First day

27 2 3
                                    

*criingg (alarmclock)

"Tsk! Ayaw ko pa bumahon!" di ako excited eh.

May kumakatok, Syempre yun magaling kong kuya.

"Panget! bumahon kana. Isasabay pa ba kita?!" nakakainis talaga siya.

"Oo! Bibilisan ko maligo. Oo nga pala Kuya ano breakfast natin?" gutom nako eh. haha

"Basta! Tignan mo na lang mamaya." tignan mo talaga tong Kuya nato.

"Sige na nga!" ayoko naman makipagaway sakanya dahil siya naman din mananalo.

Maliligo nako baka malate pako first day na first day eh.

--

Tapos nako maligo. Bumaba ako agad, GUTOM NAKO EH. Pumunta na agad ako sa kusina.

"Goodmorning Yaya!" bati ko kay yaya pagkaupo.

"Goodmorning din Danica." bati sakin. Habang pineprepare yun breakfast.

"Yaya asan si Mommy at si Daddy?" tanong ko kay Yaya.

"May meeting daw, Maaga daw kasi yun." lagi naman eh, business first. Feeling ko talaga minsan kulang na kulang ako sa pagmamahal.

"Ah. Yaya ano breakfast?" gutom nako! huehue

"Tamang tama Danica. Egg, Bacon at Orange juice, Yun paborito mo." nakangiting sabi ni yaya.

"Yaya! Alam na alam mo ah." pagkasabi ko nun nilapag na ni yaya yun breakfast sa table.

"Syempre. Paboritong alaga ko eh!" kakatuwa naman si yaya.

Bigla naman sumingit si ASUNGOT.

"Ayan na naman?! E yan din Yaya nun isang araw ah?" epal talaga si kuya.

"Sige Matt sa susunod yun paborito mo naman." selos lang kasi siya. haha

Kumain na kami ni kuya. Tahimik lang kasi ako kapag lumalamon este kumakain pala. Sumakay na kami ni Kuya sa kotse niya.

"Panget excited ka pumasok?" ayoko nga pumasok eh. Siya kase madaming chix.

"Hindi ah. Bakit? Ikaw ba?" nagaalangan ako sumagot.

"Oo eh. Madaming bagong chicks daw." abot langit yun ngiti niya.

"Kuya di ka parin nagbabago, ABNORMAL KA PARIN!" napahinto siya sa pagmamaneho.

"Ah oo nga pala. Hindi kasi normal yun ka gwapuhan ko eh." tas umandar ulit, lagi talga siya may palusot.

Nagpout na lang ako tas tumingin sa bintana.

"Selos naman si Baby girl ko e." sinabi niya yun ng tumatawa.

"Bakit kuya di na ba ko pwede magselos?" pinagsungitan ko si kuya.

"Syempre pwede, Ikaw ang Baby girl namin nila mama." tas ginulo niya yun buhok ko.

"Andito na tayo." sabi ni kuya. Ang lapad ng ngiti, parang wala nang bukas.

Bumaba na kami sa parking lot, as usual madaming nakatingin samin ni kuya. Ikaw ba naman kasi may kapatid na kasali sa BB5 (BAD BOYS 5) Yun kasali dun si Jake Mendoza, Jacob Mendoza, Blake Lopez, Jayshin Pineda, at si Kuya Matt.

Gwapo, Heartthrob, Playboy, Mayaman at Malakas ang Appeal. Yan daw ang katangian ng BB5.

Samantalang ako, si Danica Baltazar A.K.A weirdo at nerd. May brace, makapal ang kilay, buhag-hag yun buhok at may makapal na salamin. Sino ba naman magkakagusto sakin?! Minsan iniisip ko nga ampon ako e, kasi si dad gwapo, si mom naman maganda at si kuya gwapo din. Kapag nga magpipicture kami, parang ALIEN ako e. Ganun!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Perks of being uglyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon