One Shot

121 2 0
                                    

"2nd semester na ! Yes naman. Hayyyyy. Sana ganahan akong mag-aral. Goodluck!" sabi ko sa sarili ko.

Habang papasok ako sa university, medyo kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may maling mangyayari eh.

--Sa classroom--

"Ok class, since this is not your first meeting, I mean, kayo din naman ang magkakaklase nung 1st sem, kilala niyo na ang isa't-isa, kung sino ang mga responsible sa klaseng ito,  I think, it's time to have our nominations to elect new set of officers for this semester. Ok. Let's start in President's position. Who wants to nominate ?" sabi ng prof namin.

Hayy nako ! Kahit sino basta responsible. (Wag lang ako)

"Ma'am ! Si Anna po !" sigaw ni classmate.

"Whaaaaaat ?! Nooooooooo !" sabi ko naman.

"Bakit Anna ? May problema ka ?"

"Ah, wala naman po ma'am."

"Nominations palang to, wag kang eksaherada dyan na parang ikaw na ang president ng klaseng ito."

"Ma'am naman eh" :3

Hayyyyyy ! Ewan. Pag nagkaroon ka nga naman ng prof na ganitong klase ang ugali. Ay konti nalang babarahin ko nadin to. Hmmmmmmmmmmp !

"Other nominies ?"

"Ma'am wala na po. Si Anna nalang." sabat pa ng isa kong kaklase. Meet Raphael. Isa sa mga barkada ko.

"Okay Anna, may karapatan ka ng mag-inarte dyan. Now na !"

"Lakas ng sapak niyo ma'am eh no ?" pabiro ko nalang na sinabi.

Hayyyyyyyy buhay ! Parang life. hmmmmmmf. Pag napag-tripan ka nga naman ng mga kaklase mo, wala ka ng magagawa kundi tanggapin nalang ng buong puso at gawin ang lahat ng makakaya mo. Dahil no choice ka na. Isa pa, may advantage naman ako kahit papano sa pagiging president no. Mako-control ko ang mga kaklase ko ! Wahahaha !

Sa loob ng 3 months na pagiging presidente ko sa klase na to, minsan may mga na-e-encounter na problema, pero part yun ng pagiging class officer. Papagalitan yung klase niyo dahil sa mga kapalpakan, as president, syempre, ako ang unang apektado dun. Tuwing may mangyayaring ganun, feeling ko, hindi ko nagagampanan ng maayos ang position ko. Kasi ang pananaw ko, wala namang mangyayaring ganun kung ginagawa ko ng maayos di ba? Pero sabi nga ng mga kaibigan ko, part yun ng buhay. Ang pumalpak. Kung saan tayo nagkamali, dun tayo babangon. Babangon in a sense na iiwasan na nating mangyari yun para hindi na maulit pa. And sa bawat palpak na nagagawa natin, dun tayo mas natututo. Mas nagiging matatag!

"Anna!" tinawag ako ni Jim.

Meet Jim! Isa sa mga kaibigan ko. Masaya siyang kasama. Andaming jokes. Minsan pa nga, hindi ka na matatawa sa jokes niya, kundi mismo sa tawa niya! Ang kulit kasi eh. Isa din siya sa may mga mabubuting puso sa mga kaibigan ko. Kahit na medyo pasaway, maaasahan din naman siya. (Kahit papano. HAHAHA)

"Bakit ?" tanong ko.

"Pinapatawag ka ni ma'am."

"Ha ? Bakit daw ?"

"Hindi ko din alam eh. Wala namang sinabi."

"Okay. Sige, thankyou."

--Sa faculty--

"Good Morning po ma'am. Pinapatawag niyo daw po ako."

"Ah yes Anna. Ipa-photocopy mo to, tapos pa-pirmahan mo sa mga professors niyo para sa araw ng Wednesday. Kasi may seminar kayo sa Wednesday. Para lang ipaalam na hindi kayo makakapasok sa klase niya. Then, Ipa-photocopy mo ulit para sa buong klase."

Akin ka nalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon