Chapter 2: At the prom

17 1 0
                                    

sa mga nagbabasa nito (kung meron man. HAHA!) Please vote and comment po naman kayo.  Its so soon para dito pero konting favor lang naman yung.. just a click away! :DD salamat..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 2:

At the prom

Nang makarating kami sa gym nagsimula na akong magmasid masid. Maraming tao. May buffet sa may gilid. Malalaking stereo at may tower sa bandang likuran ng stage. Ay! oo pala did I mentioned na open space tong gym? Dalawa kasi ang gym ng school. Yung isa nasa loob ng main building.

"tara best! Dun tayo" hinigit ako ni Dan papunta sa may buffet. Haay, basta pagkain.

"Nagugutom ka na naman ba Dan? Ansiba mo talagang kumain!" sinasabi ko habang nakaturo sa plato niyang maraming laman. "Pero infairness ah! Di ka tumataba!" sabay kurot sa beywang

"aray! Grabe best! Di ako naglunch noh! Dala ng exitement siguro" sabi niya habang umuupo kami sa may mga tables sa tabi ng buffet.

"Oo nalang best. Kumain ka na nga lang jan" sabi ko habang nagmamasid sa paligid.

Sa di kalayuan, may nakita akong guy.

Wow! Cute siya ah. Malaki ang katawan, nagji-gym siguro. Mukang may hinahanap yung guy.

Nang mapatingin siya sa part ko bigla siyang nagsmile at kumaway. At dahil ang cute niya kinawayan ko rin siya... Hihi, syet.. :D

"best, sinong kinakawayan mo jan?" sabi ni Danica habang ngumunguya ng pagkain

Ako? Kumakaway? At narealize kong kumakaway nga ako! 

0_0 SHIT! Kumaway ako? Arrhhgg!!!!

Agad kong binaba yung kamay ko at nang tumingin ako sa part nung guy bigla siyang nag smile at...

KUMINDAT!

0/////0 shit! Nafeel kong namula yung muka ko. At bigla akong napayuko. Nung sumilip ako sa kaniya, wala na siya sa kinatatayuan niya. Naglakad na ata paalis.

_____________________________________________________________________________

Nagsasayawan na sila sa gitna, nag-uusap. Nakaupo ako ngayon sa mga bench sa tabi, nahihiya pa rin ako sa ginawa ko kanina. =_=. Si best naman ayun umalis muna. Naparami ata ng kain. Wahehehe. Kababaeng tao oh! Psh!

Nakapatong yung dalawang siko ko sa aking hita at tinatakpan ko ang muka ko habang naka yuko. Nahihiya parin ako. Tss!

 

"Miss. Can I have this dance?"

 

 

 

0_0

Away With My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon