Sorry kung hindi maayos yung spacing. ^^V
Please Say, Yes!
Chapter 1
Ella's POV
"Ella,si Troy yun diba?"
Tinignan ko yung direksyong tinuturo nya and Chloe's right. Nasa loob si Troy ng isang sikat na jewelry store na katapat nitong restaurant kung nasaan kami ngayon.
Omygahd, he's holding a ring! A goddamn ring!
"Don't tell me, he'll propose na?" Charlie said. Mas excited pa ang luka kase sa'kin.
"Ayieeee!Si Ella magpapakasal na!" Panunura ni Chloe na akala mo may microphone sa lalamunan kung makasigaw.
Natigil lang sila sa panunukso ng magring ang phone ko.
"Ella speaking." i said not minding kung sino ang nasa kabilang linya. Matama ko pa ring tinitingnan ang boyfriend ko sa loob ng store. Kumunot ang noo ko ng inilapag niya ang singsing. Hindi niya bibilhin? Baka naman hindi maganda ang design.
"Hi babe, are you busy?" Troy! Sumandal siya sa pader na malapit lang din sakin. Good thing, di pa niya ako nakikita. I don't wanna ruin his plan. His proposal.
"Nope. Why? Magdedate ba tayo?" panloloko ko. Yeah, it's only a joke because Troy doesn't like the idea of dating. Ewan ko ba rito, minsan nga iniisip ko na hindi naman talaga kami at magkaibigan lang.
"Uhhhh.. Kind of.. Can you meet me at the park?"
"Oh.. Yeah.. Of course!" masaya kong sinabi. Nakita kong ibaba na niya dapat ang phone niya kaya agad akong nagsalita.
"Hindi mo manlang ba ko susunduin?" nakakainis na wala siyang balak na gawin iyon pero mas lalong nakakasura ang makita kong may biglang kumapit sa braso niya.
"Sorry babe pero may gagawin pa ako." He answered and I quickly pressed the end button. What will you do huh? And who's that girl? Hindi siya pamilyar sa'kin. Malaman ko lang na niloloko mo kong Troy ka!
Palabas na sila ng mall at ang sarap lang sabunutan at ingudngod nung babaeng nakakapit na parang linta sa braso ng boyfriend ko. BOYFRIEND KO!
Pero dahil sa sinabi naman ni Troy na magddate kami ay papalampasin ko muna 'to. Malay ko ba naman diba? Baka pinsan lang niya yon. Go Ella. Push!
"What happened?"usisa ni Charlie na abot tenga ang ngiti.
Umupo ako sa katabing upuan ni Chloe at nagsimulang kumain.
"The question here is what will happen." Chloe said as if may iba siyang naiisip. Ako rin ay may ibang naiisip. May kutob akong may masamang mangyayari.
"Wala. Magdedate daw kami." sabi ko habang sumubo ulit ng pastang inorder ko. Hindi ko makuhang maging masaya kahit pa may 'date' kaming dalawa. Mamaya ako ang kadate, e yung kanina ano?
"Omygod, he asked you on a date?!" may pagkaOA talaga minsan ang magkapatid na to.
"So what are you waiting for? Alis na!" sabi ni Chloe habang si Charlie naman ay itinutulak ako. Gahd. Are you two blind? I'm eating!
"Teka nga teka, hindi pa ko tapos kumain." sabi ko habang itinuturo ang pagkain. Nagkatinginan naman silang dalawa na parang nag uusap sila gamit ang mata.
"Haynako Ella,para namang hindi kayo kakain mamaya. Sige na,umalis ka na. Sa'min nalang ang pagkain mo. Mamaya mapadami ka pa ng kain,pano nalang kung magka diarrhea ka edi nasira pa ang date nyo?" litanya ni Chloe habang hawak ang knife niya at parang nagco conduct.
BINABASA MO ANG
Please say,Yes!
HumorLove? Sabi ng matatanda, mahalaga raw ang salitang 'yan sa lahat ng relasyon.Sabi nila nagmamahalan daw ang dalawang taong nagpapakasal. Well, ang sabi ko naman, pera ang kailangan para magkaroon ng karelasyon.Sa makabagong panahon ngayon hindi...