Chapter 3

2 0 0
                                    

Beach

Hapon na nung time na makadating ako 'don. Naupo lang ako sa buhangin at pinanood ang sun set. Umiiyak ako nung una pero tumahan din ako.

*Phone Rings...*
(Jay is calling...)

"Hello?"

"Oy asan ka nanaman? Nakita kitang umalis ng nakamotor, at motor ko yung gamit mo." Napalingon agad ako sa motor na sinakyan ko. Shit, sa kanya nga, wala nga pala akong dalang motor, kotse pala yung dala ko.

"Ayts. Sorry..."

"Asan ka?" Seryoso ang tono ng boses nya. Isa lang ibigsabihin 'non. Alam na nya... Noong time na 'yon nagpapasalamat ako dahil anjan si Jay na kilala ako, hindi ko na kailangan magsalita at magkwento.

"Beach, Quezon..." Mahina kong sagot. 1, 2, 3.

"WHAT?!!!!" Ang lakas ng sigaw nya sa kabilang linya, at ansakit sa tenga.

"Keep it down Jay!!!!"

"ANDRE JESSICA CLAIN GOMEZ!!!!!! Tama na pagdadrama! Turn on your phone's location!! Jan ka lang, Pupuntahan kita. Wag kang gagalaw jan!!!!!"

"Uuwi nalang ak---"

"I SAID Jan ka lang!!! DO NOT MOVE, Miss!!!!" oh diba bastos kausap? Hindi man lang ako pinatapos.

"Sir, Yes Sir!!!!" At binaba na nya ang phone. Tsk. I'm so dead.

Pagabi na kaya naman bumili muna ako ng pagkain habang hinihintay ko sya. Nakaupo lang ako sa isang bakanteng cottage. Walang bayad to syempre. Entrance lang naman binayaran ko, wala naman akong bag na dala, nasa locker ko lahat ng gamit ko. Phone, wallet, earphones at yung susi lang ni Jay ang dala ko.

Oo nga pala, sya yung best friend ko na body guard ko na din. Model sya ng isang men's magazine, gumaganap na din sya sa mga movies na pinoproduce ng bansa natin. Take note, lahat ng movies na pinagbidahan nya laging ang taas ng ratings at karamihan nakakaabot pa internationally.

Going back to my reminiscence, tinitingnan ko yung album ng mga pictures namin ni John.
Habang tinitingnan ko ang mga 'yon masakit yung dibdib ko.
"Am I not enough? John, hindi pa ba ko sapat? May nagawa ba 'kong mali? Hindi naman ako nawalan ng time sayo ah? Kulang pa ba? Bakit mo ko iniwan?"

"Pag ikaw sinagot nyang picture na yan, ewan ko lang sayo kung hindi ka tumakbo palayo."
Nagulat ako sa biglang nagsalita sa likod. Paglingon ko nakita ko ang madilim na mukha ni Jay.
Napansin nyang tumulo ang luha ko, kaya ngumiti sya.

"Gusto mo malaman yung sagot?" Tanong nya sabay umupo sa tabi ko. Hinawi nya ang mga buhok na nakatakip sa muka ko. At iniharap ako sa kanya..

"Kasi hindi nya deserve ang isang Jessie San Jose." Nakangiti nyang sagot sa akin.

"Ngayon tigilan mo na ang pagdadrama jan. Tara na, maaga ka pa bukas at may taping pa ko mamayang 3am." Kaya ayokong nakikita nya kong umiiyak eh. Lagi nalang nya kong sinasabihan na nagdadrama. Tsk. Panira na nga ng moment, hindi pa marunong mag-comfort.

Nakasimangot akong inabot ang kamay nya habang tinutulungan nya 'kong tumayo.

"Where's my Bike?" Tanong nito. Tinuro ko naman sa kanya ang kinaroroonan ng motor nya.

"Woah, are you okay?"

"Well, Actually---" Sasagutin ko na sana ang tanong nya pero narealize ko na hindi pala tao ang tinatanong nya. In a second, nakita ko syang tumatakbo papunta sa motor nya. Tsk. tingnan mo tong taong to, buti pa pag motor nayayakap nya.

Kinuha nya ang susi ng motor nya at kinarga ito sa likod ng kotse na dala nya.
Mahilig yan sa kotse at mga motor, halata naman diba? Kaya kahit dagitin ko yung motor nya, may masasakyan padin sya.
Sa kanya nga galing yung motor ko eh, niregalo nya nung 16th birthday ko. Yes, we're 17 now. Bata pa para sa lisensya. Pero nagawan ng paraan 'yon ng company namin. Special exam para sa mga minors. Tama ba yung term ko? Oh well..

Maybe This TimeWhere stories live. Discover now