Dear Bespren - 2

523 25 8
                                    

Marami ang nagsasabing hindi raw pwede sa isang relasyon ang magbespren. Dahil hanggang magkaibigan lang talaga sila. Pero mali sila dun! Pwede naman eh, hangga't sa nagmamahalan ang dalawang tao, walang sino mang makakapagsabi sa kung saan lang ang kaya ng tibok ng puso.

Hindi ko nga rin alam kung kailan nagsimula ang lahat ng nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko, minamahal kita at mamahalin ko pa. Hindi naman talaga minamadali ang love. Kasi kapag pinipilit ito, nawawalan lang ng halaga.

Alam ko ring hindi ako yung ideal guy mo. Hindi kasi ako marunong magplay ng instruments, ni gitara lang, sablay lagi ang mga daliri ko. Lalo na sa pagkanta, sobrang sintunado. Pero gagawin ko ang lahat, makantahan ka lang. Hindi kasi natin naa-achieve yang ideal person na hinahanap natin dahil nga walang perpektong tao sa mundo.

You came into my life to fill the gaps of my fingers. Habambuhay tayong maglalakbay sa lungkot at ligaya. At kahit pa anong mangyari: kung malulusaw man ng sakit ang puso, kung luha na lang ang makikita sa mga mata, kung ang tiyak ay may pag-aalinlangan na, kung wala na ang tiwala na mahahawakan pa kita, kung sa panahong namamanhid na ang aking mga kamay, sana naman hahawakan mo rin ako kahit panandalian lang. Yung motto nga natin di ba, "Away lang, walang hiwalayan".

Pero bespren bago ako magdadrama. Nais ko lang sabihin sa'yo ang mga katagang namumutawi sa aking mga labi, este masyadong makata na yata ako. Wika nga, "At a touch of love, everyone becomes a poet" kaya pasensya ka na, ikaw kasi eh, mahal na mahal kita. Anyway, gusto ko lang sabihin sa'yo na salamat. Salamat kasi hindi mo ako iniwan kahit na sobrang mainitin talaga ang ulo ko. Manliligaw pa lang, pero sobra nang seloso, ikaw kasi, binigyan mo ako ng right para magselos, kaya anyare? Hindi ako papaawat.

Di ko talaga malimutan yung time na sinabi ko sa'yo na gusto kong may picture na rin tayo na tayo lang dalawa. Matagal ko nang gusto magkaroon nun eh. Kaya ayun, naging vain na tuloy tayo. Marami na tayong memories together, at dadami pa yan dahil makakaasa kang hindi kita iiwan. Papatunayan ko yan.

Tinanong nga ako ng kaibigan ko kung kailan daw ako nagsmulang manligaw, tapos yun! Matagal-tagal na rin pala akong naghintay na marinig ang matamis mong "Oo". Buti na lang hindi mo na pinaabot ng isang taon. Mahal kasi kita. Kaya kahit makailang ulit mo na rin akong nareject dahil sa pangungulit ko, hindi ako sumuko. Naghintay ako. Nareject. Nasaktan. Naghintay ulit. At sa ilang beses na nareject mo ako at nasaktan, mas lalo kitang minahal. Nasabi ko nga sa sarili kong seryoso talaga ako sa'yo, kasi nga nasa tabi mo pa rin ako sa kabali ng lahat.

Thank you for making me happy. At kahit na tayo na, hindi pa rin dapat mawala ang pagiging magbespren natin. Pasigaw nga ulit, "SA WAKAAAS! KAMIII NAAA!".

GIRL BEST FRIEND, sa wakas! BEST GIRL FRIEND na kita. 

____________________________________________________________

A/N: Author's personal message to his girl bestfriend na best girlfriend na. :)

Dear BesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon