Diary ng Tamad
by: BlackSkullKid
inspired by @JSedrano
fanfic ng Diary ng Maganda. Tamad nga lang ito. XD
--
Uso ba sa mga tamad ang Diary?
Hindi ba sila tinatamad gumawa? lalo na't puro kwento at sulat d'on?
Parang ayoko gumawa. Nakakatamad. Tutulugan ko na lang, atleast productive para sakin. Makakapagpahinga ako eh!
Pero, matry nga! Wala ako makausap eh. Medyo sinisipag din ako ngayon magsulat.
Teka, hanapin ko muna ung lumang notebook ko. Binigyan ako dati ng isang journal ng kaibigan ko, kaso sa katamaran, itinago ko lang ito. ang husay ko talagang bata.
Diary,
Ano ba ikwe-kwento ko sa'yo? Nakakamatad na tumunganga, ano bang magandang gawin na hindi nakakapagod?
Nga pala, pinansin ako ni crush. Nakita niya akong tulog sa klase at sa school na gumawa ng homework. Sinabihan akong tamad nung mokong. So? Atleast hindi pagod sa bahay. Buti nga hindi ako nanbubully eh. Nakakapagod kumausap sa mga taong walang magawa sa buhay kung hindi mantrip.
Oh ayan, may entry na ako. Okay na ito. Nakakapagod magsulat. Kapag sinipag ulit ako bukas, maglalagay ulit ako ng bagong entry.
K. Bye.
-Madz
P.S. Porket Madz ung nickname ko, shortcut na agad ng Tamad? hindi ba pwedeng Madison ang name ko? K. Bye ulit.
P.P.S. Walang tamad na hindi productive. Bakit kamo? Nagagawa nilang matulog maghapon. Ikaw ba? magagawa mo iyon? K. Bye na talaga.
--
HAHAHA! Walang magawa amputek. XD ang pangit. muntanga.
So, porket Madz din ang name niya, Madison din ang name ko. magkaiba kami ng pangalan. Haha! Please, dahil sa tamad ako, wag kayo mag-expect ng mabilisang UD. Pagong ang storyang ito. XD
next time ko na lang gagawan ng book cover, tinatamad pa ako. :3
BINABASA MO ANG
Diary ng Tamad (Certified Tamad!)
FanfictionSa diary na ito, dito mo mababasa ang mga kalokohan ng isang tamad. Kung gaano sila katamad, hindi lang sa bahay kung hindi pati sa pag-aaral. Sa tingin mo, masisira din ba ang tiwala ng mga magulang, kaibigan at ang kaisa-isang tao na nagtitiwala n...