The Seatmate (One-Shot)

345 9 3
                                    

Putek! Ang bagal ng bust na 'to?! Bus ba 'to o pedicab? Kaloka, late na ako. Siguradong super haba na ng pila sa students alley.

Napapikit na lang ako sa sobrang inis.. Para bang may prusisyon sa daan.

Naramdaman kong may tumabi sakin at kasabay 'non ang konduktor.

Iminulat ko ang aking mga mata at bumaling kay Manong Kundoktor pero...

Uwaaaaah! Parang may artista sa tabi ko. Hindi kaagad ako nakasagot kay Manong dahil nakaka...nakaka..

Waaaaaaaaah!!! Ang gwapo naman nitong katabo ko.!

"Miss saan po kayo?"

Tanong ni Manong.

Tumingin ako kay pogi at saka ngumiti ng ubod tamis.

"Uhm..Hihi. Jan lang po.."

Tumingin ulit ako sa kanya at nginitian ito.

Ngumiti din siya. Haaay, Pwede na akong mamatay! Hahaha

"Miss saan doon?"

Tanong ulit ni Manong, napakamot pa 'to.

"Aaah. Sa SCU po."

Ngiti ulit kay pogi.

Tinanong rin ni Manong si Gwapo.

Pero hindi ko narinig 'yong sagot niya dahil maingay 'yong ambulansya.

HMP!

Magtatanong sana ako sa lalaking katabi ko nang ipikit na nito ang mga mata.

Ay! Sayang naman..

Hanggang sa babaan na ay hindi na ako nabigyan  ng pagkakataong malaman kahit pangalan lang.

Pero keri lang, pareho kami ng destination. Hehe. Estudyante din siya ng SCU. I love it! Ihuhunt ko siya.

The Seatmate (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon