Dear Bespren - 1

7.7K 113 139
                                    

Alam mo na ba?

Saan ko nga ba ‘to sisimulan?

Teka, bespren! Thank you nga pala sa lahat ng kabutihang ipinakita mo sa’kin. Thank you kasi di mo ako iniwan sa kabila ng lahat.

Tikis mo ba talagang intindihin ako? Kasi ako na siguro yung taong nakikila mong masungit at suplado. Basta yun, yung ugali ko kasi. Gayunman, nagtagal pa rin tayo bilang magbespren. Marahil karamay na kasi natin ang isa’t isa sa lahat ng kabaliwhan at katangahan sa mundo.

Natawa nga ako nung nakwento mo sa’kin na akala mo boyfriend ako ng matalik mong kaibigan, kasi nakita mo kaming magkasamang kumain nun. Kasabay lang kumain? Magkasintahan na agad? Ganun ba yun? Yun na nga, naging familiar yung mukha ko sa’yo, kaya finollow mo na rin ako sa Twitter. At nang tumagal, ikaw na rin yung palaging kong nakaka-text. Kung alam mo lang na ayaw ko ng mag-reply sa iba, sulit pa rin kasi kapag ikaw yung nakakausap ko hanggang sa hating-gabi eh. Tsaka nga pala, sabi din kasi nung kaibigan mo, may ipapakilala siya sa’kin at tsak magugustuhan ko raw. Nang kalaunan, nalaman ko na lang ikaw pala yun. Isn’t amazing? Isn’t it surprising? Isn’t it? Naunahan natin siya bespren. Tadhana na ang nagsabi oh!

We shared a lot of things na mas lalong nagpalapit sa ating dalawa. Tapos nalaman ko na lang na gusto mong magkaroon ng lalaking bespren. Kaya naging tayo na! Este naging magbespren na tayo. Ayun! Medyo awkward pa nga nung una. Natatakot ka kasing baka may makakita sa’yo na may kasamang lalaki, baka isumbong ka pa. Nasaktan ako dun ha, pero di mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya nang nawala na lahat ng pangamba mo, madalas na tayong nagkikita simula nun. Nagagalak nga ang puso ko nung tuluyan ka nang nagtiwala sa’kin. Akalain mo, ako pa yung unang lalaking nakasama mong manood ng sine. Di ako mahilig manood ha, pero dahil sa’yo naubos tuloy yung allowance ko. Ayy hindi! Ang ibig kong sabihin, nakahiligan ko na ring manood ng pelikulang Pinoy, yan kasi ang trip mong panoorin. At mas gugustuhin ko pang ikaw ang aking makatabi kaysa naman maging loner pa ako. Klaro na ba? Baka kasi, uupakan mo pa ako ‘pag nagkita tayo dahil dito sa nabasa mo.

Nang okay na ang lahat, di ko lang mawari kung ba’t bigla ka na lang humingi sa’kin ng time and space? Oo, aminado ako sa’yo. I was starting to like you from the very first moment that you made me smile. Ako kasi yung klase ng lalaking natotorpe lang saglit pero pagkatapos dun, aaminin ko ring may gusto ako sa isang tao. Opposites attract, yan ang sabi nila. Yan din ang sabi ng damdamin ko. Pero siguro, nabigla ka lang nun at gusto mong lumayo na muna.

Akala ko tuluyan na akong mawawalan ng bespren eh, nalungkot ako, nalugmok sa pag-iyak at nakatanga sa ilalim ng shower. Ang OA nun, pero bespren, naayos din naman natin ang lahat. Hihingi-hingi ka ng time and space, pero nang tanungin ulit kita sa personal kung gusto mo ba talaga, eh bigla na lang nag-shake to left, shake to right yang ulo mo. Ang cute mo talaga ha. Napakurot tuloy ako sa pisngi mo.

Wag mo na kasing ipagkaila, nahuhulog na rin yang loob mo sa macho gwapitong tulad ko. Hahaha! Alam ko yan, kasi nasa akin na yung puso mo at ako na ang nagpapatibok nito para sa’yo. Nandito lang ako bespren, naghihintay sa’yo.

Alam mo na ba?

Nung una kasi, akala ko wala lang ‘tong nararamdaman ko. Pero hindi eh, habang tumatagal lalong sumasarap. Hahaha! Pinapatawa lang kita. Hangad ko kasing maipinta lagi ang matatamis mong mga ngiti sa’yong mukha. Basta yun na yun! You’re making each day a brand new day. At yung pagkagising na pagkagising ko ay nababasa ko na ang mga sweet messages mong lalong nagpapasigla ng umaga ko. Di ko talaga inakalang magkakagusto ako sa’yo ng tuluyan.

Kung mapapansin mo rin, palagi kitang iniinis, gusto ko lang kasing magsusungit ka sa’kin eh. Para tapos dun, lalambingin mo ako. Paraparaan lang yan bespren.

Buti nga pala di mo ako sinungitan. Tinawagan kasi kita ng alas dos ng madaling-araw. Ang kulit ko talaga noh? Ang sarap pang matulog tapos may biglang tatawag sa’yo at ipapa-selfie ka lang pala, tapos ipapa-send pa ang pictures mo. Buti na lang din may atraso ka sa’kin nun. Sa uulitin bespren. Gusto ko kasing makita kang walang suklay at hilamos. Pasensya na ha. Eh, sa gustong-gusto ko talaga.

Di ko maipapangako sa’yong hinding-hindi kita sasaktan. Di kasi natin maiiwasan yan, dahil kahit sa anong bagay man pwedeng masaktan ang tao. Ngunit gagawin ko ang lahat para di ka magsawang lambingin at kulitin ako. Di ko kasi kayang mawala ka.

Alam mo na ba?

Alam mo na bang di ako mapakali sa tuwing di kita nakikita kahit isang oras lang sa isang araw? Alam mo na bang ikaw yung babaeng gusto kong makasama? Alam mo na ba yun?

Alam mo na rin bang palagi kitang namimiss? Yung mga yakap mong napakahigpit? Yung sa tuwing didikit ang mga labi ko sa’yong noo ‘pag nagpapalaam na ako? Alam mo na bang kahit ilang kilometro pang lalakarin ko wala akong pakialam, makita ka lang?

Wag na wag ka sanang mag-alala. Maging tayo man balang-araw, di ko pa rin hahayaang mawala ang ating pagiging bespren. GIRL BEST FRIEND, would you be my BEST GIRL FRIEND?

Siguro naman alam mo na ngayon. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.

____________________________________________________________

A/N: Author's personal message to his girl bestfriend. :)

Dear BesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon