(One-Shot)

80 2 0
                                    

''Sinong May Kasalanan''
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako sa kahoy na tumama sa aking tiyan.


''Ano to?! May natutulog eh!'' sigaw ko sabay bato sa kung saan ang kahoy na hawak ko.

Natamaan si bunso na nagkakape,
''Whoa! ouch, napaso ako!'' napatayo siya dahil napaso siya , Hindi niya namalayang naapakan niya ang alaga nilang pusa na si Memeng


''Ngawwwww'' Nagulantang si memeng dahil naapakan ang buntot niya, Tumakbo siya palabas ng bahay at nakatagpo si Nanay na papasok sa bahay na may karga sa ulo'ng nilabhang mga damit.


''Ayy! Punyenta!'' Muntik ng maapakan ni nanay si memeng, pero buti nalang at naka-iwas sya kaya lng , Natapon ang mga nilabha'ng damit , Tumilapon ito sa nilalarong Chess nina tatay at tito.


''Ano ba yan?!'' angal ni tatay at napatayo sa bangko'ng inuupuan.


''Oy?!'' Sabi ni tito ng mahulog sa may dulong upuan, at napahawak sa sampayan para sana kapitan.



''Halla?!'' Nagulat si ate na nagsasampay. Napa-urong siya dahil nahulog ang mga damit na sinampay niya. Nabunggo niya ang asawa niyang nagsisibak ng kahoy.



''Ano bang nagyayari sayo?!'' angal ng asawa niya. Ang sinibak niyang kahoy ay lumipad at pumasok sa bintana.











''Ano to?! May natutulog eh!''

Sigaw ko....
















#HopeYouLikeIt😉

#More?

#Vote&Comment
😊😊

Short StoriesWhere stories live. Discover now