1. Meet Me

41 0 0
                                    

Meet Me

"KATRINE! HALOS ALAS-SYETE NA HINDI KA PA RIN GISING! THIRD DAY MO PA LANG SA PAGIGING SENIOR, BAKA MABAHIRAN NG BAD RECORD ANG PANGALAN MO SA SCHOOL!!!"

Saktong dampot ng alarm clock ko at naibato sa may pintuan. Oo, third day pa lang ng pagiging senior ko sa highschool pero tinatamad na ako agad pumasok sa school. First week means wala naman masyadong ginagawa, ganun naman kasi lagi sa school namin pag unang linggo pa lang.

"KATRINE! ANO BA!" Sigaw ulit ni mama. Jusko, hindi na ako magtataka kapag may isang kapitbahay namin ang magreklamo sa barangay tungkol sa boses manok kong nanay.

"I'm up! I'm up!" Nung narinig kong naghahanda na si mama ng breakfast, humiga ulit ako sa higaan ko. I ruffled my hair in irritation dahil gusto ko pa matulog ng mahaba.

Out of nowhere, naramdaman kong may vibration sa ilalim ng unan ko. I reached for it at nakitang tumatawag ang long-time bestfriend ko.

"Bakit?" Una kong sagot sa kanya.

"Bumangon ka na diyan, bruha! Wag mo ko paghintayin dito sa baba, baka sunugin ko yang kwarto mo para lumabas ka." Halata ang pang-asar na tono sa boses nya. Hayyy naman talaga.

"Sino ba kasi may sabi na daanan mo ako dito sa bahay? Wag mo akong sisihin kapag na-late tayo sa klase ah." Without waiting for her response, I hung up the call and stood up to fix my bed.

Dumiretso kaagad ako sa banyo ko at ginawa na ang mga daily routines ko. Hindi ko na naman kelangan sabihin iyon dahil ginagawa din naman ito ng kahit sino.

Tama ba?

Anyway, ako nga pala si Katrine May Olifermo, just turned 17 last May 24. Senior na ako sa highschool, at excited pumasok ng college after. Hindi pa naman decided kung anong course ang kukunin ko, basta may mahanap akong disenteng trabaho after.

After a good 10 minutes ng ligo, lumabas na ako ng kwarto ko at nagpalit ng uniform. Huling tingin sa salamin, grabbed my phone and backpack, at iniwan na ang kwarto ko.

I went downstairs only to see my bestfriend waiting by the dining area. I looked around and found the house empty, "Alliana, asan si mama?"

"Umalis na si tita. Tinanong nga ako kung kelangan ko ng ride, eh sa tagal mo ba naman... Tsk." She rolled her eyes on me as I preceed on my seat. I offered her some waffles, nung una ayaw pa nya, maya-maya naman, dampot din at kain.

"Baka naman mabulunan ka nyan. I swear, hindi kita bibigyan ng tubig at baka ideretso na kita sa morge." Alliana gave me a glare, and I just looked away after that.

Seriously, ganito kami mag lambingan ni Alliana. Bestfriend ko sya since grade 4 at never nyo kaming mahihiwalay. We're like a gum nga daw eh. Pag nagaasaran kami, she may be worst or harsh when it comes to her jokes, but deep inside that girl is a very warm and loving person.

"Napagod ako kakahintay sayo noh. Yung kinain ko nung alas-singko, na-digest na lahat, kulang na lang ilabas ko na." Binato ko sya ng kutsarita dahil sa sinabi nya, bastusan talaga tong bruha na ito kahit kelan. Tinawanan nya lang ako sa ginawa ko at uminom ng juice nya.

"Bastusan sa umaga ah. Nice." I said, sarcastically. She hollered at my comment, almost falling off the high chair in our breakfast table. I raised my eyebrow at her, a signal of a questioning look.

"You should have seen your face, Katrine! Hahaha! Epic talaga, bagay yung masungit look mo!" Tumawa nanaman ng malakas si Alliana. Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ko at binuksan yung camera, I changed it into its front camera at nakita ang pinagtatawanan nya sa mukha ko.

Shut up, Jerk!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon