mercado.

simpleng mamamayan

kabilang sa mahirap na pamilya

10 kaming magkakapatid.

pang-lima ko.

walang trabaho ang nanay at tatay ko.

palamunin pa ang mga kuya at ate ko.

nagtataka ba kayo bakit ako naka pasok sa isang school kung saan karamihan mayayaman ang nag-aaral????

isa kong honor student nung elementary. sabi ng tatay ko hindi daw muna ko mag-aaral ng highschool. mag trabaho na lang daw ako. tutal sanay naman daw ako sa gawaing bahay.

TT______TT

umiyak ako ng araw na sinabi ni tatay yun sa akin. ayaw ko man, pero ganun din naman talaga mangyayari.

nag layas ako nung gabing yun. hindi ko alam kung bakit ko naisipan yun pero ang alam ko lang... sawa na ko sa buhay mahirap. ayoko din tumigil sa pag-aaral. ayokong lumaking mangmang...

nag lakad at nag lakad ako sa kalye. namalimos. nanguha ng plastic na bote at lumang dyaryo pambili ng makakain ko.

halos isang buwan din akong nagpagala-gala sa kalye..

hanggang sa................

*blag!!!

nahimatay ako sa kalye dahil sa sobrang gutom at uhaw..ang sakit ng tyan ko at pati halos buong katawan ko. hindi ko alam kung anu nagyayari. pero alam ko nasa ospital ako......

hindi ko akalain na ganito mangyayari sa akin..iniisip ko din, wala akong pam bayad dito sa ospital..

habang nakapikit ang mata ko...lumuluha ako... biglang may narinig akong boses.... boses ng babae...

"ate?! ok ka na ba??"

"ma! buhay pa ba siya" tanong niya sa mama niya.

habang sinasabi niya yon umiiyak siya....

binuksan ko mata ko...

nakita ko ang isang babae halos kasing edad ko lang. umiiyak. tinatanong niya sa magulang niya kung ok na ako..

bumangon ako.....

"anak! ok ka na ba?" sabi ng magandang ale.

"o-opo." sagot ko.

binayaran nila yung bill ko sa ospital pagkatapos nila kong bigyan ng malinis na damit....

iyak pa din ng iyak yung babae....

dinala nila ko sa isang kainan...dun ko nalaman na nahimatay ako sa harap mismo ng kotse nila..

laking pasasalamat ko kasi sila ang nakakita saakin..

tinanong nila ko anung pangalan ko....

"Sol po" mahina kong bigkas.

"ako pala si AM! at sila naman ang mama at papa ko :D" naluluha pero naka-ngiting pakilala sa akin ng babae.

ilang araw din akong tumira sa bahay nila, dahil na dinsa gusto akong makasama ni AM..

nung araw na aalis na ko. iyak ng iyak si AM... pero kailangan kong bumalik sa amin baka nag-aalala na si tatay at nanay...

pero bago ako umalis.., may tinanong siya.

"gusto mo bang mag-aral?"

maluha-luha ako sinabi "ah e o-OO naman."

naka-ngiti siya sa akin at may iniabot..

isang certification na libre akong makakapag-aral sa isang private school kung san pati siya dun din mag-aaral... libre lahat pati allowance ko basta daw i-maintain ko lang yung grades ko.

napakasaya ko ng umuwi nun sa amin. pati sila tatay at nanay, tuwang-tuwa..

napaka laki ng utang na loob ko sa pamilya nila AM...

kaya hanggang ngayon tinutulungan ko si AM pag nahihirapan siya sa klase. para pambawi sa kabaitan na pinakita niya.

sa kanya ko na din nakilala sila Curt at George.... ngayon 3 years na kaming magkakaibigan..

ang saya di ba? kahit lagi ko sila pinagbabawalan sa mga kalokohan nila.

VACANT PERIOD: ang sarap ng cake! buti na lang lagi nan dyan si George. hihihi

-----------------------------------------------------------------------------------------------

si Sol

-heeyoung24

A Moment to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon