FALL TWO: Dokidoki feelings
“Oh my... Art may virus 'yung desktop mo!” sigaw ni Ericka, siya kasi 'yung unang nagbukas. Makikifacebook lang daw saglit. Nagmamadaling lumapit si Art kay Ericka.
“What!? Ano ba'ng ginawa mo?” Okay hindi siya galit, more on worried.
“I just open it, wala pa nga akong pinipindot, e. I'm sorry,” malungkot na sabi ni Ericka.
“Okay lang,” huminga siya nang malalim at saka tumingin sa akin. “Sharmaine okay lang if sa laptop na tayo gumawa? Magsalitan na lang tayo,” suggestion niya. Tumango na lang ako. Wala namang ibang choice, e. “Ericka, don't worry hindi ako galit. I'll bring that na lang bukas sa Apple store,” sabi niya at saka ngumiti.
“Ako na lang, it's my fault naman, e. I'll just pick it up tomorrow morning,” malungkot pa rin na sabi niya.
Nasabi ko bang bigtime 'tong mga kaibigan ko? Hindi ba? Sorry.
“You sure?” tanong ni Art. Tumango si Ericka, tapos nung pumasok si Art sa kwarto niya para kuhanin 'yung laptop niya may hinugot si Ericka sa desktop ni Art. Hindi ko lang nakita kung ano. Nag-apir sila ni Xel.
“It always come in handy,” nakangising sabi niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti, 'yung guilty face niya kanina nawala. I'm sure may plano or ginawa 'tong dalawa.
Tinignan ko siya nang masama. “Ano'ng ginawa mo? You put virus on it?” taas kilay na tanong ko.
Umiling siya. “I can't do that.” Tinignan ko siya nang tingin na nagdududa. Hindi man computer related ang course ni Ericka pero I know marami siyang alam when it comes to it. “Promise,” sabi niya sabay taas pa ng kanang kamay.
Magsasalita pa sana ako pero biglang bumalik na si Art.
“You can use it first. Mag-order lang ako ng food natin,” sabi at binaba na niya 'yung laptop sa center table. “Xel, veggies?” Napatingin ako kay Xel. Nakangiti siya tapos tumango. Teka ganun sila ka-close? At alam ni Art na veggies lag ang kinakain niya? Pag kaalis ni Art napansin ni Xel na nakatingin ako sa kanya.
“What?” tanong niya sa akin.“Gaano kayo ka-close?” kunot-noong tanong ko.
“We're cousins kaya medyo super close kami,” nakangiting sagot niya.
"WHAT?!” gulat na tanong ko, “Seryoso?! Bakit hindi mo kagad sinabi sa akin?!”“You didn’t ask,” sagot niya sabay kibit-balikat. “Hey, Art. Don’t mind the food. Mag-mall na lang kami ni Ericka, dalin na din naman 'yung desktop mo para ma-check up na.”
“Okay, if that’s what you want. Mag-ko-commute kayo?”
“Nah, may phobia ako sa pag-ko-commute, e. Can we just barrow your car? May license na naman si Ericka.”
May kung ano siyang kinuha sa mga sabitan niya sa kitchen. Susi pala. Binato niya ito kay Xel.
“Take care, okay? Tawagan na lang namin kayo kapag tapos na kami dito.”
***
Hindi ako makapag concentrate, kanina pa kami gumagawa ng project namin pero sa iba na pupunta 'yung pag-iisip ko. Masyado siyang malapit sa 'kin. Sa sobrang lapit nararamdaman ko 'yung paghinga niya... Nakakatakot baka naririnig niya 'yung ingay sa loob ng ribs ko.
“Are you okay?” tanong ni Art. “Medyo na mumutla ka. Kanina ka pa mukhang uneasy simula nung umalis sila Xel and Ericka. Something wrong?” Umiling lang ako, tapos tinuro na lang 'yung laptop. Parang sinenyas ko na ituloy na lang namin yung ginagawa namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/14507811-288-k178014.jpg)
BINABASA MO ANG
Make Him Fall
Teen FictionMay mga bagay sa buhay natin na bigla na lang dumadating sa mga panahong hindi natin inaasahan- mga bagay na kahit na ano'ng pilit nating iwasan o itago ay kailangan pa rin nating harapin. Sa larangan ng pag-ibig, maraming mga bagay na maaring man...