Same day. Present.
Dali dali akong pumunta dun.
Umupo ako ng nahanap ko ang puntod niya.
"Lois, ikaw ha. Mangiiwan ka. Di mo man lang ako kinausap bago ka pumunta diyan. Noong bata pa tayo mahal na mahal na kita." Sabi ko habang umiiyak
"Miss na miss na kitang makasama. Miss ko na yang mata mong napakaganda. Miss ko na yung nakakahawa mong tawa. Miss ko na yung matatamis mong mga ngiti."
"Sana nakasama man lang kita saglit. Sana nasabi ko man lang sayo kung gaano kita kamahal. Pero huli na ang lahat eh. Di kita kayang ipagpalit. Ikaw at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko."
Bumuhos ang ulan."Lois, alis na ko ha. Magiingat ka diyan. Mahal na mahal kita at miss na miss na kita." Sumilong na ko at nakita ko si Jana. Nakatingin siya sakin.
Nilapitan ko siya.
"Bakit nagsinungaling ka? T*ngina. Bakit di niya sinabi sakin na may kapatid siya at kambal pa? Ha?"
"Dahil may gusto ako sayo noon pa. Naiinggit ako sa kanya kaya ako nagsinungaling. Pati ang parents ko gustong gusto siya. Ngayon at wala na siya, Jabi, sana ako na ang mahalin mo. Please."
Desperada. Iniwan ko nalang siya dun. Bahala siya sa buhay niya.