Flashback

15 1 0
                                    

 Eros' POV

" PIDS??????!!!!!! "

" ALEX???????!!!!!!!!!! "

Ayun. Naabutan lang naman namin sila Pids at Alex na magka-patong sa isa't-isa kaya kami sumigaw. Sino ba namang hindi magugulat dun diba?

Gusto niyo bang malaman kung bakit ganyan na lang yung reaction naming tatlo? Ganito kasi yan.

 * flashback *

Alex's POV

" Oh? Tapos na ba mag-linis ng bahay? Bilisan mo na! Dadating na sila." ate Marceline

" Uhh? Excuse me. Last time i checked, kapatid mo ko. Hindi maid mo. Tsaka hello! Ano pa bang lilinisin dyan? Eh araw-araw namang nililinis ng mga maids natin tong bahay. Pwede ba, imbes na magdada-dakdak ka dyan ihanda mo na lang yung kakainin nila mamaya. "

" K. " tapos nagme-make face sya -_-'' 

Ka-imbyerna talaga tong ate ko -___________________- Minsan tuloy naiisip ko na lang na kahit mas nauna siyang pinanganak, mas nauna pa din yung utak ko lumabas eh. So eto nga, di kami magkanda-ugaga na magpabalik-balik sa sala at sa studio namin dito sa bahay. Pano ba naman, ininvite ni Ate yung mga ka-banda niya.

ding dong *

" Oh ayan na sila. Ayos mukha. " sabay punta sa gate at pinag-buksan ang mga bwisita. Ay este! mga bisita :)

" Eh di mo naman sinabi na malaki pala bahay mo, sana man lang nag-donate ka man lang samin. " sabi ng isa sa mga ka-banda ni ate.

" Ah, Lex, si Mack. Boyfriend ko. Tapos sila yung mga kabanda ko nga pala. Si Lloyd, Joms, Joel, Benedict, Jobert tsaka si Pids. " isa-isa nila akong kinamayan hanggang dun da pinaka-huling lalaki na pinakilala sakin ni ate.

" Guys, si Alex. Kapatid ko. Tara! Dun tayo sa studio. " yaya niya.

So ayun, lahat sila nasa studio na habang ako dito naka-nganga lang. Ang saya diba? :3

Maya-maya tumunog yung walkie-talkie namin ni ate. Yung parang mga wireless phone na ginagamit para direkta mo nang maka-usap yung kakausapin mo? Yeah. That one :D So sinagot ko.

" Oh? Baket? " -ako.

" Lex, paakyat naman ng mga foods dito sa studio. Salamat! " tapos in-off na agad niya yung walkie-talkie nya. Daya -.-

O-kay. walong baso at dalawang braso lang ang humahawak. Goodluck sakin.

" Ahhhhh! Ang lamig >,<! "

" Ay! Sorry, sorry! Sorry talaga. "

Paakyat na sana ako ng hagdan ng bigla kong makasalubong yung isa sa mga kabanda ni ate. Si Pids ba yun? Ewan ko. Napalakas yung pagkaka-bungguan namin kaya sakin tumapon lahat ng malalamig na juices. Arrrrrghhhhh! -______________- Basang-basa tuloy 'tong damit ko. Tsk.

" Nakoooooo. Sorry talaga. Sorry. " tapos pinupunasan niya yung braso ko na basang-basa ng juice.

" Ok lang. Hindi din kasi ako tumitingin sa daan eh. Sorry den. " nakita ko na may ilang nabasag na baso kaya pinulot ko yung mga basag na piraso. Malas daw kasi yung nagtatagal ang mga basag na bagay sa loob ng bahay.

" Ahhh! >,< "

At kung minamalas ka nga naman -________________- Ugh! Nahiwa ako sa mga bubog na pinupulot ko.

" Oh? Anyare sayo? " -Pids

" Uh, nadapa -____________- Syempre nasugatan. Tsk! " sabi ko.

" Ayan. Pinipilit mo kasi na pulutin yung mga bagay na hindi na naman dapat pulutin. " tapos hinila niya ko sa may counter namin sa kitchen. Nilabas niya yung panyo niya tapos pinunas-punasan niya yung sugat ko. " Sa susunod kasi wag kang gumawa ng mga bagay na alam mong ikasu-sugat mo lang din naman. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eto Yun Eh! =)))Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon