Chapter 3: The Deal

29 1 0
                                    

*Ken's POV

Libreng upa? Libreng na lahat? Para lang gawing tunay na babae ang isang tao? Hinako Yokohama, humanda ka. Di madaling sumuko ang isang Ken Villareal.

-------------------------------------

*Ken's POV

Pagdating ko sa address na binigay samen nakita kong isa itong mansyon. WOW! Mukang maginhawa ang magiging buhay ko dito huh? Paglapit ko sa gate may nakita akong tatlo pang lalaki. Mga gwapo rin sila huh? Pero mas gwapo ako.

Nung nakatayo na kami sa harap ng gate, nagtitigan lang kaming apat. Nagbitawan lang kami ng tingin ng tumunog yung speaker sa gate.

"KAYONG APAT! PUMASOK NA KAYO AT DUMIRETSO SA GARDEN NGAYON NA!! BILIS DAHIL PUPUNTA PA KO NG FRANCE!"

Sa narinig namin, nagkumahog kaming apat. Teka, mukang takot din sila kay Auntie. Di ko kamag-anak si Auntie Yuni, pero sabi nya yun na lang daw ang itawag ko sakanya. Kakatakot ang babaeng yun, sya lang ang nakakapagpakilabot saken ng ganito. Pero sya lang din ang babaeng hindi naapektuhan ng charms ko. Kaya nga malaki ang tiwala ko sakanya, dahil alam kong di nya ko pagsasamantalahan kagaya nung iba. Sa totoo lang, isa sa dahilan kung bakit ako pumayag dito ay dahil secured ang mansyon. Makakalayo ako sa mga babae at iba pang humahabol saken. Sa totoo lang, wala akong pakialam sa kanila. Ayoko sa pag-ibig, ang importante saken ay mabuhay ako.

Pagdating namin sa garden, nakita ko si Auntie. Nakapostura sya. Maganda talaga sya. Siguro, maganda din yung pamangkin nya. Di siguro yun mahirap gawing tunay na babae. Ako pa, TSK!

Pagdating namen, nagulat kami sa ganda ng garden ni Auntie. Napakamakulay at mabango. Mayayabong ang mga bulaklak. Halatang alagang alaga.

"Simula sa araw na ito, titira kayo dito sa mansyon ko. Gaya ng usapan, ibibigay ko ng libre ang renta, pero..... may kondisyon."

"KAHIT ANO PO AUNTIE!!"

Sabay sabay naming sagot na apat. Napangiti naman si Auntie sa ipagagawa samen. Kinakabahan ako.

"Bago ko sabihin ang kondisyon, ipapakilala ko muna kayo sa isa't isa. Ako pala si Auntie Yuni, pero hindi na yun mahalaga. Ibinilin ang ilan sa inyo ng mga magulang nyo saken upang turuan ko ng etiketa kung pano umarte gaya ng mga elitista. Habang ang iba sa inyo ay tinulungan kong maihaon sa mahirap na pamumuhay.....

Una, Si Robert Vermont. Anak ng isang hotel owner. Gwapo, mayaman at edukado. Lapitin ng mga babae, pero mahilig sa bawal. Madalas nakikipagrelasyon sa mga babaeng wild o di kaya ay may asawa na. Dinala ka ng mga magulang mo saken upang baguhin ang pagiging babaero mo."

Pagkatapos sabihin ni Auntie Yuni yun, napatingin kaming lahat kay Robert. Grabe, parang ang dumi nyang lalaki. Eto namang Robert, nakangiti lang. Tapos biglang lumapit sya kay Auntie, hinawakan ang pisngi neto at.....

"Ang mga kagaya mong kasing ganda ng mga bulaklak dito sa harding eto ay dapat inaalagaan at minamahal. Tayo na at pagsaluhan naten ang isang mainit na......"

 

BOOOOGGGGSSSSHHHH!!!!!

Our Sadako GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon