𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟑

524 12 7
                                    

[EDITED]

Maxine's POV

⊂( ̄(エ) ̄)⊃

Anak ng tokwa, sino ba siya sa akala niya? Crush nya ba ako? Kapal neto. Nagtataka kayo kung sino? Edi sino pa nga ba? Edi yung lalaking Englishero.

"what do you think your doing?" Akala mo ikaw lang marunong mag english ha, hmp!

"Are you stupid?" Kanina pa to sa stupid, stupid na yan ha!

"ano bang kailangan mo? Ar ano bang problema mo?!!!!" sigaw ko sa kaniya dahil talagang naiinis na ako.

"You almost hit me with your hands," sambit niya at pabagsak na ibinaba ng kamay ko.

"Eh ikaw tong tatanga tanga sa atin, kita ko naman pala na may tao dun, dun ka pa dumaan. Ang lawak lawak kaya ng daan!" Sinong stupid saatin ngayon? Nyenye mo.

"You're talking about stupid huh? Watch your actions first," Sambit nito at umalis na.

"Hoy! Saan ka pupunta? Bumalik ka dito!" Pero dere-deretso lamang siya. Grrr, humanda ka pag nagkita tayong muli. Nakita ko namang nakatulala lang, at laglag ang panga nung tatlo kaya nagsalita ako,

"Papasukin na yan ng langaw."  sabi ko at inirapan silang tatlo.

"O to the M to the G!!! Ang pogi!!" Tili ni Yelena. Seriously? Eww!

"Oo nga! Ang cute nya, tapos mamula mula yung cheeks niya." Saad naman ni Unice. Wala ba silang taste?

"Grabe, speechless ako dun ahh. Natulala ako kay koya." Sambit naman ni Danica na medyo kinikilig pa. Nakakadiri.

"Umuwi na nga tayo, tsk." Cold na saad ko at naunang naglakad. Iniwan ko na sila.

Habang nasa byahe kami napaka tahimik nilang lahat, kaya hinayaan ko na lang sila, At nang makarating kami sa bahay, ay dumiretso na ako sa kwarto ko at doon na nagpahinga. Busog naman ako dahil wala kaming ginawa kundi kumain ng kumain. At makipag-away. Grrr nakakainis talaga.

*2 day later*

Omo!!! May pasok na, nae-excite na ako na makakilala ng bagong classmates. Sana talaga may pogi. Tapos mala wattpad ang magiging buhay namin sa school.

Bumangon na ako, at pumasok sa cr ko at nagsimulang maligo. Kakanta-kanta pa ako habang naliligo.  Ang saya!

Nang matapos ako sa paliligo, naisipan kong mag rip jeans, and black T-shirt na lang ang isuot; tutal wala pa naman kaming uniform. Natapos ako sa pagbibihis, at lumabas na ako sa kwarto ko, at naabutan ko naman ang tatlong bruha, na hindi magkanda ugaga sa mga ginagawa.

"Sa labas nalang tayo kumain, walang luto." Saad ni Yelena. Nag agree naman kami kaya, gumora na kami at dumeretso sa 7eleven. Kumuha lang kami ng gusti namin, ako tamang Jampong lang. Binayaran namin iyon at nagsimulang kumain.

"Grabe excited na ako, ano kaya itsura ng uniform natin? Sana yung mala korean ang uniform." Panimula ko.

"Oo nga, tapos yung ID natin parang name tag lang, na nakalagay sa may gilid ng uniform." Pag-agree naman ni Yelena, at kumagat sa footlong niya.

"Sana maganda ang library." Kahit kailan talaga tong si Danica, napaka-hilig sa mga libro.

"Boring sa library, sana kamo may pool at oval, at sana malawak ang field!" Sabat naman ni Unice.

Nagkwentuhan pa kami, at ng matapos ay dumeretso na kami sa school. Since malapit na lang yung school, nilakad na namin yun. Ang sarap ng simoy ng hangin, malamig.

Fall For You [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon