Nakaupo ako ngayon sa isang bench at matiyagang nag-aantay na dumaan ang long time crush ko na si Rick Cruise, siya ang captain ng long tennis team namin dito sa school, hearthrob siya sa school na pinapasukan ko dahil bukod sa may itsura, matalino na palakaibigan pa kaya hindi nakakapagtaka na maraming nagkakagusto sa kanya syempre kasama na ako dun at ngayong araw napagdesisyunan ko na aminin na ito sa kanya, hawak ang isang sulat na naglalaman ng mga nararamdaman ko sa kanya tumayo na ako ng nakita ko syang papadaan na sa bench na kinauupuan ko...
this is it lena ...ok lang yan.. madami ng nakakapag-confess sa kanya, maganda ka lena wala kang dapat ikahiya...go go go pangungumbinsi ko sa sarili ko.. okkk sobrang lapit na niya huminga ako ng malalim tsaka ko siya tinawag..
Rick!
tumigil siya sa paglalakad at sabay tingin sa direksyon ko
oh ikaw pala lena..may kailangan ka ba? nakangiti niyang tanong sa akin
Nagtataka ba kayo kung bakit niya ako kilala, hindi naman sa pagmamayabang pero sikat din naman ako sa school na toh..bukod sa ako ang nanalong miss campus last year isa din akong Dean Lister simula nung pumasok ako, dito pero for sure pangalan ko lang ang alam niya about sakin..
ahh-ehh ma-may gusto sana akong s-sabihin sayo nauutal-utal kong sabi sa kanya.
ano yun lena? tanong niya sa akin
eto na talaga lena ..kaya mo yan ..nakakainis ngayon pa ako tinamaan ng hiya ang dami kasing dumadaan ngayon dito..panu kung mabasted ako? hindi lena ok lang yun wag mong isipin yun...huhuhu kinakabahan ako ng sobra sobra..
lena?? tawag sa akin ni rick napansin niya ata na nakatulala na ako sa kanya..
wala ng atrasan toh..
huminga ako ng malalim as in sobrang lalim tapos yumuko ako at pinikit ang mga mata..eto na kaya ko toh..
Inilahad ko sa kanya ang sulat na hawak hawak ko kanina pa ng nakayuko pa din..
Rick eto sulat ko para sayo sana basahin mo..naramdaman ko na may kumuha ng sulat na inilahad ko...tinanggal ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko at tiningnan si Rick...
0__0
Nanlaki ang mga mata ko OMG hindi si Rick na crush ko ang nasa harapan ko kundi si Zen kasama ang mga teammates niya...asan na si Rick lumingon lingon ako para hanapin ung totoong dapat pagbibigyan ko ng sulat, sa paggala ng mga mata ko pansin ko na maraming nakatingin sa amin nakikiusyuso kung anong meron..nakakainis...ayun nakita ko si rick malayo na sa kinalalagyan ko ngayon higit higit siya ng mga kateammates niya at mukha silang nagmamadali....huhu rick ko bumalik ka dito..Napabalik ang tingin ko sa mga taong nasa harapan ko ng marinig kong magsalita ang isa sa kanila..
ano yan pre love letter? tanong ng isa sa kanila
Nakita ko si Zen na hawak hawak ang love letter ko na supposedly para kay Rick.
Zen Rick Harmpshire ang buo niyang pangalan isa siyang varsity player ng basketball team namin at tulad ni Rick na crush ko captain din siya sa team nila...actually hearthrob din siya tulad ni Rick kaya lang in different way maraming nagkakagusto sa kanya kasi cool daw, astig, gwapo din siya at sa pagkakaalam ko matalino din siya kaya lang snob, sabi nila marami na daw nakapag confess sa lalaking toh pero sa huli umuuwing luhaan lahat... ahead siya sa akin ng isang year 3rd year college na siya samantalang kami naman ni Rick ay 2nd year kaya wala akong gaanong alam about sa kanya.
Kinakabahan ako mababasted pa ata ako sa taong hindi ko naman talaga gusto..Sinulyapan niya muna ako bago binuksan ung sulat na para kay rick...akala ko hindi niya bubuksan kasi sa pagkakaalam ko sa tuwing nakakatanggap siya ng ganito pinupunit niya lang ito sa harap pa mismo nung nagbigay at umaalis na lang bigla, pero bakit ngayon binabasa niya ung sulat ko..
BINABASA MO ANG
Wrong Confession [one shot]
Teen FictionLena Cruz isang babaeng may crush sa isang Hearthrob, nag try mag confess pero epic fail kaya saan ang bagsak niya?...hmmm syempre kay isa pang hearthrob...